Hindi natin kayang kontrolin palagi ang pagtangkad, lalo na pagdating sa mga bata. Siyempre, lubos na nakasalalay ito sa genetic makeup ng isang bata, nangangahulugan na wala sa iyong kakayahan bilang magulang o sa kanila bilang anak ang pumili kung gaano katangkad ang gusto nilang maging. Gayunpaman, mahalaga rin ang pagbibigay sa mga bata ng tamang pagkain at pampatangkad na vitamins. Ano ang pinakamahusay na pampatangkad na vitamins para sa mga bata? Basahin ang nasa ibaba upang malaman!
Pinakamahusay Na Pampatangkad Na Vitamins Para Sa Mga Bata
Ang genetics ang pinakamahalagang salik na nakakaapekto sa paglaki at pagtangkad ng isang bata. Lumalaki ang bawat bata ayon sa sarili nilang kakayahan, at kalaunan mas bumibilis habang papalapit sila sa pagbibinata at pagdadalaga. Ngunit maaari pa ring mapigilan ng hindi sapat na nutrisyon ang paglaki ng isang bata, na humahadlang na maabot nila ang tamang tangkad.
Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang pagbibigay ng pagkaing mayaman sa sustansya bilang suporta habang lumalaki ang mga bata. Ngunit ano ang mga sustansyang ito?
Vitamin D
Mahalaga ang ginagampanan ng vitamin D sa pagbibigay ng sustansya sa buto at sa tamang paglaki. Magandang maging kapares ng vitamin na ito ang calcium, dahil nakatutulong ito sa absorption process ng calcium sa katawan. Maaaring magsanhi sa mas mahinang buto, mga problema sa paglaki, at lubhang makaapekto sa pagtangkad ang kakulangan sa vitamin D.
Mayaman sa vitamin D ang mga pagkain na isda tulad ng tuna, salmon, at mackerel. Halimbawa rin ang orange juice at soy milk ng mga pagkaing mayaman sa vitamin D.
Vitamin B
Isa pa sa itinuturing na pinakamahusay na pampatangkad na vitamins para sa mga bata ang vitamin B. Katulad ng vitamin D, maaaring makaapekto nang malaki sa pagtangkad ng bata ang vitamin B. Makatutulong din ito sa mga bata na magkaroon ng tuloy-tuloy at malusog na gana sa pagkain, pati na rin sa tamang nerve function.
Ang mga whole grain tulad ng brown rice at barley, manok, karne, isda, at maging mga dairy product, ang ilan sa mga pagkain na may vitamin B. Maaari mo ring bigyan ang iyong anak ng mga prutas tulad ng dalandan, saging, at mga avocado kung hindi nila gusto ang mga madahong gulay tulad ng broccoli o spinach.
Protein
Nagpakita na may epekto ang protein sa IGF-1, isang hormone na responsable sa pamamahala ng paglaki ng isang bata. Mahalaga ang protein pagdating sa paggawa at pagpapabuti ng mga muscle sa katawan. Maaaring magsanhi ng mahinang paglaki ang kakulangan sa protein.
Ilan lang ang beans, manok, at yogurt sa mga halimbawa ng pagkaing maaaring ipakain sa iyong anak upang matulungan silang makuha ang kinakailangan nilang protein sa araw-araw. Ilan pang pagkaing mayaman sa protein na maaaring pagpilian ang gatas, seafood, at pulang karne tulad ng tupa at karne ng baka.
Carbohydrates
Iisipin sa karamihan ng mga tao na nakasasama ang carbohydrates imbis na nakatutulong. Gayunpaman, mahalaga ang carbs sa diet ng isang bata, dahil unang-una nakatutulong ito sa kanyang paglaki. Nagbibigay ng enerhiya sa katawan ang carbs, kaya napakahalaga nito sa diet ng bata. Gayunpaman, ilang pagkain na maaaring mayaman sa carbohydrates ang mas nakapipinsala kaysa sa nakabubuti.
Pinakamabuting idagdag na carbohydrates sa diet ng bata ang mga whole-grain na pagkain. Puwede itong cereal at wheat, na nagmumula sa mga organic at masustansya na pinagkukunan. Maaari ding dahil sa sugar carbohydrates kaya malapit sa childhood obesity ang isang bata.
Minerals
Tulad ng nabanggit kanina, mahalagang kontribusyon ang calcium sa pangkalahatang pisikal na kalusugan ng isang bata dahil nakatutulong ito sa pagpapalakas ng mga buto. Ngunit sumusuporta rin sa paglaki ng bata ang iba pang mineral na matatagpuan sa pagkain. Ito ang iron, phosphorus, manganese, magnesium, iodine, at fluoride – may kakayahan ang lahat ng ito na pagbutihin ang paglaki ng bata.
Ilan sa mga halimbawa na maaari isama sa diet ng iyong anak ang pagbibigay ng mga meryenda tulad ng mga mani at buto, dahil mayaman ito sa mineral. Maaari din silang bigyan ng mga itlog, beans, at avocado.
Masustansiyang Diet, Malusog Na Paglaki
Maaaring magdulot ng higit pa sa tuloy-tuloy na gana sa pagkain ng isang bata ang balanseng diet. Makatutulong din ito na maabot nila ang lubos nilang paglaki at pagtanda, nang hindi hinahadlangan ng anumang bagay. Marami nang nagagawa para sa mga bata ang pagkain ng tatlong beses sa isang araw, at kabilang dito ang pagpapabilis sa kanilang paglaki.
Gayunpaman, mahalagang tandaan na hindi talaga maaaring makontrol ang pagtangkad ng iyong anak. Pagdating sa pinakamahusay na pampatangkad na vitamins, maaaring kumonsulta sa pediatrician ng iyong anak.
Matuto pa tungkol sa Toddler Growth & Development dito.