backup og meta

Bangungot Ng Bata: Ano Ang Dapat Gawin Ng Mga Magulang?

Bangungot Ng Bata: Ano Ang Dapat Gawin Ng Mga Magulang?

Kung mga bata ay sanggol pa lamang, kadalasan natin silang napapansin na ngumingisi at ngumingiti habang natutulog, dahil ito sa sila ay nananaginip. Sa edad na 2, gayunpaman, ang mga masasamang panaginip ay nagsisimulang pumasok. Ang bangungot ng bata o “night terror” ay ang mga nararanasan ng iyong anak kung sila ay bigla na lamang umiiyak o natatakot sa madaling araw o matapos ang hatinggabi.

Ano Ang ‘Night Terrors’ o Bangungot Ng Bata?

Ang “night terrors” ay kadalasang kinalilituhan sa “nightmares” dahil kabilang dito ang pagkatakot at pag-iyak ng bata. Gayunpaman, ang night terrors ay walang mga imagery, na mayroon sa nightmare. Sa halip, ito ay biglaang reaksyon o pagkatakot habang nasa transition ng pagtulog.

Ang mga bata ay maaaring sumigaw, humagulgol, at sa ibang mga bihirang pangyayari ay naglalakad habang tulog. Hindi nakatutulong ang paggising o pag-aaliw sa kanila dahil sila ay nasa malalim pa na pagtulog.

Ang night terrors o bangungot ng bata ay nangyayari habang nasa non-REM na pagtulog ang bata. Hindi maaalala ng mga bata ang bangungot sa oras na gumising na sa umaga.

Ano Ang Mga Sanhi Ng Bangungot Ng Bata?

Ang mga bata ay laging masaya, aktibo, at puno ng pagmamahal, ngunit hindi ito nakasasangga laban sa mga posibleng bangungot habang natutulog.

Bilang isang magulang, mainam na alam mo ang mga factors na nagiging sanhi ng bangungot ng bata upang matulungan ang iyong anak. Ang mga sanhi ng bangungot ng bata ay kabilang ang:

Stress At Anxiety

Ang stress at anxiety ay karaniwan na sanhi ng mga bangungot ng bata. Maaaring makaramdam ng stress at pangamba ang mga bata kung may mga bagay na nagtri-trigger ng kanilang takot tulad ng makita ang gagamba, pagiging mag-isa sa dilim, o separation anxiety.

Ang mga batang nasa murang edad ay maaaring makaramdam din ng mga ganitong emosyonal na tensyon kung sila ay napagagalitan ng kanilang mga magulang o iniiwasan ng ibang mga bata.

Malaking Pagbabago

Ang malaking pagbabago sa buhay tulad ng pagkakaroon ng kapatid, paglipat sa bagong bahay, o pagpunta sa paaralan ay ang mga bagay na nagiging sanhi ng bangungot ng bata.

Traumatic Na Pangyayari

Injuries, mga aksidente, ang pagpunta sa ospital, o pagkaligaw sa isang lugar ay mga malalaking factors din na nakaaapekto sa bangungot na nararanasan ng mga bata.

Di-Regular Na Schedule Sa Pagtulog

Ang pagtulog nang sobrang late at paggising nang maaga o hindi pagkakaroon ng regular na oras sa pagtulog ay maaaring magresulta sa madalas na bangungot ng bata.

Aktibong Imahinasyon

Ang pagkakaroon ng sobrang aktibong imahinasyon ay humahantong sa mga bata na makaranas ng makatotohanang masamang panaginip at mag-trigger ng emosyon ng pagkatakot.

Kahit na sa pagtulog, ang mga bata ay nag i-imagine ng mga bagay na nakita nila bago sila matulog. Ang panonood at pagbabasa ng mga nakakatakot na kwento bago matulog ay nakakapag-stimulate ng pagkakaroon ng bangungot ng bata.

Lagnat

Ang lagnat ay maaari ding maka-trigger ng bangungot. Ang mataas na temperatura ng katawan ay maaaring makaapekto sa function ng utak, na nagreresulta sa hallucination at visual imagery.

Paano I-Manage Ang Bangungot Ng Bata?

Narito ang ilang tips na magagamit mo kung ang iyong anak ay nakaranas ng bangungot:

  • Huwag mag panic at hayaan ang iyong anak na kumalma nang kusa.
  • Hayaan mong maramdaman ng iyong anak ang iyong presensya. Subukan na hawakan ang kamay ng iyong anak o simpleng tawagin lang ang kanilang pangalan upang maramdaman nilang ikaw ay naroon lamang.
  • Huwag pilitin ang iyong anak na gumising habang nasa gitna ng bangungot. Ang paggawa nito ay ikagugulat niya at mas makasasama ng damdamin ng bata.
  • Magbigay ng comfort at tiyakin sa iyong anak na ang lahat ay ayos lamang.
  • Ipaliwanag sa iyong anak na lahat ay nakararanas ng masamang panaginip, kahit na siya. Ang hakbang na ito ay mahalaga dahil mararamdaman ng iyong anak na hindi siya nag-iisa.
  • Kausapin sila sa kung anong nangyari pagkagising nila sa umaga. Hayaan ang iyong anak na magbahagi ng kung anong nangyari at ipaliwanag sa kanila na hindi ito totoo. Ito lamang ay isang masamang panaginip.
  • Kung ang iyong anak ay ganap nang gising matapos ang pangyayari, mag-alok ng mga bagay na makatutulong sa kanila na bumalik sa pagtulog.
  • Kung ang iyong anak ay takot na matulog dahil sa bangungot, ilaan ang buong oras sa gabi sa iyong anak upang maramdaman nila ang pagiging kalmado at ligtas.

Maaari mo silang turuan ng ehersisyo sa paghinga para sa mga bata upang kumalma.

bangungot ng bata

Paano Maiiwasan Ang Bangungot Ng Bata?

Imposible na maiwasan ang mga bangungot. Ang maaari mong gawin ay pigilan ang dalas ng mga pangyayaring ito. Ang ilan sa tips na makatutulong sa iyo ay:

  • Magtakda ng schedule sa pagtulog para sa iyong anak.
  • Magkaroon ng routine bago matulog (pagligo, pagbabasa ng mga libro).
  • Iwasan ang mga sitwasyon na maaaring ma-stress ang iyong anak.
  • Iwasan na paglaruin ang iyong anak ng mga games, manood ng videos o magbasa ng mga kwento na masyadong nakakatakot para sa kanilang edad.
  • Magkaroon ng oras sa pagtulog sa hapon upang maiwasan ang pagiging pagod ng iyong anak.
  • Laging makipag-ugnayan sa iyong anak at subukan ang lahat ng makakaya na ipaliwanag ang mga bagay na nahihirapan silang unawain.

Kailan Tatawag Ng Doktor

Kung ang bangungot o night terrors ng iyong anak ay lumalala at dumadalas, mainam na tumawag ng pediatrician sa lalong madaling panahon.

Ang madalas na bangungot ay maaaring makapagparamdam sa iyong anak ng pagiging matamlay at balisa sa buong araw. Maaaring mahirapan din silang mag-concentrate sa pag-aaral. Ang paulit-ulit na pangyayari ay magdudulot sa iyong anak ng pagkatakot at pagkabahala, na magreresulta ng seryosong mga psychological na problema.

Agad na humingi ng tulong propesyonal upang matugunan ang sitwasyon bago lumalala.

Mahalagang Tandaan

Ang night terrors o bangungot ng bata ay nakakakilabot na karanasan. Ang pagiging nariyan sa mga panahon na ito ay makatutulong sa iyong anak kahit na gaano ka-nakakatakot ang sitwasyon.

Kadalasan ng mga bata ay makakalimutan ang mga bangungot kung sila ay tumuntong sa mga taon ng pagiging teenager. Bilang isang magulang, ang kailangan mo lang gawin ay hikayatin ang iyong anak na maging malakas at harapin ang kanilang takot hanggang sa matapos ang sitwasyon.

Matuto pa tungkol sa mga Toddler at Preschooler dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Night Terrors: When to Talk with a Doctor, https://www.sleepfoundation.org/articles/night-terrors-when-talk-doctor, Accessed June 25, 2020

NIghtmares in Children, https://my.clevelandclinic.org/health/articles/14297-nightmares-in-children, Accessed June 25, 2020

Sleep – Children and Nightmares, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/HealthyLiving/sleep-children-and-nightmares, Accessed June 25, 2020

Night Terrors and Nightmares, https://www.nhs.uk/conditions/night-terrors/, Accessed June 25, 2020

Nightmares, https://kidshealth.org/en/parents/nightmare.html, Accessed June 25, 2020

Night Terrors, https://kidshealth.org/en/parents/terrors.html, Accessed June 25, 2020

REM Sleep, https://www.cancer.gov/publications/dictionaries/cancer-terms/def/rem-sleep, Accessed June 25, 2020

Medical Definition of NREM Sleep, https://www.medicinenet.com/script/main/art.asp?articlekey=8684, Accessed June 25, 2020

Kasalukuyang Version

04/08/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Pampatulog na Pagkain: Anu-Ano Ba Ang Mga Ito?

Batang ayaw matulog: Ano ang maaaring gawin tungkol dito?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement