backup og meta

Ano Ang Tamang Pagkain Para Sa Baby Na 6 Months?

Ano Ang Tamang Pagkain Para Sa Baby Na 6 Months?

Handa na ba ang iyong anak sa pagkain ng solid foods? Ano ang angkop na baby food para sa 6 months? Inirerekomenda ng American Academy of Pediatrics (AAP) na gatas ng ina lamang ang maaaring baby food para sa 6 months, at saka ito tuloy nang may kasamang solid foods hanggang sa mag-isang taon ang iyong anak. Narito ang baby food para sa 6 months, mga dapat asahan kapag nagsimula nang kumain ng solid foods ang iyong anak, at kung paano malalaman kung handa na siya sa mga ito.

Handa Na Ba Ang Iyong Anak Sa Solid Food?

Kung ang iyong anak ay higit na sa anim na buwan at natamo na ang lahat ng mga sumusunod na pamantayan, siya ay handa nang kumain ng solid foods:

  • Nakauupo nang hindi tinutulungan
  • Naitutunhay ang ulo nang hindi tinutulungan
  • Nagpapakita ng interes sa pagkain. Isa sa mga magagandang senyales ay kung nagsisimula na ang iyong anak na ibuka ang kanyang bibig kapag binibigyan mo siya ng pagkain. Maaari ding kung lumilikha siya ng ingay sa tuwing nakikita ka niyang kumakain ng pagkaing sa palagay niya ay masarap.
  • Kung hindi na itinutulak ng kanyang dila ang pagkain o wala nang extrusion reflex (ang kaugaliang iluwa ang pagkain mula sa kanilang bibig upang protektahan ang kanilang sarili na mabulunan). Karamihan sa mga sanggol ay nawawala ang ganitong reflex sa pagitan ng 4 hanggang 6 na buwan. Kung hindi pa nawawala ang reflex na ito sa iyong anak, huwag mag-aalala, mawawala rin ito nang kusa.

Paano Simulan Ang Pagpapakain Ng Solid Food Sa Iyong Anak?

Sa pagsisimula ng pagpapakain ng solid foods sa iyong anak, magsimula sa isang bagong pagkain sa loob ng ilang mga araw bago simulan ang pagpapakain ng panibago muling pagkain. Kapag nasanay na ang iyong anak sa bagong pagkaing ito at nagustuhan niya ito sa loob ng ilang mga araw, maaari ka nang magdagdag ng panibagong pagkain.

Gaano karami ang dapat ipakain sa kanila? Ang ideya ay kapag nagsimula na ang iyong anak na kumain ng solid foods, dahan-dahan mong bawasan ang dami ng gatas na kanyang iniinom habang binibigyan mo siya ng mas maraming solid foods. Alam ng babies kung sila ay busog na, kaya bantayan ang mga senyales na kanilang ginagawa na nangangahulugan nito tulad ng:

  • Pagtulak palayo ng bote o kutsara, o pag-iwas ng kanyang mukha sa tuwing sinusubukan mong pakainin siya
  • Nakatulog habang pinapakain
  • Pagpapakita ng mga senyales na ayaw na niyang kumain, tulad ng pag-iling ng ulo at pagsara ng labi
  • Pagbibigay sa iyo ng bote o kutsara

Baby Food Para Sa 6 Months

Matapos malaman ang lahat ng mga impormasyong ito at kung isasalang-alang ang mga ito, ano-ano ang mga baby food para sa 6 months?

Ang pinakamainam na baby food para sa 6 months ay ang mga gulay at prutas. Lutuin ang mga ito hanggang sa maging malambot (sa pamamagitan ng pag-bake, pag-stem, o pag-iihaw) at durugin o haluin ang mga ito. Maaari ding ipakain sa iyong anak ang malambot na veggie sticks — tiyakin lamang na lutong-luto ang mga ito.

Mga Gulay

  • Karot
  • Broccoli
  • Cauliflower
  • Spinach
  • Kalabasa
  • Repolyo
  • Peas at green beans (durugin ang mga ito upang hindi mabulunan ang iyong anak)

Mga Prutas

  • Saging
  • Orange
  • Mansanas
  • Mangga
  • Papaya
  • Melon
  • Abukado

Starch

  • Patatas
  • Matamis na patatas
  • Pasta
  • Oats
  • Toast
  • Lugaw
  • Kanin
  • Mais
  • Tinapay

Protina

  • Karne ng manok
  • Karne ng baka
  • Isda na walang tinik
  • Tokwa
  • Beans at lentils

Dairy

  • Bukod sa gatas, maaari ding bigyan ang iyong anak ng pasteurized, full-fat na yogurt at keso
  • Gatas ng baka, SUBALIT sa pagluluto o paghahalo lamang ng mga pagkain. Hindi mabuti para sa kanila ang gatas ng baka hanggang sa pagsapit nila ng isang taong gulang.

Muli, huwag kalimutang ang pagpapakain ng solid foods ay dapat gawin nang paisa-isa, lalo na kung ang pagkaing ibinigay mo sa iyong anak ay maaaring maging dahilan ng allergic reaction. Kabilang dito ang mga pagkaing tulad ng itlog, gluten, gatas ng baka, pagkaing-dagat, soy, at mga mani o mga produktong may sangkap na mani.

Key Takeaways

Sa edad na 6 months, maaari nang mag-umpisang kumain ng solid food ang sanggol. Ngunit ang pangunahing pagkain nila ay breast milk pa rin.
Maaaring maging bahagyang mahirap ang pagpapakain ng solid foods sa iyong baby na 6 months. Ang pinakamainam na simulang baby food para sa 6 months ay ang mga prutas at gulay. Tandaang pagpapakain ng solid foods ay dapat gawin nang paisa-isa. Tingnan din ang mga aksyong ginagawa ng iyong anak na nangangahulugang siya ay busog na. Gayundin, maging maingat sa mga pagkaing maaaring maging sanhi upang mabulunan ang iyong anak o ng allergic reaction. Kung ikaw ay bahagyang nahihirapan, kumonsulta sa pediatrician ng iyong anak. Bibigyan ka niya ng gabay sa paghahanda ng pagkain o magrerekomenda siya ng mga pagkaing mabibili na angkop sa iyong anak.

Matuto pa tungkol sa Nutrisyon ng Sanggol dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 Solid foods: How to get your baby started, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/in-depth/healthy-baby/, Accessed July 22, 2022

2 Starting Solid Foods, https://www.healthychildren.org/English/ages-stages/baby/feeding-nutrition/Pages/Starting-Solid-Foods.aspx, Accessed July 22, 2022

3 What to feed your baby, https://www.nhs.uk/start4life/weaning/what-to-feed-your-baby/around-6-months/, Accessed July 22, 2022

4 MAKING YOUR OWN BABY FOOD, https://hgic.clemson.edu/factsheet/making-your-own-baby-food/, Accessed July 22, 2022

5 When, What, and How to Introduce Solid Foods, https://www.cdc.gov/nutrition/infantandtoddlernutrition/foods-and-drinks/when-to-introduce-solid-foods, Accessed July 22, 2022

Kasalukuyang Version

10/28/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Mga Brand ng Baby Food na Mabibili ng mga Magulang

Alamin: Mga Pagkain para sa Baby-led Weaning


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement