backup og meta

Breastfeeding Supplement Para sa Baby: Alin ang Talagang Kailangan Mo?

Breastfeeding Supplement Para sa Baby: Alin ang Talagang Kailangan Mo?

Gatas ng ina ang source ng mga sustansyang mahalaga para sa baby. Ito ay suportado ng agham at alam ng maraming ina sa sandaling ipanganak ang sanggol. Para mas mahusay na matustusan ang kanilang anak, gustong malaman ng ilang mga ina kung kailangan ba nila ng supplement para sa baby habang nagpapasuso. Dahil pinakamahalaga ang kalusugan ng ina at sanggol, kailangan ng karagdagang kaalaman sa mga pangangailangan sa nutrisyon ng ina at anak.

May iba’t ibang uri ng breastfeeding supplements na available. Ngunit kailangan mo ba talaga ng breastfeeding supplement para sa baby? At kung kailangan, alin sa mga ito ang napatunayang kapaki-pakinabang? 

Sustansya mula sa Ina 

Kapag ang babae ay buntis o nagpapasuso, anumang nutrisyon na kanyang na-imbak ay madaling maubos. Ang dugo lamang na nawala sa panahon ng panganganak ay maaaring hindi biro.

Ang dami ng gatas ng ina ay nag-iiba din depende sa diet ng ina o sa kanyang mga reserbang nutrisyon. Dahil hindi kumpleto ang conversion ng nutrients sa pagkain sa nutrients sa breastmilk, kailangang dagdagan ng mga ina ang kanilang nutrient intake.  

Alam ng katawan ng babae ang nutrisyon na kailangan ng kanyang anak sa bawat stage ng development. Anuman ang kinakain ng isang ina o mga supplement para sa baby na iniinom ay malamang na tama pa rin ang kanyang gatas para sa kanyang baby. 

Upang siguraduhin na nasa mabuting kalusugan ang ina at sanggol, susuriin ka ng iyong doktor kahit na pagkatapos manganak. Maaaring irekomenda ng doktor ang patuloy na pag-inom ng pang-araw-araw na multivitamin at mineral supplement hanggang sa maawat ang sanggol sa pagsuso.

Dietary Advice para sa mga Nanay na nagpapasuso

Kahit na ang ina ay kulang sa ilang mga bagay sa kanyang diet, ang mga carbohydrates, iron, protein, calcium, at fat contents sa breastmilk ay hindi gaanong nagbabago. Gayunpaman, kung ang isang ina ay hindi nakakagawa ng sapat ng thiamine at vitamins A at D, mas kaunti rin ang mga ito sa kanyang gatas.

Pinapayuhan ng mga doktor ang mga breastfeeding moms ng magkaroon ng mixed diet. At ang bawat postnatal visit at dapat may dietary advice. Karaniwan, ang mga ina ay hindi dapat kumonsumo ng mas mababa sa 1800 calories bawat araw. Samantala, ang pinakamainam na paraan para malaman ang diet ng sanggol ay ang pagsukat sa pagtaas ng kanyang timbang.

Ang mixed diet ay dapat may kasamang proteins. Tulad ng karne, manok, isda, itlog, dairy, beans, nuts, at seeds 2-3 beses sa isang araw. Tamang-tama ang tatlong servings ng gulay, dalawang servings ng prutas, at whole grains gaya ng wheat bread, pasta, cereal, at oatmeal.

Breastfeeding Supplement para sa baby na Kailangan ng mga Ina

Ang folic acid ay inirerekomenda na inumin ng mga kababaihan bago magbuntis at sa unang trimester.

Iodine ang isa pang supplement na iminumungkahi sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. Mahalaga ang iodine para sa pagsuporta sa neurodevelopment ng sanggol. At ang mga kababaihan ay dapat kumonsumo ng sapat na dami kapag sinusubukan nilang magbuntis, buntis o nagpapasuso.

Napakahalaga ng iodine bilang breastfeeding supplement. Kasalukuyang inirerekomenda ng World Health Organization (WHO) ang minimum na 250 ug/d para sa mga buntis at nagpapasusong kababaihan. Ito ay para masiguro na sapat ang iodine content ng gatas ng ina para sa sanggol.

Sa isang pag-aaral sa Australia noong 2018, 78% ng mga ina sa panahon ng pagbubuntis ay uminom ng folic acid supplement at 21% ay uminom ng iron supplement. Ang mga ina na uminom ng supplement para sa baby ay mas malamang na magpatuloy sa pagpapasuso.

Samantala, natuklasan ng isang pag-aaral sa New Zealand noong 2021 na sa kabila ng isang dekadang mga hakbang upang madagdagan ang paggamit ng iodine, mababa ang kaalaman tungkol dito. At ang katayuan sa kalusugan ng mga babaeng nagpapasuso sa pag-aaral ay suboptimal. Ang mga babaeng gumamit ng supplements na may iodine ay mas malamang na magkaroon ng sapat na katayuan.

Key Takeaways

Mahalaga sa paglaki ng sanggol ang mga sustansya na ipinapasa ng nagpapasusong ina mula sa kanya sa kanyang sanggol. Kailangan ba ng breastfeeding supplement para sa baby? Ang gatas ng ina ay may carbohydrates, protina, taba, iron, at calcium — lahat ng kailangan ng iyong sanggol. Gayunpaman, kailangan pa ring sundin ng mga ina ang payo ng kanilang doktor kung anong pagkain ang dapat kainin habang sila ay nagpapasuso. Ang folic acid, iron, at iodine ay napatunayang kapaki-pakinabang na mga supplement para sa baby sa pagpapasuso. Ito ay inindorso ng mga doktor at maging ng global organizations

Mag-click dito para sa higit pa sa pagpapasuso.  

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The importance of maternal nutrition during breastfeeding: Do breastfeeding mothers need nutritional supplements? https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S2341287916300643, Accessed January 5, 2022

Nutritional supplements during breastfeeding, https://researchrepository.murdoch.edu.au/id/eprint/5405/, Accessed January 5, 2022

Use of Iodine Supplements by Breastfeeding Mothers Is Associated with Better Maternal and Infant Iodine Status, https://link.springer.com/article/10.1007/s12011-020-02438-8, Accessed January 5, 2022

Diet for breastfeeding mothers, https://www.chop.edu/pages/diet-breastfeeding-mothers, Accessed January 5, 2022

Infant and toddler health, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/in-depth/breastfeeding-nutrition/art-20046912, Accessed January 5, 2022

Kasalukuyang Version

12/07/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Rubilyn Saldana-Santiago, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Milk Code: Ano Ito, at Bakit Ito Mahalaga? Alamin Dito

Maaari bang Uminom ng Multivitamins ang Nagpapadede?


Narebyung medikal ni

Rubilyn Saldana-Santiago, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement