backup og meta

Ano Ang Pump And Dump: Mga Dapat Malaman Ng Breastfeeding Moms

Ano Ang Pump And Dump: Mga Dapat Malaman Ng Breastfeeding Moms

Ang kahalagahan ng gatas ng ina sa pagdebelop ng sanggol ay kailanman hindi maipagkakaila. Gayunpaman, may mga pagkakataong maaaring mapagpasyahan ng ina na ang pagpapasuso ay maaaring hindi isang magandang ideya. Halimbawa na lamang kung sila ay umiinom ng alak o masyadong maraming caffeine, o kung sila ay sumasailalim sa pag-inom ng gamot. Sa ganitong mga panahon, maaaring subukan ng ina ang pump at dump, ang pagpapalabas ng gatas (pump) at pagkatapos ay pagtatapon nito (dump). Marami pa ring mga katanungan kung ano ang pump at dump. Kailangan nga ba talaga ito?

Parehong iminumungkahi ng World Health Organization (WHO) at American Academy of Pediatrics (AAP) ang eksklusibong pagpapasuso hanggang sa umabot sa anim na buwang gulang ang sanggol. Inirerekomenda rin nilang ipagpatuloy ang pagpapasuso kasama ng mga pantulong na pagkain sa loob ng isang taon o mas matagal pa. Subalit ano ang pump at dump? Ano ang kahulugan nito? Alamin ang mga kasagutan sa artikulong ito.

Ano Ang Pump at Dump?

Ang pump at dump ay unang binigyang-kahulugan bilang ang pagpapalabas ng gatas mula sa suso ng ina at saka ito itatapon matapos mabigyan ng anesthesia ang ina. Sa ganitong paraan, hindi maipapasa ng ina ang mga epekto ng anesthesia sa sanggol. Sinasabihan ng mga doktor, nars, at komadrona na isagawa ang pump at dump ng gatas ng ina makalipas ng 24 oras ng pagbibigay ng anesthesia.

Ano Ang Pump At Dump Practices Sa Kasalukuyan?

Bagama’t ligtas, ang kasanayang ito ay hindi na naaayon sa mga kasalukuyang rekomendasyon. Ayon sa isang pananaliksik na isinagawa noong 2015, ang mga nagpapasusong ina ay dapat na umiwas sa ilang partikular na anesthetics. Ang ilang mga gamutan naman ay maaaring katanggap-tanggap. Halimbawa, bagama’t dapat iwasan ng mga inang nagpapasuso ang codeine at meperidine, maaari silang gumamit ng hydromorphone nang may pag-iingat. Sa kabilang banda, ang mababang dose ng morphine, ay ligtas sa panahon ng postpartum. Ang iyong doktor ay makapagbibigay sa iyo ng mga payo kung ano ang ligtas at kung ano ang hindi.

Sa ngayon, ang mga ina ay nagsasagawa ng pump at dump practices upang maiwasan ang mga posibleng masasamang epekto mula sa pag-inom ng alak at caffeine, gayundin ang side effects ng gamutan. Gayunpaman, sa ilang mga kaso, ang pump at dump ay maaaring hindi na kailangan. At sa halip, maaari itong makaapekto sa regular na pagpapasuso.

Anesthetics At Analgesics

Ayon sa mga doktor, ang kaunting dami ng anesthetics at analgesics na iniinom ng ina ay pumapasok o humahalo sa kanilang gatas. Nangangahulugang tunay na ligtas ang pagpapasuso gaya ng nakasanayan. Gayunpaman, maaaring piliin ng ilang ina ang pump at dump pagkatapos alamin ang mga benepisyo ng pagpapasuso laban sa potensyal na panganib sa sanggol.

Sa isang pag-aaral noong 2020, sinasabing minamaliit ng pump at dump ang epekto nito sa ina at sanggol. Ang pagkagambala sa regular na pagpapasuso ay maaaring humantong sa:

  • Perioperative na pagkabalisa
  • Mastitis
  • Mababang suplay ng gatas
  • Hindi gustong maagang pagwalay

Mahalagang tandaang ang pagtapon ng gatas ay kinakailangan sa ilang mga pagkakataon. Ang mga gamutang may mahabang half-lives, variable metabolism, at ilang radioactive isotopes ay dahilan upang maging pangangailangan ang pagtapon ng gatas ng ina. Magandang ideyang kumonsulta sa doktor kung may anumang mga katanungan.

Caffeine

Kinakain din ng sanggol ang anomang pagkaing kinakain ng ina. Kaya dapat nga bang mag-pump at dump kung nakainom ng isang tasa ng kape? Ang pag-inom ba ng maraming kape ay makapagpapagising sa sanggol?

Natuklasan sa mga pag-aaral na ligtas uminom ng 2-3 tasa ng kape kada araw, at wala itong masamang epekto sa sanggol. Ayon pa sa ilang mga pag-aaral, maaaring kumonsumo ng hanggang 5 tasa ng kape sa loob ng isang araw. Ngunit upang maging sobrang maingat, magandang ideya na magpasuso bago kumonsumo ng anumang caffeine.

Drugs At Alcohol

Ang paggamit ng cocaine ay hindi sinasang-ayunan dahil sa maraming mga kadahilan. Ang paggamit nito habang nagbubuntis ay maaaring may mga masasamang epekto sa sanggol. Ayon sa isang pag-aaral noong 2015, ang mga ina na gumagamit ng cocaine ay dapat isagawa ang pump at dump ng gatas ng ina sa loob ng 24-48 oras.

Sa usapin ng pag-inom ng alak, ang pag-inom nang isa hanggang dalawang beses sa isang linggo ay maaaring walang masamang epekto. Ngunit ang mga nagpapasusong ina ay dapat pa ring umiwas sa alak. Ang alak ay maaaring makaapekto sa paglabas at pagbaba ng produksyon ng gatas. Higit pa rito, ang pump at dump ng gatas ng ina ay hindi nagpapabilis sa paglabas ng alak sa katawan.Tanging oras lamang ang maaaring makapagpapababa sa lebel ng alak sa dugo. Gayunpaman, kung hindi magpapasuso, ang pump at dump ay dapat makatulong sa iyo upang mapanatili ang suplay ng gatas at maiwasan ang engorgement.

Para naman sa marijuana, may pananaliksik tungkol sa epekto nito sa gatas ng ina. Gayunpaman, alam nating ang marijuana ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng gatas ng ina. At ito ay nananatili sa loob ng katawan nang mas matagal kaysa sa alak. Dahil dito, nagiging hindi epektibo ang pump at dump. Kung naninigarilyo ng marijuana, hindi dapat magpasuso. Ngunit kung isang beses lamang itong ginawa, maaaring mag-pump at dump sa loob ng 24 oras bago ipagpatuloy ang pagpapasuso.

Pros At Cons Ng Pump At Dump

Nananatiling limitado ang mga datos. Walang sapat na malinaw na ebidensya sa kaligtasan ng pagpapasuso matapos ang anesthetics, pati na rin ang maraming substances. Sa ngayon, ang pangkalahatang prinsipyo ay maaaring ipagpatuloy ng isang ina ang pagpapasuso kung sila ay gising, stable, at alerto pagkatapos mabigyan ng anesthesia.

Upang hindi magkamali sa pag-iingat, dapat na maingat na subaybayan ng mga ina ang kanilang sanggol para sa mga senyales at sintomas ng mga pagbabago sa pag-uugali pagkatapos uminom ng anumang gamot.

Key Takeaways

Ang pump at dump ay nagsimulang maging practice sa pagpapalabas at pagtatapon ng gatas ng ina pagkatapos tumanggap ng anesthesia. Nag-iba na rin ang kahulugan nito sa paglipas ng panahon. Ang mga tiyak anesthetic ay dapat na iwasan ng mga ina habang ang iba ay maaaring gamitin nang may pag-iingat.
May ilang mga pagkakataon kung kailan ang pagtatapon ng gatas ng ina ay talagang kinakailangan. Ang mga nagpapasusong ina ay hindi dapat uminom ng alinman sa mga gamot o alak. Ngunit kung piniling mag-pump at dump, maaari itong makatulong upang ipagpatuloy ang pagpapasuso habang pinangangalagaan ang kalusugan ng kanilang anak.

Alamin dito ang iba pa tungkol sa Breastfeeding dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

“Sleep and Keep”: Dispelling Myths of “Pump and Dump” from an Anesthesiologist’s Perspective, https://www.liebertpub.com/doi/abs/10.1089/jwh.2019.7970?journalCode=jwh, Accessed January 6, 2022

Breastfeeding after Anesthesia: A Review for Anesthesia Providers Regarding the Transfer of Medications into Breast Milk, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4582419/, Accessed January 6, 2022

Caffeine, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK501467/, Accessed January 6, 2022

Cocaine use and the breastfeeding mother, https://europepmc.org/article/med/26310088, Accessed January 6, 2022

Alcohol and breastfeeding, https://onlinelibrary.wiley.com/doi/10.1111/bcpt.12149, Accessed January 6, 2022

Marijuana Pregnancy & Breastfeeding Guidance, https://www.colorado.gov/pacific/sites/default/files/MJ_RMEP_Pregnancy-Breastfeeding-Clinical-Guidelines.pdf, Accessed Januaryr 6, 2022

Breastfeeding Problems Following Anesthetic Administration, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC1595306/, January 6, 2022

Infant and toddler health: I’m breast-feeding. Is it OK to drink alcohol? https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/expert-answers/breast-feeding-and-alcohol/faq-20057985, January 6, 2022

Kasalukuyang Version

01/04/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Rubilyn Saldana-Santiago, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Milk Code: Ano Ito, at Bakit Ito Mahalaga? Alamin Dito

Maaari bang Uminom ng Multivitamins ang Nagpapadede?


Narebyung medikal ni

Rubilyn Saldana-Santiago, MD

Pediatrics


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement