backup og meta

Mahahalagang Nutrients Sa Toddlers: Ito Ang Kanilang Dapat Kainin

Mahahalagang Nutrients Sa Toddlers: Ito Ang Kanilang Dapat Kainin

Kailangan ng mga toddler ang tamang nutrients upang suportahan ang kanilang paglaki at pag-unlad. Kaya naman, kailangang hanapin ng mga magulang ang pinakamagandang klase ng pagkaing makapagbibigay ng mahahalagang nutrients sa toddlers. Ang tamang uri ng pagkain ay makatutulong sa pangkalahatang development ng iyong anak. Kabilang dito ang: 

Mabilis lumaki ang toddler sa loob ng maikling panahon, nagsisilbing supplement sa kanyang development ang pagkakaroon ng healthy diet at appetite.  Ngunit maaaring may epekto sa kanyang pangkalahatang paglaki ang pagiging mapili sa pagkain. Upang masolusyunan ang hamong ito, kailangang humanap ng paraan ang mga magulang upang makapagbigay ng pinakamasustansyang pagkain na kasama ang lahat ng mahahalagang nutrients sa toddlers.

11 Mahahalagang Nutrients sa Toddlers

Bilang magulang, kailangang alam mo ang lahat ng mahahalagang nutrients sa toddlers na makatutulong sa paglaki at pag-unlad ng iyong anak. Upang mas maging madali ito para sa iyo, narito ang listahan ng mga nutrients:

1. Calcium

Mahalaga sa development ng mga buto at ngipin ang mineral na ito. Pwedeng maiwasan ang osteoporosis sa hinaharap kung may sapat kang calcium sa katawan. Ilan sa klase ng mga pagkain na may taglay na calcium ay:

  • Gatas
  • Yogurt
  • Keso
  • Sardinas

2. Protein

Nakatutulong ang protein sa pagbuo, pagpapanatili, at pag-aayos ng muscles at tissue. Maganda rin itong source ng energy. Mas matagal itong matunaw sa digestive system kumpara sa carbohydrates. Narito ang ilang pagkaing mayaman sa protein na pwede mong ibigay sa iyong toddler:

  • Karne (pork, beef, chicken)
  • Isda
  • Itlog
  • Mani
  • Dairy products (milk, cheese, yogurt)

3. Fiber

Nakatutulong ang fiber upang mabawasan ang panganib na magkaroon ng sakit sa puso, ilang uri ng cancer, at obesity. Nakatutulong din ito sa digestion at makaiwas sa constipation.

Kung may anak kang mapili sa pagkain, magiging mahirap na ipasubok sa kanila ang iba’t ibang klase ng pagkain. Maaaring mas gusto nilang kumain ng parehong pagkain nang paulit-ulit, at pwede itong mauwi sa mga problema sa digestion. Makatutulong sa iyo at sa iyong toddler sa pagpapanatili ng malusog na bituka ang pagbibigay ng mga pagkaing mayaman sa fiber. Kabilang dito ang:

  • Mga prutas (oranges, berries, saging, avocado)
  • Mga gulay (broccoli, carrots)
  • Whole grains
  • Beans at legume

4. Carbohydrates

Carbs ang pangunahing pinagkukunan ng energy ng katawan. Kaya naman, ito ang isa sa pinakaimportanteng nutrients para sa toddlers dahil nagiging aktibo sila at masigasig sa buong araw. Kaya’t dapat mong bigyan ang iyong toddler ng mga pagkaing mataas sa carbohydrates. 

  • Kanin
  • Patatas
  • Tinapay
  • Cereal
  • Pasta 

5. Folate

Responsable ang folate sa malusog na cells at nakatutulong na gawing energy ang carbohydrates. Ang mga pagkaing mayaman sa folate ay:

  • Chayote
  • Legumes
  • Beets
  • Asparagus
  • Leafy greens
  • Saging

6. Fats

Ang fats, lalo na ang healthy fats ay dapat na kasama sa pagkain ng iyong toddler. Tumutulong ang fats sa development ng katawan at utak ng iyong toddler. Makakakuha ka ng healthy fats sa:

  • Avocado
  • Isda na may Omega-3 fatty acids (tuna, salmon, mackerel, sardines)
  • Mani
  • Poultry
  • Lean red meat
  • Gatas ng ina (kung nagpapadede ka pa sa iyong toddler)

7. Iron

Sunod na mahalagang nutrient ang iron. Tinutulungan nito ang red blood cells na magdala ng oxygen sa buong katawan. Ang iron deficiency ang terminolohiyang ginagamit kapag kulang sa iron ang isang tao, na nagdudulot ng pagkapagod at nahihirapang huminga. Upang maiwasang mangyari ang mga kondisyong iyo, bigyan ang iyong anak ng mga pagkaing mayaman sa iron gaya ng:

  • Berde at madadahong gulay gaya ng malunggay (moringa), saluyot (corchorus), alugbati (Malabar spinach), kangkong (water spinach), dahon ng gabi (taro leaves), dahon ng kamote (sweet potato leaves), petchay (Chinese cabbage)
  • Read meats (baboy, baka)
  • Beans, peas, and lentils
  • Soybean products (tokwa, soy milk, etc.)
  • luya

8. Potassium

Inaayos ng potassium ang balanse ng fluid sa katawan, at pinapanatili ang normal na blood pressure. Ilan sa mga pagkaing mayaman sa potassium ang:

  • Saging
  • Spinach
  • Broccoli
  • Luya
  • Kamote
  • Patatas
  • Peas
  • Mushroom

9. Vitamin D

Mahalaga ang bitaminang ito pagdating sa malusog na bone development. Hindi kadalasang natatagpuan ang vitamin D sa mga pagkain, ngunit pwede kang magtanong sa iyong pediatrician para sa vitamin D supplement kung kinakailangan. Ilan sa mga pagkaing may vitamin D ang:

  • Vitamin D fortified foods tulad ng ilang dairy products, cereals, orange juice
  • Fatty fishes gaya ng tuna, salmon, mackerel

Huwag ding kalimutang ang healthy sunlight exposure ay maganda ring source ng vitamin D.

10. Vitamin A

Ang vitamin A ay tumutulong sa pagpapaganda ng paningin, nagpapalakas ng immune system, at nagpapanatili ng magandang kutis. Nakatutulong din ang vitamin A upang matiyak na maayos ang takbo ng puso, bato, at baga. Ang mga pagkaing may vitamin A ay:

  • Itlog
  • Vitamin A fortified gaya ng cereals at skim milk
  • Kahel at dilaw na mga gulay (carrot, kalabasa, bell peppers)
  • Prutas tulad ng mangga at papaya

11. Vitamin C

Pinalalakas ng vitamin C ang immunity, at nakatutulong din sa pag-develop ng matibay at malusog na mga ngipin at buto. Narito ang ilang pagkaing may vitamin C:

  • Kamatis
  • Broccoli
  • Spinach
  • Citrus fruits (lemons, oranges)
  • Berries
  • Bell peppers
  • Mangga
  • Dahon ng sili

Lahat ng mga nabanggit sa itaas na nutrients ng toddlers ay nakatutulong sa pangkalahatang pag-unlad ng iyong anak. Palaging kumonsulta sa iyong pediatrician upang malaman kung anong nutrients ang partikular na kailangan ng iyong toddler.

mahahalagang nutrients sa toddlers

Nakakukuha Ba Ng Sapat Na Nutrients Ang Anak Ko?

Upang matiyak na nakakakuha ng lahat ng mahahalagang nutrients sa toddlers ang iyong anak, kailangan mong sundin ang mga sumusunod na hakbang:

  • Tiyaking naibibigay mo sa iyong toddler ang limang food groups sa bawat pagkain. Makatutulong ang hakbang na ito upang malaman kung nakakukuha ba ng sapat na nutrients ang iyong anak. Kabilang sa limang pangunahing food groups ang (1) grains, (2) prutas, (3) gulay, (4) dairy, at (5) protein.
  • Palaging samahan ng maraming prutas at gulay ang pagkain ng iyong anak dahil mas maraming nutrients ang nakukuha dito.
  • Magbigay lamang ng eksaktong dami ng pagkain na kayang ubusin ng iyong anak. Hayaan mong magpasya ang anak mo kung kukuha pa siya ng pagkain o hindi na.
  • Subukang isama ang iyong anak sa paghahanda ng pagkain. Makatutulong ito upang lalo silang maging interesado sa kanilang kakainin. Magandang pagkakataon din ito upang turuan ang iyong anak. Habang pinapanood ka niya, matututo rin ang iyong anak kung paano maghanda ng mas masustansyang pagkain.
  • Maging mabuting halimbawa sa iyong anak. Palaging kumain nang sabay-sabay upang makita rin ng iyong anak na kumakain ka ng parehong pagkain. Hindi lang nito mapatitibay nito ang inyong ugnayan ng iyong anak, mahihikayat mo rin siyang kumain nang masustansyang pagkain gaya mo.

Key Takeaways

Maaaring maging mahirap para sa iyo na hikayatin ang iyong anak na magkaroon ng masustansya, balanse, at magkakaibang pagkain. Ngunit mahalaga na makuha nila ang lahat ng mahahalagang nutrients sa toddlers na kailangan ng kanilang katawan upang lumaki at mag-develop. 

Matuto pa tungkol sa Mga Toddler at Preschooler dito.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Nutrition: Toddler, https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=toddler-nutrition-90-P02291, Accessed June 13, 2020

Childhood Nutrition, https://www.healthychildren.org/English/healthy-living/nutrition/Pages/Childhood-Nutrition.aspx, Accessed June 13, 2020

9 Must-Eat Nutrients for your Child, https://www.parents.com/kids/nutrition/healthy-eating/must-eat-nutrients/,  Accessed June 13, 2020

Nutrition Guide for Toddlers, https://kidshealth.org/en/parents/toddler-food.html, Accessed June 13, 2020

Kids Need their Nutrients, https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=kids-need-their-nutrients–1-19820, Accessed June 13, 2020

Feeding and Nutrition Tip: Your 2 Year Old, https://www.healthychildren.org/English/ages-stages/toddler/nutrition/Pages/Feeding-and-Nutrition-Your-Two-Year-Old.aspx, Accessed June 13, 2020

Making Sure Your Child is Eating Enough, https://www.healthychildren.org/English/healthy-living/nutrition/Pages/Making-Sure-Your-Child-is-Eating-Enough.aspx, Accessed June 13, 2020

 

Kasalukuyang Version

03/28/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Tatlong Pangkat Ng Pagkain: Alamin Dito Ang Wastong Nutrisyon

Anu-Ano Ang Kinakailangan Na Nutrisyon Ng Lumalaking Sanggol?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement