Ang pagbubuo ng good eating habits sa mga bata ay nangangailangan ng pasenya at pagkamalikhain. Mahalaga na iyong anak ay maging matalino at masiyahan sa iba’t ibang uri ng pagkain, ngunit huwag sosobrahan. Puede naman ang mga matamis at high-fats snack foods basta’t sakto lang. Maging ang mga grupo ng pagkain na may negatibong reputasyon, tulad ng mga taba, ay may lugar sa diet ng isang bata. Alam mo ba na may healthy fats sa bata?
Tulad ng carbohydrates sa mga nagdaang taon, ang fats ay maling tinawag na “masama.” Bagama’t totoo naman na ang labis na taba ay maaaring maging masamang bagay, ang ilang mga uri ng taba ay maaaring maging mabuti para sa iyong anak at mahalagang bahagi ng isang malusog na diet.
Narito ang kailangan mong malaman tungkol sa healthy fats sa bata.
Gaano Kahalaga ang Healthy Fats sa Bata?
Ang mga taba ay mga sustansya sa pagkain na ginagamit ng katawan para bumuo ng nerve tissue (kabilang ang utak at nerves) at mga hormone. Ginagamit din ng katawan ang taba bilang fuel.
Kung ang mga taba ay hindi sinusunog bilang enerhiya o ginagamit bilang building blocks para sa iba pang mga bagay, sila ay iniimbak ng katawan sa mga fat cells. Ito ang maagang ginagawa ng katawan: sa pamamagitan ng pag-iipon ng taba para magamit sa hinaharap, ang katawan ay naka paghahanda para sa mga oras na maaaring kulang ang pagkain.
Ang taba ay nagbibigay sa pagkain ng flavor at texture, pero mataas din ito sa mga calorie. At ang sobrang dami ng matatabang pagkain ay maaaring magdulot ng maraming health problems. Para sa mga bata, ang mga dessert, at meryenda (kabilang ang mga potato chip, tsokolate, cake, donut, pastry, at cookies) ay mahalagang source ng taba.
Nakakakuha rin ng fats ang mga bata mula sa mga produktong whole-milk at mga high-fat na karne, tulad ng bacon, hotdog, at mas mataba na hiwa ng pulang karne.
Siyempre, ang mga fast food at takeout meals ay may posibilidad na magkaroon ng mas maraming taba kaysa lutong-bahay; at sa mga restaurant, ang mga pritong pagkain ang pinakamataas sa taba. Ang taba ay madalas ding “nagtatago” sa pagkain tulad ng creamy, cheesy, o buttery sauces o dressing.
Sa kabila ng ang taba ay nasa maraming uri ng pagkain, hindi kailangang labis na mag-alala.
Ito ay isang mahalagang bahagi ng isang malusog na diet kung ang mga bata ay kumakain ng mas malusog na uri ng taba sa mga inirerekomendang dami araw-araw.
Hikayatin ang mga Bata na Kumain ng Taba sa Malusog na Paraan
Childhood ang pinakamainam na oras para simulan ang healthy eating habits, ngunit ang gusto ng adults para sa pagbabawas ng total fat, saturated fat, trans fat, at kolesterol ay hindi para sa mga batang wala pang dalawang taong gulang.
Pagdating sa paghikayat sa mga bata na kumain ng malusog, narito ang ilang bagay na dapat mong tandaan:
Ang taba ay isang mahalagang sustansya para sa mga bata
Taliwas sa alam ng marami, ang taba ay isang mahalagang sustansya na may maraming mahahalagang tungkulin sa loob ng katawan. Ito ay mahalaga para sa pagbibigay sa katawan ng omega-3 at omega-6 na mahahalagang fatty acid. Ang mga ito ay tumutulong sa paggawa ng malusog na cell membranes.
Ang mga taba ay tumutulong din na mapabuti ang pagsipsip ng fat-soluble vitamins. Kasama na rin ang mga fat-soluble antioxidants (tulad ng lycopene at beta-carotene).
Unawain ang mga panganib ng labis na taba
Habang ang taba ay may role sa malusog na diyeta, ang pagkain ng maraming taba – lalo na ang diet na mataas sa saturated fats – ay maaaring magdulot ng mga problema sa kalusugan, kabilang ang sakit sa puso pagdating ng araw.
Dahil dito, sa sandaling ang mga bata ay higit sa edad na dalawa na, sila ay dapat bigyan ng mga pagkain na may mas konting taba at saturated fats.
Ang saturated fats ay karaniwang solid sa room temperature at nasa matatabang karne (tulad ng karne ng baka, baboy, ham, veal, at lamb) at maraming dairy products (whole milk, keso, at ice cream).
Ang mga sumusunod ay ilang uri ng matatabang pagkain na katanggap-tanggap para sa iyong mga anak:
- Poultry
- Fish
- Lean meat (broiled, baked, or roasted; not fried)
- Malambot na margarine (sa halip na mantikilya)
- Low-saturated fat vegetable oils
- Mga itlog (sa limitadong dami)
Alamin ang rules sa paggamit ng healthy fats sa bata
Pagdating sa healthy fats sa bata, ito ay dapat bumubuo ng mas mababa sa 30% ng mga calorie sa diet. Bukod dito,hindi hihigit sa 1/3 o mas kaunti sa mga fat calories ay galing sa sa saturated fat. Ang natitira naman ay galing dapat sa unsaturated (polyunsaturated o monounsaturated) na taba.
Ang unsaturated fats na ito ay liquid sa room temperature. Kabilang dito ang mga oils na galing sa mais, safflower, sunflower, soybean, at olive.
Isang uri ng unsaturated fat ang transfat na maaaring mag pataas ng “bad” cholesterol (LDL). Bukod dito, ito rin ay nagpapababa ng “good” cholesterol (HDL) kaya’t kailangang iwasan. Suriin ang mga label at iwasan ang trans fat. Sa pangkalahatan, ang mga langis at taba na nagmula sa hayop ay saturated.
Inirerekomenda ang whole milk para sa mga batang 12 – 24 na buwan ang edad. Gayunpaman, ang doktor ng iyong anak ay maaaring magrekomenda ng reduced-fat (2%) na gatas. Lalo na kung siya ay napakataba, sobra sa timbang o may family history ng high cholesterol o heart disease.
Sumangguni sa doktor o dietitian ng iyong anak bago lumipat mula sa whole milk patungo sa reduced-fat milk.
Ang malusog na pagkain ay nagsisimula sa pagkakaroon ng heart-healthy food sa iyong kusina. Tumutulong ang mga ito na mapababa ang kolesterol at mapanatiling maganda ang blood pressure.
Mahalaga para sa malusog na paglaki at pag-unlad ng bata ang mabuting nutrisyon.
Kasama dito ang healthy fats sa bata, pati na rin ang pagbibigay ng tamang dami, at paglinang ng malusog na relasyon sa pagkain sa lalong madaling panahon.
[embed-health-tool-bmi]