backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Pag-Iwas sa Carbohydrates: Nakakatulong Ba Itong Magpapayat?

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD · General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Hello Doctor Medical Panel · a

    Pag-Iwas sa Carbohydrates: Nakakatulong Ba Itong Magpapayat?

    Ang pagkain ay isang okasyon na hindi natin maiiwasan, hamon para sa karamihan ang pag-iwas sa carbohydrates (lalo na ang kanin na pangunahing pagkain ng  mga bansa sa Asia). Paano nakatutulong ang pagbawas ng carbs upang magpapayat?

    Maaaring mahirap ang pag-iwas sa carbohydrates. Kaya paano natin masisira ang cycle na ito at maging malusog ang katawan na siyang pinagsisikapan ng lahat? Nakababawas nga ba ng taba sa  katawan  ang pagkain ng kaunting carbs? 

    Nakatutulong ba ang Pag-iwas sa Carbohydrates upang Magpapayat ?

    Pagsira sa Habit

    Karamihan sa  mga bansang Asyano, ang  ating calorie intake ay nagmumula sa kanin. 

    Bagaman walang masama sa kanin  bilang kasama sa hapag kainan, puno pa rin ito ng carbohydrates.

    Kaya nakatutulong ba ang pagkain ng  kaunting carbs para mawala ang taba sa katawan? Oo, ngunit hindi mo kailangang ganap na alisin ito mula sa iyong diet  para sa pagbaba ng timbang.

    Kung sisirain natin ang cycle ng ating pananabik para sa carbohydrates – lalo na ang kanin – kakailanganin na  palitan ito ng iba pang mas masustansiyang pagkain na pinagmumulan ng calories.

    Ang pag-iwas sa isang partikular na grupo ng pagkain ay maaaring magresulta sa kakulangan ng ilang sustansya sa iyong katawan. Kaya ang pagkakaroon ng angkop na  alternatibo sa iyong diet  ay maaaring makatulong. 

    Paano ang Pag-iwas sa Carbohydrates para  Magpapayat  at Pangkalahatang Kalusugan

    Bawasan ang  Starchy Food 

    Sa pamamagitan ng pagsusunog ng higit pang mga kaloriya  kaysa sa ating kinakain, tayo ay makakapagbawas ng timbang 

    Ang ilan sa maaring kapalit ay manggagaling sa pagkain na may  mataas na protina, mga prutas at gulay

    Isang simpleng pagkain ng inihaw na manok na may ilang mga steamed vegetables sa gilid ay isang mainam na tanghalian, habang ang pagkakaroon ng ilang isda, prutas, at ilang madahong gulay ay maaaring gawin para sa isang malusog na hapunan.

    Ang katawan ng bawat tao ay iba-iba  Ang iyong metabolismo ay iba sa taong katabi mo. 

    Bawasan ang Asukal sa Iyong Diet 

    Ang pagbawas sa mga matamis na pagkain ay isa sa mga pinakamainam  na paraan ng pagbabawas ng  timbang. Maaaring mas madaling sabihin ito kaysa gawin lalo na kapag mayroong mga katrabaho o kaibigan na nag-aalok  ng tsokolate at kendi sa oras ng pahinga.

    Ang mga simpleng pagbabago, tulad ng pagbabawas ng asukal sa iyong milk tea, ay maaari nang maging panimula ng malaking pagbabago.

    Magdagdag ng Ilang Healthy Fats Sa Mix

    Taliwas sa sinasabi ng karamihan, ang ilang mga pagkaing high fats ay hindi nagti-trigger ng paglabas ng insulin, na nagiging dahilan ng pagiging  stable ng  asukal sa dugo.

    Gayunpaman, ang kaunting fats  ay mahalaga sa  ating dietary needs upang hindi na magsagawa ng pagbubukod. Ang mga halimbawa ng healthy fats ay avocado, olive oil, o fatty fish, tulad ng salmon.

    Panatilihin ang Pangmatagalang Diet 

    Ang pagsisimula sa mga diet  ay maaaring isa sa pinakamahirap na bahagi ng proseso, ngunit kailangan din nating isaisip ang pangmatagalang pagpapanatili  ng ating diet. 

    Ano ang ilang  pangunahing gawi  na kailangan nating sanayin araw-araw?

    Dagdagan ang Pagkain ng Gulay

    Hindi lang natin kailangang alisin ang starch sa ating pagkain, ngunit kailangan din nating alisin ang anumang breading at gravy sa ating karne/isda. Ang pinaka epektibong  paraan ng pagkilos ay  palitan ang mababang kalidad ng starchy carbs ng may low-carb na gulay.

    Key Takeaways

    Ang pag-iwas sa carbohydrates ay maaaring maging mahirap, ngunit ang wastong  pagkain  nito sa bawat araw ay  kailangang gawing tuloy-tuloy, ang tamang pagpili  ay magiging  daan upang mapadali ang  mga bagay.

    Isinalin sa Filipino ni Dr. Nina Christina Zamora

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Mike Kenneth Go Doratan, MD

    General Surgery · The Medical City Ortigas


    Isinulat ni Hello Doctor Medical Panel · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement