backup og meta

Ano Ang ADHD? Mahalagang Impormasyon Para Sa Mga Magulang

Ano Ang ADHD? Mahalagang Impormasyon Para Sa Mga Magulang

Ang ADHD o Attention-deficit/hyperactivity disorder ay isang kondisyon na ang isang indibidwal ay nagpapakita ng patuloy na pattern ng kawalan ng attention, hyperactivity at impulsivity, na nakakasagabal sa normal na gawain at pag-unlad ng isang tao. Habang ang gamot sa ADHD ay maaaring mapawi ang mga sintomas, ito ay bahagi lamang ng pangkalahatang pamamahala nito. Alamin dito kung ano ang ADHD.

Paano Nakakaapekto ang ADHD sa Buhay ng Isang Tao?

Ang ibig sabihin ng kawalan ng attention ay ang paglihis sa mga pang-araw-araw na responsibilidad, hindi organized, hirap magfocus, at more or less, hindi organisado.

Ang sign ng pagiging impulsive ng isang tao ay ang madalas na pag-gawa ng mabilisang desisyon ng hindi tinitimbang ang mga posibleng mangyari. Karamihan sa mga taong may ADHD ay ginagawa ito dahil gusto nila ng reward o acceptance.

Ang pagiging hyperactive ay ang pangangailangang gumalaw ng tuloy-tuloy. Kasama na ang sobrang fidgeting o pagsasalita. Alamin pa kung ano ang ADHD.

Karaniwan ba Ito?

Ang ADHD ay ang most common neurodevelopmental sa mga bata. Madalas nagpapatuloy ito hanggang sa teenage years at maging sa pagtanda, lalo na kung walang tamang ADHD medication. Nagiging hyperactive ang mga bata, inattentive, nahihirapang kontrolin ang ilang impulses. Sa huli, ang mga ito ay nagiging hadlang sa kanilang personal at social life.

Mas common ang ADHD sa mga lalaki. Kadalasan, ito ay nasusuri sa early childhood years. Ito ay lalo na kapag ang isang taong may ganitong kondisyon ay nagsimulang magkaroon ng mga problema na magfocus. Ang mga adult na may ADHD ay karaniwang nahihirapang i-manage ang oras at goals. In fact, maaaring nahihirapan silang manatili sa isang trabaho o manatiling may trabaho. 

Ano ang mga sintomas ng ADHD?

Kapag may ADHD ka, ang mga pangunahing behavior ay inattention at hyperactivity at impulsivity. Sa wastong gamot sa kung ano ang ADHD, maaaring mabawasan ang mga sintomas. 

Maaaring magpakita ng mga sumusunod ang may ganitong kondisyon: 

  • Nakakalimutan kahit ang mga pang-araw-araw at nakagawiang gawain tulad ng mga gawaing bahay 
  • Nakakalimutan ang mga appointment o gawain
  • Hindi napapansin ang mga detalye o nagkakamali sa school o sa trabaho
  • Madaling ma-distract
  • Nahihirapang manatiling attentive lalo na sa mahabang pag-uusap o mga gawain
  • Nawawala ang mga bagay kahit na ang mga ginagamit sa pang-araw-araw tulad ng mga susi ng kotse, salamin sa mata at cellular phone
  • Hindi natatapos ang mga gawain, schoolwork o trabaho
  • Hindi nakakaabot sa deadline o i-organize ang trabaho at mga gamit
  • Iniiwasan ang mga gawaing kailangan ng mental exertion tulad ng paggawa ng reports at homework

Ang mga taong may hyperactivity/impulsivity ay kadalasang nagpapakita ng mga sumusunod:

  • Madalas na malikot at namimilipit, lalo na kapag nakaupo 
  • Nakakaabala sa mga pag-uusap o nakikialam sa mga laro o aktibidad
  • Madalas na naiinip at nahihirapang maghintay ng kanilang turn
  • Nagkakaproblema sa pananatili sa lugar gaya ng inaasahan sa classrooms o sa opisina
  • Walang tigil  na nagsasalita o nagsasalita kahit walang pahintulot
  • Tumatakbo sa paligid, kahit na hindi naaangkop
  • Palaging on the go at hindi napapagod

Kailan ako dapat magpatingin sa aking doktor? 

Kung walang angkop na ADHD intervention, ang mga taong may ganitong kondisyon ay maaari lamang lumala paglipas ng araw. Maaaring makaabala sa mga gawain sa school, social life, personal na relasyon at anumang gawaing trabaho. Kung may miyembro ng pamilya na pinaghihinalaang may ganitong karamdaman, humingi ng medical intervention. Ito ay para sa maagang pagsusuri at kasunod na paggamot. 

Ano ang sanhi ng ADHD? 

Walang eksaktong dahilan ng ADHD. Pero nalaman na ang disorder na ito ay maaaring nasa pamilya. Kapag ang isang magulang o kapatid ay may ADHD, maaaring may isang meron din nito.

Ano ang nagpapataas ng aking panganib para sa ADHD?

Ipinapakita ng karagdagang research na ang patuloy na exposure sa mga sumusunod ay maaaring magdulot ng kung ano ang ADHD o mapataas ang risk na magkaroon nito:

  • Brain injury
  • Sobrang baba na birth weight
  • Premature birth
  • Exposure sa stress sa panahon ng pagbubuntis
  • Exposed sa alcohol o tobacco sa panahon ng pagbubuntis
  • Exposure sa toxins sa panahon ng pagbubuntis o sa murang edad

Paano nasusuri ang ADHD? 

Karamihan sa mga batang may ADHD ay nasuri sa murang edad at binibigyan ng tamang treatment at interbensyon sa kung ano ang ADHD. 

May mga kaso na hindi na-diagnose hanggang sa adolescence o adulthood. Walang natatanging diagnostic test na madaling matukoy kung mayroon kang ADHD. Ngunit ang isang doktor ay magsasagawa ng isang serye ng mga pagsusuri at eksaminasyon para makita ang iba pang mga posibleng dahilan.

Ang disorder na ito ay may iba’t ibang sintomas ng depresyon, anxiety at mga learning disability. Kadalasan, magtatanong ang doktor para magkaroon ng behavioral at social history para sa diagnosis. Ang mga tanong ay hindi lamang naka address sa tao na may suspected disorder, kundi pati na rin sa malapit sa kanya tulad ng mga miyembro ng pamilya. 

Paano ito ginagamot o pinangangasiwaan?

Walang ganap na lunas para sa ADHD, ngunit sa wastong interbensyon, ang mga sintomas ay maaaring mabawasan, at ang functional na pag-uugali ay mapabuti. Ilan sa mga pinakakaraniwang ginagamit na paggamot ay ang psychotherapy, training, gamot o kumbinasyon ng lahat ng treatments na ito, depende sa bigat ng sitwasyon.

Ang gamot sa ADHD ay maaaring epektibong mabawasan ang impulsivity at hyperactivity. Mayroon ding pagpapabuti sa kakayahang magtrabaho at matuto. Maaaring kailanganin ang iba’t ibang medication at dosage at dapat na maingat na subaybayan. 

Ang mga stimulant ay ang pinakakaraniwang gamot para sa kondisyong ito. Napapataas ng mga ito ang ilang kemikal sa utak tulad ng dopamine na may mahalagang papel sa attention at critical thinking. Ang mga gamot na ito ay dapat inumin ng may mahigpit na medical supervision.

Maaari ding mapabuti ng mga non-stimulant ang atensyon at focus ng mga taong may ADHD. Ang mga ito ay maaaring inumin kasama ng mga stimulant para mapataas ang efficiency. 

Isang chronic (pangmatagalang) na kondisyon ang ADHD na nangangailangan ng sama-samang tulong mula sa mga doktor at iba pang mga espesyalista sa pag-uugali. 

Ang mga taong may ganitong kondisyon ay nararapat at nangangailangan ng lahat ng tulong na maaari nilang makuha. Maagang diagnosis ang susi kung ano ang ADHD. Kung pinaghihinalaan mo ang iyong miyembro ng pamilya ay may ADHD, dalhin siya sa isang doktor para sa pagsusuri.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What to know about ADHD https://www.medicalnewstoday.com/articles/323667 Accessed, July 24, 2020

Attention deficit hyperactivity disorder (ADHD) https://www.nhs.uk/conditions/attention-deficit-hyperactivity-disorder-adhd/ Accessed, July 24, 2020

Attention-Deficit/Hyperactivity Disorder, https://www.nimh.nih.gov/health/topics/attention-deficit-hyperactivity-disorder-adhd/index.shtm Accessed, July 24, 2020

ADHD – Facts

https://www.cdc.gov/ncbddd/adhd/facts.html Accessed November 12, 2021

What is ADHD?

https://www.psychiatry.org/patients-families/adhd/what-is-adhd

Kasalukuyang Version

05/25/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Eating Disorder Ng Bata

Pagpupuri ng Bata: Mayroon Bang Tama o Maling Paraan Ba Nito?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement