Ano Ang Anemia Sa Bata?
Napansin mo na ba ang iyong anak ay mukhang pagod, mahina at maputla? Bigla na lang ba silang humihinto sa paglalaro nang dahil sa pag hirap huminga at pagkahilo? Kung madalas itong mangyari, baka kinakailangan mo magpakonsulta sa isang doktor kung siya ay may anemia sa bata?
Bilang isang magulang, gusto nating makita ang ating mga anak na masaya at masigla. Gusto natin silang makitang nakikipaglaro sa kanilang mga kaibigan, magkaroon ng ugnayan sa kanilang mga kaibigan, makahanap ng kanilang bagong kaibigan at maging masaya sa paglalaro. Ngunit sila ay mahihirapan kung sila ay mayroon anemia.
Ang anemia sa bata ay isang kondisyon kung saan ang katawan ng mga bata ay kulang sa malusog na red blood cells upang makapagdala ng oxygen sa ibang mga tissues ng katawan. Ito ay nagdudulot para sa mga bata na maging maputla at mawalan ng enerhiya o lakas matapos lamang ang ilang mga gawaing pisikal.
Para mga bata, ang pinakamadalas na dahilan ay ang iron deficiency. Ang ibig sabihin nito ay hindi sila madalas nakakakuha ng iron sa kanilang mga kinakain.
Ano Ang Mga Sintomas Ng Anemia Sa Bata?
Kung ang bata ay may anemia dahil sa iron deficiency, mapapansin mong sila ay mabilis na mapagod at walang enerhiya upang makapaglaro nang matagal na oras.
Mga Sintomas Ng Anemia Sa Bata
Maaaring makita natin sa mga bata ang ilang mga sintomas:
- Mahina at mabilis mapagod o tumamlay
- Maputla at madilaw na balat
- Kakulangan sa paghinga kung mayroon ginagawang piskal na gawain
- Madalas na pagsakit ng ulo
- Madalas na pagkahilo at mala-pagkahimatay na pakiramdam
- Pananakit ng dibdib at hindi regular na pulso ng puso
- Panlalamig ng mga kamay at paa
Sa una. Ang mga sintomas ng anemia sa bata ay mahirap mapansin. Iisipin mo na ang iyong anak ay pagod lamang sa kaniyang labis na paglalaro kaya sila ay nakakaranas nang kakulangan sa paghinga.
Hindi mo mapapansin ang pagpalit ng kulay na kanilang balat dahil ito ay hindi halata.
Maaaring hindi ka maghinala na may mali hanggang sa lumala ang mga sintomas at maging mas maliwanag.
Kaya naman mahalagang kumunsulta sa iyong doktor kung nababahala ka na ang iyong anak ay maaaring magkaroon ng anemia.
Ano Ang Nagiging Sanhi Ng Pediatric Anemia?
Ang pag-alam na ang iyong anak ay dumaranas ng pediatric anemia dahil sa kakulangan sa iron ay isang maliit na bahagi lamang ng malaking larawan.
Mahalagang malaman kung ano ang mga sanhi sa likod ng kakulangan sa iron na ito sa mga bata upang matugunan nang maayos ang kondisyon.
Mga Karaniwang Dahilan Ng Pediatric Anemia
Ang sumusunod ay ang mga pinaka-karaniwang sanhi ng anemia sa mga bata:
1. Diet Na Mababa Sa Iron
Ang tanging paraan upang makakuha ng iron ang iyong anak ay sa pamamagitan ng pagkonsumo nito sa pamamagitan ng pagkain. Ngunit kahit na may pagkaing mayaman sa iron, maliit na halaga lamang ang maaaring makuha ng kanilang mga katawan.
Ang pagkabata ay isang napakahalagang panahon para makakuha sila ng sapat na iron, dahil ang tanging paraan upang sila ay makakuha ng sustantansya ay sa pamamagitan ng pagpapasuso. Ang mga ina na may anemia ay maaaring walang sapat na iron sa kanilang katawan, kaya kahit na regular silang nagpapasuso, ang kanilang anak ay hindi makakakuha ng sapat.
Gatas ng ina pa rin ang pinakamagandang gatas para sa mga sanggol. Ang ina ay kailangan dagdagan ng iron ang kanyang diet, kung wala siyang sapat na iron sa kanyang katawan.
Para naman sa mga paslit na mapili sa pagkain, hindi sila makakakuha ng sapat na iron kung kumain sila ng mga pagkaing mayaman sa iron tulad ng red meat at itlog. Mahalagang turuan silang kumain ng balanseng diyeta. Kung kakaunti lang ang karne o itlog nila sa bawat pagkain, subukang pakainin sila ng mas maliliit na bahagi ng pagkain sa buong araw.
Bukod sa mga produktong karne, ang iron ay makikita rin sa mga produktong halaman tulad ng mga luntiang gulay, madahong gulay, beans at lentils, iron-fortified cereals, at tokwa. Sa mga pagpipiliang ito, maaari mong ipares ang mga karne at mga produkto ng halaman para sa isang masustansyang pagkain na makapaghihikayat sa iyong anak na kumain.