Kuya Kim, Suportado Ang Anak Na Si Emmanuelle Atienza Sa Kanyang Mental Health Journey
Marami ang nakakakilala kay Kuya Kim bilang isang mahusay na TV host at personality na hindi mawawalan ng baon na mga trivia at impormasyon para sa mga manonood. Bukod pa rito, siya rin ay butihing ama sa kanyang tatlong anak kabilang si Emmanuelle Atienza, na nagbahagi ng kanyang karanasang at pagnanais na pumayat na nagdulot ng malaking epekto sa kanyang mental health. Alamin ang detalye ng kanyang kwento sa artikulong ito.
Ang Mental Health Journey Ni Emmanuelle Atienza
Ibinihagi ng 16 taong gulang na si Emmanuelle Atienza, o mas kilala sa kanyang palayaw na Emman, ang kanyang karanasan sa pagpapayat sa kanyang Instagram account.
Anya, nagpost siya ng video sa Tiktok tungkol sa kanyang “weight loss journey” nang may mga biglang nagtanong kung paano siya pumayat.
Hindi niya itinanggi na matapos ang pagsasagawa ng proper diet at pagbawas ng malaking timbang ay naging “obsessive” siya sa kanyang mga calories. Minsan, kumakain siya ng mas kaunti kaysa sa kailangan ng isang malusog na katawan upang mabuhay. Ito ang naging dahilan upang mabahala ang ibang tao sapagkat dito nakataya ang kanyang kalusugan at pang-araw-araw na paggawa.
Kaakibat ng mahabang caption niya sa post ay inilapat niya ang isang larawan ng pahina ng kanyang diary, kung saan nakalagay kung ano ang mga nararamdaman niya. Maliban sa diskusyon patungkol sa kanyang pagpapapayat, pumasok na rin sa usapan ang kanyang mental health.
Iginiit niya na hindi siya nabigyan ng propesyonal na tungkol dahil hindi siya na-diagnose bilang “clinically underweight” noong mga panahon na iyon. Siya ay nahihirapan sa kanyang katawan, caloric intake, higit pa. Ngunit, hindi siya makahingi ng tulong. Dahil dito, mas lalo lumala ang kanyang pag-iisip sa kanyang sitwasyon.
Noong Mayo, nagbahagi rin si Emman ng mga hamon na kanyang pinagdaanan at patuloy na pinagdadaanan tungkol sa kanyang mental health. Nakatanggap siya ng diagnosis na mayroon siyang iba’t ibang mental health disorders. Kabilang dito ang Complex Post Traumatic Stress Disorder with paranoid and borderline features, Bipolar Disorder, at Attention Deficit Hyperactivity Disorder. Ayon sa kanya, malaki na ang kanyang naging progreso simula noong 2019, pagkatapos ng kanyang pagkabigong tangkain ang sariling buhay. Patuloy ang kanyang therapy, psychiatry, at medication para rito.
Ang Pagbibigay Suporta ni Kuya Kim Kay Emmanuelle Atienza
Umagos ang suporta at pagmamahal ng mga tao sa comments section ng mga posts ni Emmanuelle Atienza. Isa na rito ay ang kanyang papa na nagpahalaga sa kanyang lakas ng loob na ibahagi ang kanyang mental health journey sa mga tao.
“It took a lot of courage for you to post this. You are making your papa cry. I love you soooo much. Mama and papa are here for you ALL THE TIME. Tight tight hug dear daughter,” sabi ni Kim.
Bukod sa kanyang nakakaantig-damdamin na komento, ni-reshare rin ni Kuya Kim sa kanyang profile ang mga posts ng anak. Ito ay kasabay ng pag-tag na rin sa kanyang asawa na si Felicia Hung Atienza.
Ayon sa UNICEF, malaki ang naitutulong ng pagsuporta na ito ng magulang sa mental well-being ng anak. Sa katunayan, ang pag-aalaga at pagmamahal na inihahandog ay bumubuo ng isang matibay na pundasyon. Tumutulong ito sa anak na bumuo ng social at emotional skills upang mamuhay ng masaya, malusog at ganap na buhay.
Isa sa mga simpleng pamamaraan na maaaring gawin ng magulang ay ang paghihikayat na magbahagi sila ng kanilang mga nararamdaman.
Payo Ni Emman Sa Mga Tao
Bago tapusin ang kanyang post, nag-iwan si Emman ng payo sa mga taong na nakararanas ng parehas na sitwasyon.
“I urge everyone to lose weight healthily. If you are already struggling, I encourage you to seek help even if you aren’t underweight. Remember that anorexia or any eating disorder isn’t defined by your weight, it’s your mental state and daily habits in which symptoms are present.”
“Lastly, please remember the numbers on your scale aren’t a measure of your self worth. I was beautiful before and after my weight loss. I’m recovered now but, previously, I simply chose to live a lifestyle with a better diet (which eventually turned sour). But you don’t have to end up the same way. Do your research before dieting and remember to know your limits.”
Buhat ng kanyang adbokasiya at mga karanasan, inilunsad ni Emmanuelle Atienza ang Mentality Manila. Ito ay isang mental health organization na naglalayong ipalaganap ang kamalayan at pagkilos upang wakasan ang stigma na nauugnay sa mental health.
Alamin ang iba pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.
[embed-health-tool-vaccination-tool]
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Emmanuelle Atienza’s Instagram Post, https://www.instagram.com/p/CgZT5YWvk4a/ Accessed July 29, 2022
Emmanuelle Atienza’s Instagram Post, https://www.instagram.com/p/CdIb0PuPPtn/ Accessed July 29, 2022
Kim Atienza supports daughter’s mental health journey, https://lifestyle.inquirer.net/411250/kim-atienza-supports-daughters-mental-health-journey/ Accessed July 29, 2022
Kim Atienza’s daughter Emman opens up about mental health, taking medication, and starting her own organization, https://philstarlife.com/celebrity/423140-emman-atienza-mental-health?page=3 Accessed July 29, 2022
Parenting and children’s mental health, https://www.healthdirect.gov.au/parenting-childrens-mental-health Accessed July 29, 2022
Mental health and well-being, https://www.unicef.org/parenting/mental-health Accessed July 29, 2022