backup og meta

Postpartum Exercise: Kailan Ka Maaaring Mag-ehersisyo Pagkatapos Manganak?

Postpartum Exercise: Kailan Ka Maaaring Mag-ehersisyo Pagkatapos Manganak?

Sa wakas ay tapos ka na sa panganganak at hawak mo na ang bagong silang mong sanggol. Pero hindi pa tapos ang lahat. Sa pagsasaayos ng iyong katawan matapos lumabas ang sanggol, pagbawi ng pisikal at mental na kalusugan, at palipat-lipat na mga hormone, maaaring hindi mo priority ang ehersisyo. Ngunit, ayon sa mga eksperto, ang ehersisyo pagkatapos manganak ay isang mahalagang bahagi ng recovery. Gaano ka katagal makakapag-ehersisyo at anong mga uri ng ehersisyo ang nababagay sa iyong katawan? Alamin dito.

Bakit Mahalaga ang Ehersisyo Pagkatapos Manganak

Maraming benepisyo ang pag-eehersisyo pagkatapos manganak. Una, makakatulong ito sa iyo na mabawasan ng timbang, lalo na kung may balanced diet. Sinusuportahan din nito ang kalusugan ng iyong puso, mga buto, at muscles (lalo na ang muscles sa tiyan), at pinapalakas ang energy levels mo. 

Bukod sa mga ito, ang pag-eehersisyo ay maaaring makatulong na mapabuti ang pagtulog, ma-manage ang stress, at bawasan ang mga sintomas ng postpartum depression.

Kailan Ka Magsisimula ng Postpartum Exercise?

Gaano kabilis ka makakapagsimula sa ehersisyo pagkatapos manganak? Sinasabi ng mga ulat na nakadepende ito sa uri ng panganganak at kung gaano ka kabilis gumaling.

Kung ang panganganak mo ay natural vaginal delivery na walang komplikasyon, maaari kang magsimula sa loob ng ilang araw. Pero kung C-section o ang vaginal delivery ay nagkaroon ng komplikasyon, kailangan ng payo ng doktor.

Para matiyak, talakayin ang postpartum exercise sa iyong doktor.

Anong Uri ng Ehersisyo ang Ligtas pagkatapos manganak?

Habang naka-focus ka sa aerobic exercises, huwag kalimutan ang strength training.  Pinakamabuting gawin ang mga ito dalawang beses sa isang linggo. Ang aerobic activities ay mga paggalaw sa malalaking muscles na rhythmic ang approach. Karaniwang konektado sa pagbubuhat ng weights ang strength training, na may kasamang resistance para magkaroon ng lakas. 

Ang idea ay para masanay sa mas intensive na mga workout. Sa una maaari kang mag-focus sa light stretching at walking. Pagkatapos, lalo na kapag gumaling ka, maaari kang magsimula sa abdominal workouts at pelvic exercises.

Magtanong sa iyong doktor kung anong abdominal at pelvic exercises ang angkop para sa iyo ngayon. Hinahati ng pagbubuntis ang mga muscles mo sa tiyan sa gitna. Bago ang matinding tummy workout, tiyakin muna na ang muscles mo ay magaling na.

Ang mga sumusunod ang safe na ehersisyo pagkatapos manganak dahil ang mga ito magaan at walang mabilis na pagpapalit ng posisyon.

  • Mabilis na paglakad
  • Mga ehersisyo sa tubig at paglangoy
  • Pilates
  • Yoga
  • Pagbibisikleta
  • Light weight training

Bukod sa mga ito, ang pinakamainam na ehersisyo ay ang mga inirerekomenda ng iyong doktor. 

Guidelines para sa Postpartum Exercise

Anuman ang uri ng mga ehersisyo na inirerekomenda ng iyong doktor, makakatulong ang mga sumusunod na paalala:

  • Kasama sa session ang warm up at cool down exercises. Huwag kaligtaan na gawin ang mga ito.
  • Magsimula ng magaan at unti-unting dagdagan ang iyong bilis. Halimbawa, kung mahilig ka sa pagbibisikleta, simulan nang dahan-dahan bago gawin ang gusto mong bilis. Kung humihingal ka, magdahan-dahan.
  • Huwag kalimutang mag-hydrate.
  • Magsuot ng komportableng damit, supportive bra, at mga nursing pad kung nagpapasuso ka.
  • Gaano man kagaan ang ehersisyo, kung nakakaramdam ka ng sakit, itigil ang pag-eehersisyo.

Key Takeaways

Ang ehersisyo ay maaaring hindi mo priyoridad matapos ang panganganak. Pero ayon sa mga eksperto, ito ay mahalaga hindi lamang para sa iyong paggaling, kundi pati na rin para sa iyong pangkalahatang kalusugan. Sinasabi ng mga doktor na maaari kang magsimula nang dahan-dahan sa loob ng ilang araw pagkatapos ng panganganak, sa kondisyon na hindi komplikado ang vaginal delivery. Ang mga babaeng nagkaroon ng C-section o mas komplikadong panganganak ay DAPAT makipag-usap sa kanilang doktor tungkol sa ehersisyo pagkatapos manganak.
Panghuli, ang bawat babae ay magkakaiba, kaya kung sa tingin mo ay hindi ka handang mag-ehersisyo, hindi mo ito kailangan gawin.

Matuto pa tungkol sa Postpartum Dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Exercise After Pregnancy, https://www.acog.org/womens-health/faqs/exercise-after-pregnancy, Accessed July 13, 2022

Exercise after pregnancy: How to get started, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/labor-and-delivery/in-depth/exercise-after-pregnancy/art-20044596, Accessed July 13, 2022

PROGRESSIVE EXERCISES FOR POST-PREGNANCY, https://blog.nasm.org/progressive-exercises-for-post-pregnancy, Accessed July 13, 2022

Postnatal exercise – sample workout, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/postnatal-exercise-sample-workout#general-suggestions-for-aerobic-exercise, Accessed July 13, 2022

Exercise after birth, https://www.allinahealth.org/health-conditions-and-treatments/health-library/patient-education/beginnings/your-recovery-at-home/exercise, Accessed July 13, 2022

Kasalukuyang Version

03/18/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Gamot Sa Postpartum Iron Deficiency Anemia

Ano ang Food Supplement na Dapat Ikonsidera Matapos Manganak?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement