backup og meta

Gamot Sa Postpartum Iron Deficiency Anemia

Gamot Sa Postpartum Iron Deficiency Anemia

Pagkatapos manganak, marahil ay magiging abala ka sa pakikipag-bonding sa iyong anak. Dahil dito, maaaring mawawala sa iyong isipan kung paano maka-recover mula sa pagkawala ng dugo. Subalit kung may mapansing anomang senyales ng anemia — pagkapagod, panghihina, pamumutla ng balat, pangangapos ng hininga at higit pa—tandaang: kailangan solusyunan agad ang mga ito dahil maaari itong makaapekto ang mga ito sa kalidad ng iyong buhay. Mabuti na lamang, may mga paraan upang gamutin ito upang mas mabilis na maka-recover! Ano ang gamot sa iron deficiency anemia?

Mga Resulta Ng Pagdurugo Habang Nanganganak

Ang panganganak ay kinabibilangan ng pagkawala ng tiyak na lebel ng maraming dugo. Nakararanas ang ilang mga ina ng hindi gaanong matinding pagdurugo; ang iba naman ay nakararanas ng hemorrhage. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga para sa mga ina na magkaroon ng sapat na iron sa buong pagbubuntis.

Ang pagkawala ng dugo habang nanganganak na sinamahan ng antenatal anemia (karaniwan, iron deficiency anemia) ay maaaring magresulta sa postpartum anemia. Ito ay isang malubha, ngunit kadalasang hindi napapansing kondisyon.

Kung ikaw ay kulang sa iron, ang iyong katawan ay hindi nakapagpoprodyus ng sapat na substance na kailangan para lumikha red blood cells. At dahil ang red blood cells ay nagdadala ng oxygen sa buong katawan, ang iron deficiency anemia ay maaaring magresulta sa mas mababang lebel ng oxygen. Ito ay maaaring humahantong sa mga sintomas tulad ng pamumutla, pagkapagod, at pananakit ng ulo.

Ano ang pinakamahusay na gamot sa iron deficiency anemia matapos manganak?

Gamot Sa Iron Deficiency Anemia Pagkatapos Manganak

Ang pinakamahusay na paraan upang maka-recover mula sa pagkawala ng maraming dugo matapos manganak at sa postpartum iron deficiency anemia ay ang pagkakaroon ng mas maraming iron sa iyong katawan. Ang iyong doktor ay maaaring magmungkahi ng gamot sa iron deficiency anemia tulad ng iron supplementation kasama ng iba pang remedies:

1. Iron therapy

Kadalasan, ang pinakamahusay na gamot sa iron deficiency anemia pagkatapos manganak ay ang iron therapy. Sa karamihan ng mga kaso, ang doktor ay magrerekomenda ng oral iron supplements. Gayunpaman, ito ay batay sa sitwasyon.

Halimbawa, maaaring magpasya ang iyong doktor na mas lubhang makatutulong sa iyo ang parenteral iron therapy. Ang ibig sabihin ng parenteral ay pagbibigay ng gamot sa pamamagitan ng non-oral route (injection o intravenous). Ayon sa mga ulat, ang parenteral iron ay nakapagpapataas ng hemoglobin at mas mabilis ding nakapagpapataas ng lebel ng iron. Gayundin, maaari mabawasan ang pangangailangan para sa pagsasalin ng dugo.

Kung mayroon kang iron deficiency anemia, huwag mag-self-medicate. Huwag uminom ng mga gamot o herbal nang walang pahintulot ng iyong doktor.

2. Magkaroon ng sapat na pahinga

Bigyan ang iyong katawan ng sapat na oras upang maka-recover. Totoong ang ilang pisikal na aktibidad ay mahalaga, ngunit hanggang sa mawala na ang iyong anemia, siguraduhing hindi masyadong magpapakapagod. Magpahinga at matulog nang sapat, upang maka-recover nang maayos.

3. Kumain ng mas maraming lean na karne

Ang lean na karne ay isang mabuting mapagkukunan ng protina, mga bitamina, at syempre, iron. Ang dietary protein ay kinakailangan upang maayos at maka-recover ang muscles pagkatapos ng manganak. Gayundin sa iba pang mga proseso na sumusuporta sa mga likas na kakayahan sa pagpapagaling ng katawan. Nakatutulong ang iron na mapunan ang red blood cells na nawala habang nanganganak.

4. Kumain ng mas maraming madadahong gulay na mas kulay luntian

Kumain ng mas maraming madadahong gulay na mas kulay luntian. Ang mga ito ay mayaman sa iron, kaya makatutulong ang mga ito na mapunan ang iron na ginamit sa habang nagbubuntis o nanganganak. Isama nang madalas hangga’t maaari ang spinach, broccoli, at kale sa iyong diet.

5. Isaalang-alang ang vitamin C supplement

Nakatutulong ang vitamin C sa iyong katawan upang mas ma-absorb ang iron. Hangga’t maaari, kumain ng mga prutas at gulay na mayaman sa vitamin C, tulad ng mga orange, kamatis, matamis na kamote, at spinach. Kung sa iyong palagay ay hindi ka nakakakuha ng sapat na vitamin C, kumonsulta sa iyong doktor tungkol sa supplements.

Key Takeaways

Ang pinakamagandang bagay na maaaring gawinmo ay ang maging proactive tungkol sa iyong pag-recover. Siguraduhing magkaroon ng sapat na pahinga, kumakain nang mabuti, at alagaan ang iyong sarili upang ang iyong katawan ay magkaroon ng enerhiya na kinakailangan nito upang maka-recover mula sa stress ng panganganak. Kung napansin ang mga senyales at sintomas ng anemia, agad na kumonsulta sa iyong doktor. Alam nila ang pinakamahusay na gamot sa iron deficiency anemia para sa iyo. 
Sa maraming mga kaso, bibigyan ka ng iyong doktor ng oral iron supplement o parenteral iron therapy. Papayuhan ka ring magpahinga nang mabuti at baguhin ang iyong diet sa paraang makakukuha ka ng sapat na iron sa iyong katawan.

Matuto pa tungkol sa Postpartum Period dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Iron deficiency anemia, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/iron-deficiency-anemia/symptoms-causes/syc-20355034, Accessed August 1, 2022

Effect of postpartum anaemia on maternal health-related quality of life: a systematic review and meta-analysis, https://bmcpublichealth.biomedcentral.com/articles/10.1186/s12889-022-12710-2, Accessed August 1, 2022 

Postpartum anemia I: definition, prevalence, causes, and consequences, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/21710167/, Accessed August 1, 2022

The Use of Parenteral Iron Therapy for the Treatment of Postpartum Anemia, https://www.jogc.com/article/S1701-2163(15)30259-0/pdf#:~:text=Recent%20studies%20have%20evaluated%20the,scores%20in%20the%20postpartum%20period%20., Accessed August 1, 2022

Management of postpartum iron deficiency anemia: review of literature, https://www.ijrcog.org/index.php/ijrcog/article/view/5828, Accessed August 1, 2022

Kasalukuyang Version

03/13/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Food Supplement na Dapat Ikonsidera Matapos Manganak?

Postpartum Exercise: Kailan Ka Maaaring Mag-ehersisyo Pagkatapos Manganak?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement