Normal ang makaranas ng kaba, takot, at sakit, dahil ilan lamang ito sa mga emosyon ng tao na maaaring maranasan dahil sa stress at problema. But the important questions on this matter, paano mo hinarap ang mga negatibong emosyon at pakiramdam na ito? Naging madali o mahirap ba para sa’yo ang pag-survive sa mga bagay na ito? Ni-recognize mo rin ba ang iyong mga pakiramdam at pinagdadaanan? Or do you just let yourself be consumed by your emotions and feelings?
Actually, every person is unique and different. Kaya asahan mo na magkakaiba tayo sa kung paano natin pinoproseso ang bawat problema at emosyon na pinagdadaanan sa buhay. However, it is necessary that we overcome and face these things. Pero paano nga ba?
Ayon sa mga expert para mapagtagumpayan natin ang mga problema na sanhi ng ating mga negatibong pag-iisip, at emosyon, mahalaga na maunawaan natin ang sariling pinagdadaanan, tulad ng pag-alam sa pagkakaiba ng anxiety attack at panic attack para makahingi ng angkop na tulong at suporta.
Para matulungan ang sarili na mas maunawaan ang sarili at pinagdadaanan, patuloy na basahin ang article na ito.
Pagkakaiba ng anxiety attack at panic attack, ayon kay Dr. Willie Ong
Kabataan ang madalas na tinatamaan (mga babae, at bahagi ng LGBT community) ng anxiety at panic disorder, batay kay Dr. Ong. Kung saan maraming tao ang nag-aakala na magkatulad ang anxiety attack at panic attack, pero ang dalawang bagay na ito ay magkaiba.
Binigyang diin ni Dr. Ong na mas kailangan ng psychiatrist ang panic attack dahil malubha ito kumpara sa anxiety attack. Ayon sa kanya kung anxiety attack ang problema, ang mga sintomas nito ay ang dahan-dahan na dumarating at ang pagkakaroon mo ng nerbyos ay maaaring nagmumula sa iba’t ibang dahilan. Alam mo rin kung bakit ka kinakabahan na pwedeng sanhi ng mga problemang kinakaharap, aksidente at iba pa. Sa madaling sabi, ang anxiety attack ay isa sa resulta ng mga problema na iyong kinakaharap.
Dagdag pa rito, maraming klase ng anxiety, gaya ng generalized anxiety na kinakabahan ka sa lahat; separation anxiety, takot na mahiwalay sa mahal o pinapahalagahan na tao; post traumatic stress disorder na maaaring bunga ng isang traumatic experience; social anxiety, kung saan takot ka sa ibang tao; obsessive impulsive, ito ang pauulit-ulit na paggawa ng bagay tulad ng paghuhugas ng pinggan, pagla-lock ng pinto; phobia, pagkakaroon ng mga matinding kinakatakutan.
Habang ang panic attack ay maaari mong maranasan ng walang dahilan, at bigla na lamang na umaatake o dumarating sa iyo. Kagaya na lamang ng halimbawa na ibinigay ni Dr. Ong na pwede itong makita sa isang tao na bigla na lamang nanginig at kinabahan nang walang dahilan. Ang pagkakaroon mo rin ng panic attack ay maaaring bunga ng pagkakaroon mo ng family history ng mental disorder. Halimbawa may pamilya kang may depression, panic disorder, bipolar disorder, at iba pa.
Anxiety attack symptoms Vs. Panic attack symptoms
Bagama’t parehong nakapagdudulot ng negatibong pag-iisip at emosyon ang anxiety at panic attack, malaki pa rin ang pagkakaiba nila sa mga sintomas. Malaking bagay ang pag-alam sa pagkakaiba ng anxiety attack at panic attack symptoms, dahil makakatulong ito para mas ma-recognize at maunawaan ang sariling damdamin, pinagdadaanan, at makakuha ng angkop na paggamot.
Anxiety attack symptoms
Batay sa pahayag ni Dr. Ong ang ilan sa mga sintomas nito ay ang mga sumusunod:
- nakakaramdam ng kaba
- pinapawisan ang kamay o katawan
- mabilis na heart rate
- mabilis ang paghinga
- hindi makatulog
- makulo ang tiyan
- hindi makapokus
Dagdag pa rito, ang mga sintomas ng anxiety attack ay dahan-dahan na dumarating at nararanasan ng tao na bunga ng iba’t ibang problema sa buhay — at triggers. Maaari rin na makaramdam ka ng nerbyos na konti, marami, mild, moderate, at severe.
Panic attack symptoms
Ang mga sintomas ng panic attack ay mas malala kumpara sa anxiety attack batay sa pahayag ni Dr. Ong — at narito ang mga sumusunod na sintomas:
- pakiramdam na mamamatay ka na
- pakiramdam na mawawalan ka ng kontrol sa sarili
- pakiramdam mo wala ka sa mundo (para bang nanaginip at wala sa mundong kinabibilangan)
- pakiramdam na wala ka at pinapanood mo ang iyong sarili
- mabagal mag-isip
Tandaan mo rin na kapag panic attack o panic disorder ay malubha o severe agad ang sintomas. Ito rin ay disruptive at mahihinto mo ang iyong trabaho — at talagang mapapaiyak ka. Biglaan rin itong dumarating na walang trigger — at minsan walang dahilan.
Paggamot sa anxiety at panic attack
Parehong pwedeng bigyan ng treatment ang anxiety at panic attack. Bagama’t mas nangangailangan ng agarang medikal na atensyon at payo ang panic attack dahil sa mas malubhang sintomas nito kumpara sa anxiety attack.
Ang mga taong nakakaranas ng anxiety at panic attack ay kapwa maaaring humingi ng tulong sa isang psychiatrist at psychologist. Madalas na tinuturuan sila paano mag-isip at isagawa ang reframing technique upang maging positibo ang paraan ng pag-iisip.
Ayon din kay Dr. Ong mainam rin ang exposure therapy, ito ang pag-expose sa sarili ng paunti-unti sa stress, halimbawa takot ka magsalita sa klase, pwede ka muna magsalita sa harap ng kapatid mo bago sa mas malaking bilang ng tao– o kung saan ka takot ie-expose mo ang sarili mo paunti-unti para ma-overcome ito.
May gamot din na ibinibigay sa mga taong nakakaranas ng panic disorder, tulad ng anti-depressant na dapat ay aprubado at may supervison ng doktor ang iyong pag-inom.
Payo ni Dr. Ong
Bukod sa pag-inom ng mga gamot at paggawa ng iba’t ibang therapy sa ilalim ng supervision ng doktor, may mga home remedy rin na pwedeng gawin ang isang tao kapag nakakaranas ng anxiety at panic attack at narito ang mga sumusunod:
- pagsasagawa ng slow deep breath
- pag-practice ng mindfulness technique (para lagi kang nasa present at nakapokus)
- pag-recognize at tanggap ng iyong sitwasyon
- pagsasagawa ng lifestyle changes na makakabuti sa iyong kalusugan
- regular at moderate na pag-exercise
- balanced diet
- pag-iwas sa alak at kape