backup og meta

Nakunan Na Buntis: Paano Ang Pag-recover Ng Mental Health?

Nakunan Na Buntis: Paano Ang Pag-recover Ng Mental Health?

Hindi madali para sa nakunang buntis ang pag-recover mentally dahil masakit ang karanasang ito. Pwedeng nakakaya ng ilang mga ina ang pagsubok na ito habang patuloy na nagdurusa naman ang ibang nanay mula sa sakit at pagkawala ng batang papalakihin sana nila. Paano nga ba maka-move on sa ganitong bagay — at paano ba ito dapat harapin? 

Magbasa para malaman ang higit pa tungkol dito.

Nakunan na buntis: Pag-recover ng mental health

Para sa sinumang umaasam na maging isang ina, isang heartbreaking tragedy ang miscarriage. Nakakaapekto ito ng matindi sa isang babae partikular sa kanyang pisikal na kalusugan at kalusugan sa isip.

Pagkatapos ng miscarriage, karaniwan na para sa mga babae na makadama ng mga emosyon gaya ng galit, pagkabigo, pagkakasala, at frustrations. Nakakaramdam pa nga ng takot o pag-aalala ang ilang kababaihan partikular, kung sila ba’y mabubuntis muli, o magdudusa lamang dahil sa panibagong pagkalaglag. 

Maaaring magdulot din ito ng lamat sa kanyang mga relasyon at dahilan ng paghihiwalay ng mga mag-asawa.

Ito ang dahilan kung bakit hindi dapat balewalain ang miscarriage — gaano man ito kaaga naganap. Iba’t iba ang paraan ng mga kababaihan sa pagharap sa kalungkutan at pagkawala. Kaya dapat tandaan na ang pag-recover sa miscarriage  ay nangangailangan ng oras at pagsisikap.

Narito ang ilang mga bagay na dapat tandaan pagdating sa pag-recover ng mental health pagkatapos ng miscarriage.

Nakunan na buntis: Hayaan ang iyong sarili na makaramdam ng kalungkutan

Karaniwang tinitingnan ang kalungkutan bilang isang negatibong emosyon. Ngunit hindi ito nangangahulugan na dapat mo itong ganap na iwasan. Kung sa tingin mo, gusto mong umiyak o  malungkot pagkatapos ng iyong miscarriage — gawin ito.

Hindi mo dapat pilitin ang iyong sarili na maging masaya. Lalo na kung hindi mo talaga nararamdaman ang mga emosyong iyon. Tandaan, hindi mahalaga kung lumipas ang isang buwan, o kahit ilang taon. At kung nalulungkot pa rin sa’yong miscarriage — ayos lang ito. Normal at bahagi ito ng proseso ng pagdadalamhati at hindi mo dapat iwasan.

Nakunan na buntis: Pag-usapan ito kasama ng mga taong mahal at pinagkakatiwalaan

Kung minsan, ang pakikipag-usap tungkol sa isang traumatikong karanasan ay nakakatulong para harapin ito nang mas mahusay. Sa kaso ng miscarriage, makakatulong kung kasama at karamay mo ang iyong kapareha, malalapit na kaibigan — o mga miyembro ng iyong pamilya.

Ito’y hindi lamang cathartic, dahil nakakatulong din ito para mas mahusay na iproseso ang kalungkutan — at matulungan kang magpatuloy mula sa malungkot na pangyayari.

Kung hindi ka pa handang makipag-usap tungkol dito sa ibang tao. Pwede mong isulat ang iyong nararamdaman at nasa isip. Dagdag pa rito, makakatulong din ang pagkakaroon ng isang diary. Sapagkat, binibigyang-daan ka nitong subaybayan ang iyong nararamdaman araw-araw, at kung paano mo kinakaya ang naganapi.

Bigyan ito ng oras

Ayon sa isang kasabihan, “Ang oras ay nagpapagaling sa lahat ng mga sugat,” at totoo rin ito para sa mga taong nagkaroon ng miscarriage. Hindi kailangang madaliin ang proseso ng pagdadalamhati — at hindi ka dapat magmadali. Gawin ito nang paunti-unti, at huwag mag-alala kung aabutin ka ng mga buwan o kahit na taon bago ka makapag-move on.

Alalahanin ang iyong sanggol

Ang paggawa ng isang reminder ng iyong miscarriage ay pwedeng magmukhang counterintuitive. Ngunit ang pagpapanatili ng memorya ng iyong baby ay maaaring makatulong na mabigyan ka ng closure. Pwede kang magkaroon ng isang small ceremony kasama ang ilang mga kaibigan at mahal sa buhay. Maaari ka ring magsulat ng liham sa’yong sanggol para ipaalam ang tungkol sa iyong mga damdamin.

Hindi ito kailangang maging engrande. Kaya itong gawin kahit sa isang maliit na pagtitipon lamang. Pwede ring alalahanin mo ito kasama ng iyong kapareha.

Huwag mag-atubiling humingi ng propesyonal na tulong

Panghuli, huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa isang lisensyadong therapist, tagapayo, o doktor. Nakakaapekto ang kalungkutan at pagkawala sa iba’t ibang paraan — at maaaring nahihirapan ang ilang mga tao sa pagharap nito. Kaya kung minsan, kailangan na talaga ng tao ng propesyonal na tulong.

Bilang karagdagan, pwede ka ring maghanap ng support groups na may kaparehong karanasan. Makakatulong ito para maka-move on mula sa pagkawala.

Matuto pa tungkol sa Pangangalaga sa Ina at Mental Health dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Emotional Healing After a Miscarriage: A Guide for Women, Partners, Family, and Friends – Nursing@Georgetown, https://online.nursing.georgetown.edu/blog/emotional-healing-after-miscarriage-guide-women-partners-family-friends/, Accessed May 31, 2021
  2. After a Miscarriage: Surviving Emotionally | American Pregnancy Assoc., https://americanpregnancy.org/getting-pregnant/pregnancy-loss/miscarriage-surviving-emotionally-582/, Accessed May 31, 2021
  3. How do you heal a broken heart? Coping after miscarriage | Edward-Elmhurst Health, https://www.eehealth.org/blog/2020/10/coping-after-miscarriage/, Accessed May 31, 2021
  4. Miscarriage: A Guide to Care, https://wa.kaiserpermanente.org/healthAndWellness/index.jhtml?item=%2Fcommon%2FhealthAndWellness%2Fpregnancy%2Fpregnancy%2Fmiscarriage.html, Accessed May 31, 2021
  5. Your feelings and emotions after miscarriage | Tommy’s, https://www.tommys.org/baby-loss-support/miscarriage-information-and-support/support-after-miscarriage/your-feelings-and-emotions-after-miscarriage, Accessed May 31, 2021

Kasalukuyang Version

08/30/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Dexter Macalintal, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Emosyonal At Pisikal Na Sintomas Ng Social Anxiety, Ayon Kay Dr. Willie Ong?

6 Na Trauma Na Posibleng Makuha Dahil Sa Pagiging Doktor


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement