backup og meta

Paano Natulungan Ng Music Ang Mental Health Ni Nadine Lustre?

Paano Natulungan Ng Music Ang Mental Health Ni Nadine Lustre?

Ang multi-talented actress, singer, at mental health advocate na si Nadine Lustre ay muling nagpakitang gilas sa kanyang movie entry na “Deleter” sa ilalim ng direksyon ni Mikhael Reid para sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Kung saan kinilala ang dalaga bilang “Best Actress” at isa sa “Stars of the Night” sa Film Fest’s Gabi ng Parangal.

Sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng aktres, hindi maiwasan na mapag-usapan at maungkat ang kanyang mga naging laban sa depresyon, at naging bukas naman ang dalaga sa pagbabahagi ng kanyang mga karanasan sa iba’t ibang interview.

Tulad ng naging interview ni Nadine Lustre sa honest at unfiltered episode ng “An Open Mind with Liza Soberano”, nabanggit ng aktres sa episode na ito na tinulungan siya ng musika sa kanyang healing. Kaugnay nito, marami ang naging interesado kung paano nakakatulong ang musika sa mental health ng tao at paano naging mabuti ito para kay Nadine Lustre.

Patuloy na basahin ang artikulong ito para sa mahahalagang impormasyon kung paano natutulungan ng musika ang mental health ng isang indibidwal.

Paano Nakatulong Kay Nadine Lustre Ang Music?

Larawan mula sa Instagram ni Nadine Lustre

Isa sa mga pinakapinag-usapang proyekto ng aktres ay ang kanyang album na “Wildest Dreams”. Ayon sa mga interview ni Nadine, na-inspire siya ng kanyang memorable vivid dreams na sinubukang i-translate ng kanyang team sa isang immersive 33-minute visual experience. 

Ibinahagi rin ng aktres na ang kantang “Save A Place” sa kanyang album ay para sa kanyang brother’s death noong 2019. Ang awiting ito ay tungkol sa kanyang depresyon at pagkakaroon ng pakiramdam na “feeling loss”.

“The hardest song to work on was ‘Save A Place’ because that song is about my brother. Marcus Davis wrote it and before he started working on it, we had a little dinner. I was opening up to him and telling him everything that I wanted to say to my brother. Things that, you know, like regrets or things that I wish I could have done. […] every time I tried singing it, my voice would break and I’d end up crying. It was really hard. It was very emotional. Marcus took the words right out of my mouth,” pahayag ng aktres.

Ayon sa pahayag ni Nadine, sa album na ito hinahayaan niya ang kanyang sarili na maging tunay na mahina at totoo.

Larawan mula sa Instagram ni Nadine Lustre

“With music, nag-o–open up talaga ako. And I feel like people know me for being honest, being authentic, but music just solidified the whole thing. Here, I am able to express things that I can’t through all the other mediums and creative exhausts. With music kasi, it’s different, because it’s words. It is just recently that I learned na kaya ko pala with words. I guess it’s just another extension of myself, another way of expressing more of my truth.” 

Paano Nakakatulong Ang Music Sa Mental Health, Ayon Sa Mga Pag-aaral at Eksperto?

“There’s something healing about what you’ve gone through, especially in a form of art that people will experience. It’s an emotional release. There’s something freeing about it. After I released my album, para akong nabawasan ng damage. That’s how it feels like,” pahayag ni Nadine.

Ito ang ilan sa mga naitulong ng musika sa kanyang mental health, at ayon na rin sa mga datos ang music ay nagsisilbing temporary distraction mula sa mga sintomas ng mental health issues. Lumabas rin sa pag-aaral na isinagawa noong 2019 na pinamagatang “The Effect of Classical Music on Anxiety and Well-Being of University Students,” ang mga college student na nakikinig ng classical music araw-araw sa loob ng 2 months ay nagpapababa ng kanilang levels of anxiety.

Narito pa ang ilang benepisyo ng music sa mental health ng tao:

Natutulungan ka ng musika na maramdaman ang iyong feelings

Natuklasan ng ilang pananaliksik na kahit ang pakikinig sa sad music ay maaaring makapagparamdam sa iyo ng ilang pleasant emotions, na maaaring makatulong na mabawasan ang sakit na iyong nararamdaman. Pwede rin itong magbigay-daan sa iyong mas ligtas na makaramdam ng kalungkutan na minsan ay sinusubukan nating iwasan sa buhay.

Napapadali ng musika na mapag-usapan kung ano ang bumabagabag sa iyo

Kung wala kang mga salita para ipaliwanag kung ano ang iyong pinagdadaanan, o kung hindi ka komportable na pag-usapan ito, tandaan mo na ang lyrics ng kanta ay maaaring magamit upang mailahad ang nararamdaman. Dahil ang lyrics ay nagbibigay sa’yo ng pahintulot na mas maunawaan ang sarili mong sitwasyon sa pamamagitan ng pananaw ng ibang tao.

Napapabuti ng music ang iyong pagtulog

Ang insomia ay madalas maranasan ng mga taong may depresyon at anxiety. Pero alam mo ba na ang music ay nakakatulong para mas makatulog ng maayos? Ayon sa mga pag-aaral ang pakikinig ng relaxing classical music ay nakakatulong na pakalmahin ang ating kalooban na humahantong sa mapayapa nating pagtulog.

Nagustuhan mo ba ang iyong binasa? Mag-sign up dito para maging member ng Hello Doctor community! Sa pagsali, maaari mong i-save ang iyong paboritong articles, at gamitin ang aming mga tools at screeners para mapabuti ang iyong kalusugan.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How Music Can Improve Your Mental Health, https://jedfoundation.org/resource/how-music-can-improve-your-mental-health/#:~:text=Music%20can%20be%20distracting%20and%20lower%20your%20stress,-%E2%80%9CMusic%20serves%20as&text=In%20fact%2C%20research%20has%20shown,their%20levels%20of%20anxiety%20significantly. Accessed December 13, 2022

Music Can Be A Great Mood Booster,

https://www.aarp.org/health/brain-health/info-2020/music-mental-health.html Accessed December 13, 2023

Pleasurable music affects reinforcement learning according to the listener, https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fpsyg.2013.00541/full Accessed December 13, 2022

The Effects of Music on the Human Stress Response, https://journals.plos.org/plosone/article?id=10.1371/journal.pone.0070156 Accessed December 13, 2022

Singing can facilitate foreign language learning, https://link.springer.com/article/10.3758/s13421-013-0342-5 Accessed December 13, 2022

Effect of Music as Nursing Intervention for People Diagnosed with Fibromyalgia, https://www.painmanagementnursing.org/article/S1524-9042(10)00139-6/fulltext Accessed December 13, 2022

 

Kasalukuyang Version

07/08/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Emosyonal At Pisikal Na Sintomas Ng Social Anxiety, Ayon Kay Dr. Willie Ong?

6 Na Trauma Na Posibleng Makuha Dahil Sa Pagiging Doktor


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement