backup og meta

Pag-inom Ng Placenta Smoothie, Safe Nga Ba Talaga?

Pag-inom Ng Placenta Smoothie, Safe Nga Ba Talaga?

Sa modernong panahon na ito, mas maraming tao ang sumusubok na mag-explore tungkol sa non-traditional, ngunit mga natural health booster. Para makaiwas sa mga artipisyal na supplements. At ang pag-inom ng placenta smoothie ay nakuha ang interes ng ilang mga magiging mommy.

Dapat bang subukan ang pag-inom ng placenta smoothie?

Ang placentophagy (pagsasanay sa pagkain ng inunan) ay sinasabing nagmula sa Estados Unidos noong 1970s bilang isang paraan para labanan ang postpartum depression. Gayunpaman, may mga ulat na ang kasanayang ito ay maaaring umiral pa noong sinaunang panahon. Dahil may mga tradisyonal na kultura na kumakain ng inunan sa iba’t ibang paraan-bilang hilaw, niluto, o pinatuyo at pinulbos.

Ano ang mga dapat na benepisyo ng pag-inom ng placenta smoothie?

Sinasabing may mga potensyal na benepisyo ito. Tulad ng pagtaas ng produksyon ng gatas ng ina. At pagpapalakas ng enerhiya dahil sa mga sustansya na meron sa inunan.

Ang pagkakaroon ng estrogen-progesterone, lactogen, iron, growth factor, β-endorphins, zinc, at oxytocin sa inunan ay napag-aralan na. Ngunit ang stability ng raw tissue at maging sa iba’t ibang paghahanda, at ang kanilang mga epekto pagkatapos ng pagkain ay hindi napatunayan.

Ligtas ba ang mga ito?

Noon sinasabi na ang inunan ay sterile. Ngunit sa mga recent na pag-aaral ay nagpapakita na may pagkatutulad sa pagitan ng microbiological composition ng oral cavity at ang inunan. Ang virus at pathogenic bacteria ay maaari ring naroroon. Ang mga gamot na ibinigay recent sa mga laboring na ina (i.e. general anesthetics, opioids) ay maaaring naroroon din sa inunan.

Ang ilan ay ipinaglalaban na sa halip na kumuha ng raw placenta, ang pinatuyo at durog na bersyon nito ay maaaring gamitin bilang suplemento. Tandaan na ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ay hindi nagrerekomenda ng mga kapsula ng inunan. Dahil sa posibleng hindi sapat na pagpuksa ng mga nakakahawang pathogen sa panahon ng produksyon. Kasunod ng spontaneous, non-interventional delivery na walang long-term pharmacological treatment at kilalang impeksyon sa panahon ng pagbubuntis – ay nauugnay sa risk na sinasabing mababa.

Ang Caveat ay wala pa ring controlled scientific studies. Kung saan ang pag-inom ng placenta smoothie ay nag-aalok ng anumang mga benepisyo. Ngunit may mga ulat ng posibleng pinsala sa pag-inom ng placenta smoothie.

Paano karaniwang inihahanda ang mga ito?

Ang ilan ay tinadtad ang hilaw na inunan at kinakain ito. Ang ilan ay hinahalo ito sa kanilang mga smoothies. Mas gusto ng iba na lutuin ito. Samantala ang iba naman, pag-inom ng placenta smoothie ang gusto Ang mga ibinebentang suplemento ay pinasingaw, pinatuyo, pinulbos, pagkatapos ay naka-encapsulate.

Ano ang ilan sa mga risk?

Ang impeksyon ay isa sa mga potensyal na panganib sa pag-inom ng placenta smoothie. May katibayan na ang mga mommy na kumain ng kanilang inunan ay maaaring mag-spread ng malubhang bacterial o viral infections sa kanilang mga sanggol. Maaari pa itong makapinsala sa ina mismo. Ang mga bakas ng heavy metals, gamot, kemikal, impeksiyon ay matatagpuan sa inunan.

Samakatuwid, hindi maipapayo para sa mga kababaihan na subukan ang ang pag-inom ng placenta smoothie. Ang sinasabing mga benepisyo ay kasalukuyang hindi na-back up ng matibay na ebidensya. At masasabi na ang potensyal na pinsala ng pag-inom ng placenta smoothie ay totoo.

Paano ang tungkol sa mga placenta capsules?

Ang isang insidente ng impeksyon sa Group B Streptococcus ay iniulat ng CDC pagkatapos na mahawahan ang bagong panganak na sanggol. Mula sa isang ina na umiinom ng kapsula ng inunan. Ang Group B strep ay maaaring magdulot ng malubhang karamdaman tulad ng pneumonia, meningitis, at kahit sepsis. Hindi nirerekomenda ang kapsula ng inunan.

May benepisyo ba ang pagkain at pag-inom ng placenta?

May mga anecdotal na ulat na napapabuti nito ang mood, mas kaunting ang sakit, at pagkapagod. Ngunit ang mga ito ay hindi pa napag-aralan at napatunayan. Hanggang sa wala pang matibay na ebidensya na sumusuporta sa kasanayang ito, pinakamahusay na maging nasa mas ligtas na panig.

Para sa mga alalahanin tungkol sa iyong diyeta at nutrisyon, palaging kumunsulta sa iyong doktor.

Matuto pa tungkol sa Iba Pang Mga Paksa sa Pangangalaga ng Ina dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Farr, A., Chervenak, F. A., McCullough, L. B., Baergen, R. N., & Grünebaum, A. (2018). Human placentophagy: a review. American Journal of Obstetrics and Gynecology, 218(4), 401.e1–401.e11. doi:10.1016/j.ajog.2017.08.016 

Johnson, S. K., Pastuschek, J., Rödel, J., Markert, U. R., & Groten, T. (2018). Placenta – Worth Trying? Human Maternal Placentophagia: Possible Benefit and Potential Risks. Geburtshilfe und Frauenheilkunde, 78(9), 846–852. https://doi.org/10.1055/a-0674-6275

Coyle, C. W., Hulse, K. E., Wisner, K. L., Driscoll, K. E., & Clark, C. T. (2015). Placentophagy: therapeutic miracle or myth?. Archives of women’s mental health, 18(5), 673–680. https://doi.org/10.1007/s00737-015-0538-8

Stanley C, Baillargeon A, Selk A. Understanding Placentophagy. J Obstet Gynecol Neonatal Nurs. 2019 Jan;48(1):37-49. doi: 10.1016/j.jogn.2018.10.002. Epub 2018 Nov 26. PMID: 30496722.

Elwood, C., Money, D., van Schalkwyk, J., Pakzad, Z., Bos, H., & Giesbrecht, E. (2019). No. 378-Placentophagy. Journal of Obstetrics and Gynaecology Canada, 41(5), 679–682. doi:10.1016/j.jogc.2018.10.006

Kasalukuyang Version

04/21/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Glutathione Habang Breastfeeding, Ligtas Ba Sa Ina At Baby?

Safe Ba Sa Buntis Ang Pag-Inom Ng Paracetamol?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement