backup og meta

Balat Ng Buntis: Anu-anong Pagbabago Ang Nangyayari?

Balat Ng Buntis: Anu-anong Pagbabago Ang Nangyayari?

Ang pagbubuntis ay nagdudulot ng komplikado at malaking mga pagbabago sa katawan ng isang babae. Hindi naman lahat ng babae ay nakakaranas ng parehong pagbabago sa panahon ng pagbubuntis. Katulad ng ilang mga uri ng skin changes na nangyayari sa balat ng buntis. Marami ang maaaring may mala-rosas na ningning ang balat. Pero ang iba naman ay kailangang harapin ang isang bagay na naiiba. Ang mga pagbabago sa balat sa panahon ng pagbubuntis ay dahil sa mga pagbabago sa mga hormone at daloy ng dugo. 

Ang suppressed immunity ng katawan para protektahan ang lumalaking baby at ang mga stretched blood vessel ay nakakaimpluwensya rin sa kondisyon ng balat. Narito ang ilan sa mga pinakakaraniwang pagbabagong aasahan ng mga buntis.

Ano Ang Mga Karaniwang Pagbabago sa Balat ng Buntis?

Stretch Marks

Ang mga stretch mark ay isa sa mga pinakakaraniwang pagbabago sa balat ng buntis na maaaring maranasan sa panahon ng pregnancy.

Halos 90% sa mga buntis ang nakakaranas nito. Ang mga naka-indent na streak na ito na lumilitaw bilang kulay-rosas o pulang gashes sa tiyan, suso, balakang, puwit, at bahagi ng hita ay sanhi ng paghila at pag-unat ng nakapaloob na balat.

Hyperpigmentation

Ang kapansin-pansing pagbabago sa pigmentation ay karaniwang nangyayari din sa panahon ng pagbubuntis. Ang pagtaas ng mga hormone ay nagiging sanhi sa mga parte na may dark pigmentation na para maging mas maitim pa. Kabilang sa mga parte ang mga pekas, nunal, nipples, areola, at maging ang labia.

Melasma

Ito ay tinatawag ding “mask of pregnancy.” Ang Melasma ay nangyayari kapag ang isang grupo ng skin cells  na gumagawa ng melanin ay na-activate at patuloy na nananatiling ganoon. Ang mga cell na ito ay tinatawag na melanocytes, at nagiging sanhi ito ng mga pagbabago sa balat sa panahon ng pagbubuntis sa pamamagitan ng patuloy na paggawa ng mas maraming pigment. Habang nangyayari ito, nagiging mas maitim ang balat. Karaniwang nabubuo ang  brown o gray-brown patches  sa mukha, partikular sa pisngi, itaas na labi, noo, at baba.

Linea Nigra

Ang Linea Nigra ay isang dark line  na umaabot mula sa pusod hanggang sa buto ng pubic. Ang linyang ito sa tiyan ay maaaring naroroon na bago ang pagbubuntis, ngunit nagda-darken lamang ang kulay kapag ang isang babae ay buntis dahil sa mga pagbabago sa mga hormone level. Ito ay makikita lamang sa ikalawang trimester ng pagbubuntis.

Skin Tags

Ang skin changes sa panahon ng pagbubuntis tulad ng paglitaw ng mga skin tag ay isa pang uri na sanhi din ng mga hormone. Ang napakaliit, loose growths ng balat na ito ay kadalasang nabubuo sa leeg, dibdib, likod, singit, at maging sa ilalim ng mga suso. Dumadami ang mga skin tag dahil sa mataas na antas ng estrogen.

Acne

Bawat babae ay magkakaroon ng iba’t ibang karanasan sa acne sa panahon ng kanilang pagbubuntis. Ang ilan ay maaaring magsabi na ang kanilang balat ay bumubuti, ngunit karamihan sa mga buntis ay dumaranas ng mga breakout. Ang mga kadahilanan na nasa likod ng “radiant pregnancy glow” ay ang mga parehong nagdudulot din ng acne. Naglalabas ng mas maraming langis ang oil glands dahil sa mga sobrang hormone na ginawa ng katawan sa panahon ng pagbubuntis. 

Varicose veins

Ang varicose veins ay enlarged bluish veins  na mas madalas na lumalabas sa mga binti. Nangyayari ito kapag ang bigat at pressure ng matris ay sumisiksik at nagsisikip sa mga ugat. Nagpapababa ito ng daloy ng dugo sa ibabang bahagi ng katawan. Ang mga pagbabago sa balat ng buntis na tulad nito ay maaari ding mangyari sa vulva, vagina at rectum.

Spider veins

Ang mga expectant mothers ay maaari ding magkaroon ng maliliit na pulang ugat na lumilitaw at sumasanga palabas sa kanilang mukha, leeg, itaas na dibdib, at mga braso; ito ay tinatawag na spider veins. Ang mga hormonal changes at pagtaas ng sirkulasyon ng dugo ay humantong dito. Higit pa rito, ang ganitong mga pagbabago sa balat sa panahon ng pagbubuntis ay maaari ding namamana para sa ilan.

Mga dapat gawin sa mga pagbabago sa balat sa panahon ng pagbubuntis

Maaaring karaniwan na ang skin changes sa panahon ng pagbubuntis pero may mga  paraan pa rin kung paano ma-address ang ilan sa mga kondisyong ito. 

Angkop na Diet

Isa na rito ang siguraduhing sinusunod ang angkop na diet sa panahon ng pagbubuntis.Ang tamang intake  ng mga nutrients ay makakatulong na mapanatiling maayos ang balat ng buntis. Maganda ang hydration. Ang pag-inom ng inirerekumendang dami ng tubig sa panahon ng pagbubuntis ay makakatulong na mapanatiling hydrated at malusog ang balat. 

Proper Hygiene at Skincare Products

Isa pa, kapag ginagamot ang acne, highly encouraged ang masusing paglilinis.  Ang mga buntis ay maaaring maghugas ng kanilang mukha hanggang dalawang beses sa isang araw gamit ang mild soap. Makakatulong ito na panatilihing malinis ang balat mula sa excess oil na maaaring magdulot ng mga pimples. Iwasan din ang paghawak o pagtiris ng tagihawat para mabawasan ang acne flare.

Ang isa pang tip ay maghanap ng mga termino tulad ng “noncomedogenic” at “unscented” kapag naghahanap ng mga makeup at skincare products. Ang mga ganitong uri ng mga produkto ay hindi masyadong makakabara sa pores. Makakatulong din ang mga ito na panatilihing malinis ang balat ng buntis.

Huwag gumamit ng anumang topical treatment o uminom ng anumang gamot para sa acne maliban kung na-clear ng iyong obstetrician. Ang ilang mga produkto na mabuti para sa acne, tulad ng mga naglalaman ng retinol, ay hindi ipinapayo para sa mga buntis.

Hindi maiiwasan ang karamihan sa skin changes kapag buntis. Magiging masaya sila na malaman na ang ilan sa mga ito ay nangyayari lamang sa panahon ng pagbubuntis. Karaniwang nawawala ang varicose at spider veins, hyperpigmentation, at linea nigra pagkatapos ng pagbubuntis. 

Pero may ilang mga skin changes sa panahon ng pagbubuntis ang may pagka-stubborn. Ang mga stretch mark, skin tag, at melasma ay hindi laging nawawala kaagad pagkatapos manganak. Siguraduhing humingi ng propesyonal na tulong mula sa isang dermatologist upang maaddress ito. Kung may anumang procedure na gagawin, the best na gawin ito pagkatapos ng panganganak.

Key Takeaways

Madaling ma-overwhelm sa maraming pagbabagong pinagdadaanan ng katawan sa panahon ng pagbubuntis. Ang ilan sa mga biglaang pagbabago sa balat na ito ay maaaring nakababahala sa simula, lalo na para sa mga  first-time expectant mothers. Kaya’t pinakamabuti na maging aware sa iba’t ibang mga pagbabagong mangyayari sa iyong katawan sa panahong ito.
Marami sa mga pagbabago sa balat na ito ang mararanasan sa buong pagbubuntis. Ang ilang kababaihan ay pwedeng makaranas ng higit pa. May ilan naman na iba ang nararanasan at napapanatili ang “pagbubuntis glow.” Ito ay dahil sa iba’t ibang level ng mga hormone sa mga kababaihan. Iba-iba sa bawat buntis ang mga pagbabago at karanasang dadaaan.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/expert-answers/skin-changes-during-pregnancy/faq-20416440

https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=pregnancy-and-skin-changes-134-7

https://www.aad.org/public/diseases/a-z/melasma-treatment

https://www.nhs.uk/conditions/skin-tags/

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/expert-answers/pregnancy-acne/faq-20058045

Acne in pregnancy, https://dermnetnz.org/topics/acne-in-pregnancy/, Accessed May 26, 2020

Kasalukuyang Version

08/23/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Safe Motherhood Week? Bakit Natin Ito Iginugunita?

Pagbabago ng Katawan Pagkatapos Manganak, Alamin Dito Kung Ano Ang mga Ito


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement