backup og meta

Ano Ang Postpartum Rage, At Ano Ang Maaaring Gawin Tungkol Dito?

Ano Ang Postpartum Rage, At Ano Ang Maaaring Gawin Tungkol Dito?

Isa sa mga kwentuhan sa mundo ng motherhood ay ang postpartum rage. Ano ang postpartum rage? Bagama’t marami sa atin ang nakarinig at/o nakaranas ng postpartum depression o “baby blues,” iba ang postpartum rage o galit. Dati, ang galit at iritasyon ay itinuturing na bahagi ng depresyon at pagkabalisa. Ngayon ang ilang mga eksperto ay nagsusuri at natututo kung paano imanage ang postpartum rage.

Tungkol Sa Postpartum Mood Disorders

Ang postpartum ay ang panahon pagkatapos manganak. Mayroong tatlong yugto sa postpartum period, simula sa unang ilang oras hanggang kalahating taon sa maraming kaso. 

Hindi lahat ng kababaihan ay nakakaranas ng postpartum mood disorder pagkatapos ng bawat pagbubuntis. Gayunpaman, totoo ito sa karamihan sa mga kababaihan. Ang ilang mga istatistika ay nagpapakita na ang mga mood disorder ay maaaring makaapekto sa hanggang 85 % ng mga postpartum na ina.

Ano Ang Postpartum Rage?

Katulad ng nabanggit, ang pinaka karaniwang postpartum mood disorder ay depression. Kamakailan, ang mga healthcare practitioner ay nagsimulang mag-screen para sa higit pa sa depression. Ang galit ay isang normal na emosyon ng tao at hindi dapat ituring na bawal. Gayunpaman, ang rage ay isang matagal at kadalasan may mas marahas na anyo na itinuturing na hindi healthy.

Para sa mga bagong ina, ang expectations kung paano palalakihin ang isang anak ay maaaring hindi nagma-match sa kung ano ang kasalukuyang takbo ng kanilang buhay. Ang conflict na ito ay pwedeng maging sanhi ng galit ng ilang ina sa kanilang sarili at sa ibang mga tao sa kanilang paligid. Ang mga emosyong ito ay maaaring negatibong makaapekto sa mga relasyon, lalo na sa iba pang household members.

Sino Ang Apektado Nito?

Dahil ang konsepto ng postpartum rage bilang isang hiwalay na mood disorder ay hindi pa opisyal na naitatag, walang pang solid data na magagamit. Ang mga postpartum mood disorder ay pwedeng makaapekto sa sinumang ina. Ito ay totoo kahit na hindi niya ito naranasan pagkatapos ng mga nakaraang panganganak. 

Bukod sa mga ina, kung ano ang postpartum rage ay pwedeng hindi direktang makaapekto sa mga household member. Kung hindi naiintindihan ang emotional struggle ng isang ina, ang partner ay maaaring mag-react nang negatibo at huminto sa pagiging supportive. Ang resulta, ang mga maliliit na bata na expose sa mga magulang na may mga mood disorder ay maaaring makaranas ng mga emotional problem habang sila ay lumalaki. 

Pwede mong maranasan ng sabay ang depresyon at rage. Sa katunayan, ipinakita na ang mga isyu sa anger management kasama ng depresyon ay maaaring lumala at magpatagal ng depresyon. Ang depresyon ay higit pa sa isang mental disorder dahil maaaring mas madaling kapitan ka ng sakit at maging mababa ang kalidad ng iyong buhay.

Sa madaling salita, kung ano ang postpartum rage ay maaaring makaapekto sa lahat, direkta man o hindi direkta.

Ano Ang Nagiging Sanhi Ng Postpartum Rage?

Sa kasamaang palad, walang iisang dahilan para sa rage. Tulad ng depression at iba pang mga karamdaman, maraming mga dahilan ang kasama. Ang edad, hormonal status, pre-existing na kondisyon, family history, at maging ang lagay ng panahon ay maaaring magkaroon ng papel sa pagbuo ng mga mood disorder.

Ang pagbabago-bago ng mga hormone sa panahon at pagkatapos ng panganganak ay maaaring makaapekto sa katawan at isipan ng isang babae. Ito, kasama ng mga physical changes, tulad ng pagtaas ng timbang at mga stretch mark, ay maaaring magdulot ng pakiramdam ng kawalan ng kapanatagan, takot, at pagkabalisa. Para sa ilang mga ina, ang ganitong feelings ay maaaring lumabas bilang postpartum rage o depression.

Paano Ko Mapapamahalaan Ang Postpartum Rage?

Kasama sa  anger management ay ang pagkilala sa emosyon at mga posibleng mga trigger. Para sa mga babaeng may postpartum, ang depresyon ay maaaring magpakita bilang o kasama ng pagkamayamutin at galit.Ang isang mental health professional  ay ang pinakamahusay na tao na pwedeng konsultahin tungkol sa mga mood disorder at mental health. 

Bukod sa mga ito, mahalaga ang strong support unit sa bahay. Ang meditation at relaxation ay kapaki-pakinabang na mga paraan para maging kalmado. Isang option din ang counseling kung mahirap makayanan na kasama ang household members sa panahong ito. Ang iba pang mga paraan upang imanage ang galit ay kinabibilangan ng:

  • Pag challenge o pagpapalit ng mga awtomatikong pag-iisip
  • Mag-nap o mas natutulog ng mahaba sa gabi
  • Pag-express ng damdamin nang mas epektibo, tulad ng drawing at paggalaw kung hindi mga salita
  • Maging mindful, partikular ang pag-handle ng galit, o self-compassion meditation
  • Patawanin ang iyong sarili sa pamamagitan ng panonood ng mga comedy
  • Bigyan ang iyong sarili ng pahinga
  • Mag-ehersisyo
  • Kumain ng malusog, balanseng diet
  • Humanap ng iyong happy place
  • Gumawa ng spiritually enriching activities

Maliban na lang kung nagiging violent  ka dahil sa kundisyon, malamang na hindi ka mangangailangan ng mga gamot gaya ng mga tranquilizer o mood stabilizer para mamanage ang kung ano ang postpartum rage.

Key Takeaways

Ang mental health ay kasing halaga ng physical health. Ito ay totoo lalo na sa mga expecting at new mothers. Ang galit ay isang normal na emosyon, ngunit ang rage ay maaaring humantong sa mga negatibong epekto sa iyo at sa iyong pamilya. Kumunsulta sa isang  health professional kung ikaw o ang isang mahal sa buhay ay nanganak kamakailan at may mga sintomas ng mood disorder.

Matuto pa tungkol sa Pag-Aalaga Pagkatapos Manganak dito.

[embed-health-tool-ovulation]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Postpartum depression, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/postpartum-depression/symptoms-causes/syc-20376617, Accessed November 16, 2020

Perinatal depression, https://www.nimh.nih.gov/health/publications/perinatal-depression/index.shtml, Accessed November 16, 2020

Understanding the Facts: Depression, https://adaa.org/understanding-anxiety/depression, Accessed November 16, 2020

Postpartum Mood Disorders: What New Moms Need to Know, https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/postpartum-mood-disorders-what-new-moms-need-to-know, Accessed November 16, 2020

Anger overlooked as feature of postnatal mood disorders, https://www.sciencedaily.com/releases/2018/06/180626113415.htm, Accessed November 16, 2020

Postpartum period: three distinct but continuous phases, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3279173/, Accessed November 16, 2020

APA: Controlling anger before it controls you https://www.apa.org/topics/anger/control Accessed November 16, 2020

Kasalukuyang Version

11/22/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Sinuri ang mga impormasyon ni Corazon Marpuri

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Dapat Gawin Pagkatapos Manganak: Heto Ang Dapat Tandaan Ng Mga Ina

Dapat Gawin Kung Nakunan: Gabay Para Sa Mga Ina


Sinuri ang mga impormasyon ni

Corazon Marpuri


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement