backup og meta

Vegan na buntis: Ano Ang mga Maaaring Kainin para Malusog si Baby?

Vegan na buntis: Ano Ang mga Maaaring Kainin para Malusog si Baby?

Mas maraming tao na ang naghahanap ng mga alternatibong diet na sumusuporta sa mas sustainable, mas malinis, at mas healthy na lifestyle. Isa sa pagpipilian ang veganism. Gayunpaman, pagdating sa pagbubuntis, nagiging problema din ang pagiging vegan dahil may ilang sustansya na makikita lang sa mga karne. Alamin pa rito ang tungkol sa pagbubuntis at veganism, at kung maaari bang maging vegan na buntis.

Veganism at vegetarianism

Napagpapalit ng ilan ang kahulugan ng veganism at vegetarianism dahil pareho silang umiiwas sa pagkain ng karne at manok. Ngunit nakatuon lang ang vegetarianism sa pagkain ng mas maraming plant-based na pagkain. Maaari ding magsama ng gatas, seafood, at itlog. Depende sa uri nito.

Sa kabilang banda, hindi lang animal-based na pagkain ang tinatanggal ng mga vegan ngunit iniiwasan din nila ang paggamit ng mga produktong gawa sa hayop tulad ng mga bag at sapatos. Maaaring hindi nila makuha ang ilang vitamins at minerals dahil sa hindi pagkain ng karne, ngunit may mga alternatibo naman nito sa pamilihan na ginagawa itong posible.

Bagaman kapaki-pakinabang ang pagbabago ng diet dahil pinapababa nito ang panganib mula sa sakit sa puso nang mas kaunti ang taba at asukal habang mas marami naman ang fibre, pinakamahusay pa ring komunsulta sa medikal na propesyonal bago palitan ang sariling diet. Maaaring may ibang tao na dapat unti-untiin ang pagbabago ng kanilang diet sa halip na palitan ito kaagad.

Pagbubuntis at veganism

Karamihan sa mga pag-aaral ang nagpapakita na walang masamang epekto sa pagpili ng isang ina na maging vegan habang nagdadalang-tao. Maaari naman palitan ng mga plant-based alternative ang mga sustansyang kailangan ng katawan. Kung kulang pa ang pagkain sa nutritional requirement ng pagbubuntis, may mga supplement na maaaring inumin upang makatulong na matugunan ang pangangailangan ng kanilang katawan.

Kailangan isaalang-alang na nagpakita ang parehang pag-aaral ng mas mababang timbang sa mga batang isinilang ng mga vegan na buntis kaysa sa mga hindi vegan o vegetarian. May panganib din ng kakulangan sa sustansya lalo na sa mga karaniwang galing sa hayop. Kailangan ng maingat na magpaplano ng pagkain upang maiwasan ang pagkawala ng mga kinakailangang sustansya para mapanatiling malusog ang iyong anak.

Mga sustansyang dapat bantayan ng mga vegan na buntis

Posibleng magkulang ang mga vegan na buntis sa mga sustansyang mahalaga para sa paglaki ng kanilang anak. Narito ang ilan sa mga sustansya na mahalaga sa panahon ng pagbubuntis na maaaring maging balakid sa mga vegan na buntis.

Vitamin B12

Sa mga animal-based na pagkain lamang makikita ang vitamin B12. Kaya maaaring mangailangan ng mga supplement para maiwasan ang kakulangan ng sustansya. Mayroon ding B12 enriched nutritional yeast, na maaaring idagdag sa iba pang pagkain.

Omega-3 fatty acid

Kadalasang matatagpuan ang omega-3 fatty acids sa mga isda at produkto ng isda. Isang alternatibo dito ang pagkain ng chia seeds at flax seeds. Maaaring hindi sapat ang omega-3 na makukuha sa mga plant-based na pagkain. Kaya tulad ng vitamin B12, umiinom pa rin ng mga supplement ang ibang tao upang suportahan ang mga pangangailangan ng kanilang katawan.

Iron

Nakatutulong ang iron sa pagbuo ng tissue at sa suplay ng dugo ng mga ina at sanggol. Nakikita ito sa mga dried fruit, tokwa, beans, at mga gulay na may maitim na dahon. Maganda itong karagdagan sa mga pagkaing mayaman sa vitamin C upang lalong mapabuti ang iron absorption sa katawan.

Vitamin D at Calcium

Nakatutulong ang vitamin D at calcium sa development ng buto ng sanggol. Wala gaanong alternatibo para sa vegan ang vitamin D. Ngunit maaaring makapagbigay ng kaunting dose nito ang pagbibilad sa araw sa tamang oras. Makapagbibigay din ng suporta ang fortified foods at supplements sa kakulangan ng katawan.

Kulang man o sobra sa sustansya sa panahon ng pagbubuntis, ang mahalaga, sigurado na nakakakuha ng balanseng pagkain.

Key Takeaways

Walang dapat ipag-alala tungkol sa pagbubuntis at veganism. Walang direktang kaugnayan ang nagpapakita na may negatibong epekto sa sanggol ang vegan diet.
Gayunpaman, kailangang maging mas maingat ang mga nanay sa pagkain na kanilang kinakain lalo na sa kakulangan sa vitamin B12, omega 3, at protein. Komunsulta sa iyong doktor sa paghahanap ng tamang hakbang sa iyong diet upang mapanatiling malusog ang ina at si baby.

Matuto pa tungkol sa pagbubuntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Vegan–vegetarian diets in pregnancy: danger or panacea? A systematic narrative review, https://obgyn.onlinelibrary.wiley.com/doi/full/10.1111/1471-0528.13280, Accessed April 21, 2021

Vegetarian or Vegan and Pregnant, https://www.nhs.uk/pregnancy/keeping-well/vegetarian-or-vegan-and-pregnant/, Accessed April 21, 2021

Eating During Pregnancy, https://kidshealth.org/en/parents/eating-pregnancy.html, Accessed April 21, 2021

Vegetarianism during pregnancy: Risks and benefits, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0924224418300918, Accessed April 21, 2021

Can You Safely Have a Vegetarian Pregnancy?, https://health.clevelandclinic.org/can-you-safely-have-a-vegetarian-pregnancy/, Accessed April 21, 2021

Is It Safe To Follow A Vegan Diet During Pregnancy?, https://www.npr.org/sections/13.7/2015/08/24/434230024/is-it-safe-to-follow-a-vegan-diet-during-pregnancy, Accessed April 21, 2021

Is a vegetarian or vegan diet for you?, https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/is-a-vegetarian-or-vegan-diet-for-you, Accessed April 23, 2021

Kasalukuyang Version

05/23/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mga Pagkaing Maaaring Makasama Sa Sanggol Sa Tiyan

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Nilalagnat Ang Buntis?


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement