backup og meta

Unang Linggo ng Pagbubuntis: Lahat ng Dapat mong Malaman

Unang Linggo ng Pagbubuntis: Lahat ng Dapat mong Malaman

Ang unang linggo ng pagbubuntis ay maaaring nakalilito. Kadalasan, sa mga oras na nalaman mo nang ikaw ay buntis, ikaw ay nasa ika-4 na linggo ng iyong pagbubuntis.

Mahirap malaman ang eksaktong araw kung kailan na-fertilize ang iyong egg ngunit ang umpisa ng iyong menstrual cycle ay malinaw na malinaw. Sa ganitong rason, ang mga doktor ay kinakalkula ang iyong araw ng panganganak sa pamamagitan ng paggamit ng iyong unang araw ng huling menstrual period (LMP).

Nalilito pa rin? Huwag mag-alala. Ang kailangan mo lamang malaman ay ang iyong unang dalawang linggo ay kinokonsidera ng iyong doktor na pinaka mainam na estimation ng iyong araw ng panganganak.

Ang iyong pagbubuntis ay kadalasan na hanggang 40 linggo ngunit ang ibang mga sanggol ay maaaring handa na sa paglabas sa ika-38 na linggo habang ang iba ay maaaring maghintay hanggang ika-42 na linggo. Gayunpaman, ang iyong doktor ay hindi hahayaan na ikaw ay umabot ng mas matagal sa ika-42 linggo. Ngayong alam mo na kung paano kinakalkula ang iyong araw ng panganganak, alamin natin kung paano nagbabago ang iyong katawan.

Unang Linggo ng Pagbubuntis: Pagbabago ng Buhay at Katawan

Paano nagbabago ang aking katawan?

Sa mga oras na ito, ang iyong katawan ay naghahanda para sa ovulation. Ang ovulation ay nangyayari kung ang egg ay ma-release mula sa obaryo, ang proseso ay kadalasang nangyayari sa pagitan ng 1 hanggang 14 na mga araw matapos ang unang araw ng regla. May mga hormones na umiikot sa iyong katawan upang ihanda ang egg para ma-fertilize.

Mararamdaman mo na ang iyong mga suso ay mamamaga at magiging malambot. Maaari ka ring makaramdam ng cramps sa tiyan. Ang lahat ng ito ay mga karaniwang sintomas ng menstrual period. Sa puntong ito, ikaw ay dapat na handa na para sa fertilization ng egg na mangyayari sa 2 linggo. Markahan ang iyong kalendaryo at siguraduhin na sabihan ang iyong kapareha tungkol sa magandang balita.

Ano ang dapat kong alalahanin?

Sa linggong ito, wala kang dapat ipangamba tungkol sa kahit na ano. Ang isang bagay na dapat kang mag pokus ay ang pagpapanatili ng malusog na diet at ang patuloy na pag-inom ng prenatal vitamins. Mahalaga na kumonsumo ng sapat na dami ng vitamins, lalo na ang folic acid na mahalagang stage na ito.

Ang folic acid ay kailangan upang mabawasan ang banta ng neural tube defects (depekto sa panganganak dulot ng hindi kompletong development ng utak at spinal cord), katulad ng spina bifida. Ang nirekomendang dami sa stage na ito ay nasa 400 micrograms ng folic acid kada araw. Ang dami ay mas mataas para sa mga babaeng may history ng spina bifida.

Pagbisita sa Iyong Doktor

Ano ang dapat kong sabihin sa aking doktor?

Mahalaga na sabihin sa iyong doktor ano ang nireseta, hindi nireseta (OTC) na gamot, o herbal supplements na kasalukuyang iniinom. Ito ay dahil ang mga gamot na ito ay maaaring potensyal na makasama sa iyong sanggol.

Kung mayroong kahit na anong iniresetang gamot ng kailangan mong inumin nang regular, huwag humintong uminom nito nang hindi kinokonsulta ang iyong doktor. Ang iyong doktor ay kinakailangang timbangin ang mga potensyal na benepisyo at banta ng paghinto ng gamutan.

Mga dapat itanong sa iyong doktor:

  • Maaari ba akong patuloy na uminom ng mga niresetang gamot at over-the-counter na gamot habang buntis?
  • Ano ang dapat kong gawin bago magbuntis?
  • May mga bakuna ba akong kailangan bago magbuntis?

Anong test ang dapat kong malaman?

Upang ihanda ang iyong katawan para sa iyong sanggol, ang iyong doktor ay magsasagawa ng kabuuang eksaminasyon. Ang iyong doktor ay hihiling na magsagawa ng mga sumusunod na test:

  • Pap smear, na makatutulong makaalam ng kahit na anong anomalies na maaaring makaapekto sa tsansa ng pagbubuntis.
  • Genetic tests, na makatutulong makaalam ng posibleng genetic na sakit na maaaring maipasa sa iyong sanggol sa pamamagitan ng mana. Ang mga sakit na ito ay kabilang na ang sickle cell anemia, thalassemia, at Tay-Sachs disease.
  • Blood tests, na makaalam ng kahit na anong sexually transmitted diseases (STDs) o immunity to rubella at bulutong. Ito ay makapagsasabi kung kinakailangan mo ba ng lunas o bakuna bago magbuntis.

Ang tests na ito ay makatutulong sa iyong doktor upang mabigyan ka ng tiyak na gabay upang ihanda ang katawan para sa malusog na sanggol,

Unang Linggo ng Pagbubuntis: Kalusugan at Kaligtasan

Ano ang dapat kong malaman tungkol sa pagiging malusog at ligtas habang buntis?

Nag-iisip ka siguro ng kung ano ang dapat mong iwasan upang makasiguro ang malusog na pagbubuntis. Kung ikaw ay buntis, ang iyong immune system ay hindi na malakas kagaya noon, samakatuwid ikaw ay mas maaaring dapuan ng infections. Maaari mong kausapin ang iyong doktor tungkol sa mga bakuna na ligtas para sa iyo.

Narito ang ibang mga bakuna na maaari mong ikonsidera o tiyak na iwasan:

Measles Mumps at Rubella (MMR) vaccine

Ang tigdas ay viral infection. Ang ibang mga senyales at sintomas ay kabilang ang kaunting lagnat, ubo, sippon, na sinusundan ng makikitang mga pulang rash matapos ang ilang mga araw.

Ang beke ay nakahahawa rin na viral infection na nagiging sanhi ng salivary glands na mamaga. Kung ikaw ay mayroon ng kahit na ano rito habang nagbubuntis, ang banta ng pagkalaglag ng sanggol ay mataas. Ang rubella virus ay kilala rin sa tawag na German measles, ang mga nakikitang sintomas ay trangkaso na kadalasang sinusundan ng rash.

Nasa 85% ng mga sanggol ng ina na nagkakaroon din nito habang nasa unang trimester ay nagkakaroon ng seryosong birth defects, tulad ng pagkawala ng pandinig at intellectual disabilities. Ang bakuna na ito ay malinaw na hindi ligtas na ipaturok habang buntis. Ikaw ay tipikal na maghihintay ng 1 hanggang 3 mga buwan matapos makatanggap ng MMR na bakuna bago magbuntis. Pakiusap na konsultahin ang iyong doktor para sa mas eksaktong sukatan ng mga ito.

Chickenpox vaccine

Ang bulutong ay labis na nakahahawang viral disease na nagiging sanhi ng trangkaso at hindi komportable na makakating rash. Nasa 2% ng mga sanggol ng mga ina na nagkakaroon ng bulutong sa kanilang unang limang buwan ng pagbubuntis ay maaaring magkaroon ng birth defects, kabilang ang malformed at paralisadong limbs.

Ang nanay na nagkaroon ng bulutong sa mga panahon ng panganganak ay maaaring maipasa ang  banta sa buhay na infection sa sanggol. Ang bakuna na ito ay kinokonsidera na hindi ligtas habang nagbubuntis, at samakatuwid ay mainam na kunsultahin ang iyong doktor bago magbuntis.

Flu shot

Inirerekomenda ito ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na kumuha ng flu shot kung ikaw ay buntis. Ang flu shot ay gawa sa mga patay na virus at hindi nakasasama sa iyong sanggol. Iwasan ang nasal spray flu vaccine na gawa sa buhay na mga virus. Kumunsulta sa iyong doktor ukol dito.

Kung nagkaroon ng kahit na anong uri ng flu habang buntis, ikaw ay maaaring mas magkaroon ng seryosong komplikasyon. Kabilang dito ang pneumonia, na potensyal na may banta sa buhay at mas mapatataas ang banta ng preterm na labor. Ikaw rin ay may banta ng flu-related na komplikasyon habang nasa postpartum na panahon.

Ang bakuna sa flu ay kadalasang ligtas habang nagbubuntis. May ebidensya na nagpapatunay na ang pagkakaroon ng flu shot habang nagbubuntis ay may garantiya ng proteksyon sa iyong sanggol matapos manganak. Kung ikaw ay immune sa mga komplikasyon na ito, ang iyong bagong silang na sanggol ay hindi madaling mahawa ng flu.

Matuto ng higit pa sa pagiging buntis dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Your baby at weeks 1 and 2 http://www.whattoexpect.com/pregnancy/week-by-week/weeks-1-and-2.aspx. Accessed May 27, 2016.
Pregnancy Calendar – Week 1 http://kidshealth.org/parent/pregnancy_center/pregnancy_calendar/week1.html. Accessed May 27, 2016.
How to calculate your due date. http://www.whattoexpect.com/pregnancy/pregnancy-health/calculating-due-date.aspx. Accessed May 27, 2016.

Kasalukuyang Version

07/24/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Mga Pagkaing Maaaring Makasama Sa Sanggol Sa Tiyan

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Nilalagnat Ang Buntis?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement