backup og meta

Prenatal Yoga: Ano ang Mga Epekto Nito sa Iyong Kalusugan?

Prenatal Yoga: Ano ang Mga Epekto Nito sa Iyong Kalusugan?

Marami sa mga buntis ngayon ang interesado sa mga natural methods para manatiling malusog sa panahon ng kanilang pagbubuntis. Isa dito ang popular ngayon na prenatal yoga. Magbasa pa para matuto tungkol sa paraan ng ehersisyong ito at tingnan kung tama ito para sa iyo.

Ano ang Prenatal Yoga?

Ang yoga ay isang uri ng pisikal na aktibidad na higit pa sa regular na ehersisyo. Binibigyang-diin din ng mga practitioner ng yoga ang mga epekto ng pagsasanay sa isip at hindi lamang sa katawan. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng iba’t ibang yoga poses na sinamahan ng mga breathing techniques pati na rin ang meditation.

Ang prenatal yoga naman ay isang anyo ng yoga na partikular na idinisenyo para sa mga buntis. Ibig sabihin tinanggal ang mga ehersisyo o pose na maaaring maging potensyal na panganib sa ina at sa kanyang sanggol.

Gayunpaman, nandoon pa rin ang pagtuon sa kalusugan, pag-iisip, pagmumuni-muni, at mga breathing techniques.

Ang yoga na ito ay nagsimulang makakuha ng atensyon dahil parami ng parami ang mga ina na gustong manatiling malusog. Ang ehersisyong ito ay gumagana nang maayos dahil ito ay natural, at makakatulong ito sa mga ina na manatiling fit at malusog, pati na rin ang pagre-relax at pag-destress.

Ano ang mga Benepisyo ng Prenatal Yoga?

Ilan sa mga posibleng benepisyo ay ang mga sumusunod:

  • Improved flexibility
  • Improved strength, na makakatulong sa panganganak
  • Tumutulong na mabawasan ang pananakit ng likod sa panahon ng pagbubuntis
  • Ang mga buntis ay nagsasabi ng mas mahusay na kalidad ng pagtulog
  • Makakatulong din ito na mapababa ang stress at anxiety levels
  • Tumutulong na mabawasan ang pelvic pain
  • Limited evidence na nagpapakita ng mas kaunting mga komplikasyon sa panganganak

Bukod sa mga benepisyong ito, ang yoga ay isa ring magandang paraan upang manatiling fit at malusog kahit na pagkatapos mong manganak. Sa katunayan, kung nag-aalala ka na maaaring mahirapan kang magbawas ng pregnancy weight, maaaring makatulong ang pagpapatuloy ng prenatal yoga.

Ang isa pang benepisyo ay hindi ito nangangailangan ng anumang magarbong kagamitan upang gawin ang yoga. Maaari mo ring gawin ito sa iyong sariling tahanan. Ang kailangan mo lang ay isang espasyo kung saan maaari kang gumalaw, isang banig, at handa ka na!

Ano ang Dapat Mong Asahan?

Ang prenatal yoga ay hindi kasing tindi ng iba pang uri ng ehersisyo. Narito ang ilan sa mga bagay na kadalasang nangyayari sa yoga class:

Karaniwang nagsisimula ang klase sa mga breathing exercises. Tinutulungan nito ang mga kalahok na makapagpahinga at maihanda ang kanilang katawan para sa iba’t ibang yoga poses. Susunod, ang mga kalahok ay gagawa ng ilang simpleng stretches. Pinapabuti nito ang flexibility, at binabawasan din ang tyansa ng pananakit o injury.

Kapag tapos na ang mga iyon, magpapatuloy ang klase sa paggawa ng ilang pose. Hinihikayat ang mga kalahok na dahan-dahang lumipat mula sa isang pose patungo sa isa pa at iwasang gawin ang mga bagay nang biglaan. Nakakatulong ito na magkaroon ng lakas at flexibility pati na rin ang pagbabawas ng risk of injury.

Sa pagtatapos ng bawat sesyon ay magkakaroon ng mga cool-down na ehersisyo upang makatulong na ma-relax ang iyong mga kalamnan at kumalma. Ginagamit din ito ng ilang mga klase bilang oras para sa meditation, kaya siguraduhing sulitin ang oras na ito para mag-relax, mag calm down, at ma-destress.

Mayroon bang mga Risk?

Habang ang prenatal yoga ay halos walang risk, may ilang mahahalagang bagay na kailangan mong tandaan:

  • Siguraduhing kumunsulta muna sa iyong doktor bago gumawa ng anumang ehersisyo habang ikaw ay buntis.
  • Subukang iwasan ang anumang mga pose na maaaring magdulot ng injury o masaktan ka o ang iyong baby.
  • Huwag mag-ehersisyo ng sobra-sobra. Ang iyong pagbubuntis ay hindi panahon para magbawas ng timbang.
  • Ang prenatal yoga, hatha yoga, at restorative yoga ay ang mga anyo ng yoga na perpekto para sa mga buntis.
  • Manatiling hydrated habang nag-eehersisyo.
  • Kung nakakaranas ka ng sakit o matinding kahirapan sa paggawa ng ilang mga yoga poses, huwag pilitin ang iyong sarili.

Key Takeaways

Ang yoga ay isang magandang ehersisyo para sa mga buntis. Hindi ito kasing tindi ng iba pang uri ng ehersisyo, kaya mas ligtas ito para sa mga ina at kanilang mga sanggol.

Ito rin ay mahusay sa pagpapabuti ng fitness, pati na rin ang pag-alis ng stress at pagpapanatili ng mabuting mental health.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Impact of Prenatal Yoga Practice on Birth Outcome – Full Text View – ClinicalTrials.gov, https://clinicaltrials.gov/ct2/show/NCT03941041, Accessed March 8, 2021

Prenatal yoga: What you need to know – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/in-depth/prenatal-yoga/art-20047193, Accessed March 8, 2021

[Effects of prenatal yoga: a systematic review of randomized controlled trials] – PubMed, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/26118705/, Accessed March 8, 2021

Potential for prenatal yoga to serve as an intervention to treat depression during pregnancy, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4393850/, Accessed March 8, 2021

Prenatal Yoga :: American Pregnancy Association, https://americanpregnancy.org/healthy-pregnancy/pregnancy-health-wellness/prenatal-yoga-9208/, Accessed March 8, 2021

Kasalukuyang Version

03/16/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mga Pagkaing Maaaring Makasama Sa Sanggol Sa Tiyan

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Nilalagnat Ang Buntis?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement