Narinig na natin ang balita tungkol sa kung paano naabot ng mga ospital ang kanilang full capacities dahil sa COVID-19. Ito ay dahil sa kakulangan ng mga kama, kagamitan, at mga gamot, hindi na nila kayang tumanggap pa ng mga pasyente ng COVID-19. Ang mabuting balita, karamihan sa mga kaso ng impeksyon sa SARS-Cov2 ay mild at ang recovery ay maaaring sa bahay. Ngunit ang tanong, paano gamutin at alagaan ang COVID sa bahay? Alamin dito.
I-save ang Mahahalagang Contact Details
Kung hindi mo pa nagagawa, alamin kung paano ang pinangangasiwaan ng komunidad mo ang pinaghihinalaan at nakumpirmang kaso ng COVID.
Pinapayuhan ng ilang munisipyo ang mga symptomatic patients na makipag-ugnayan sa kanilang opisyal ng barangay. Ito ay para maitalaga sila sa isang healthcare worker. Pagkatapos ay tutulungan sila ng healthcare worker sa kanilang mga pangangailangan. Sila rin ang gagabay sa kanila sa pamamagitan ng testing, isolation, o paglipat sa isang ospital.
Makakatulong din na matukoy kung ang lugar mo ay may nakalaang quarantine facility. Lalo na kung may kasama ka sa bahay na nasa panganib na magkaroon ng matinding impeksyon.
Nakatutulong ang pagsunod sa mga social media account ng iyong munisipyo at pag-save ng kanilang mga contact number. Pati na rin ang mga numero ng pinakamalapit na healthcare facilities. Ito ay kung sakaling magkasakit ka ng mild o severe COVID.
Ihanda ang Essentials
May sakit man o wala, hindi makakasama sa iyo na mag-stock ng mga sumusunod na mahahalagang bagay:
- Pagkain at tubig; isama ang mga sangkap para sa masustansyang pagkain at mga pagkaing gusto mo at ng iyong pamilya kahit na may sakit
- Mga gamit sa bahay, lalo na para sa paglilinis at disinfection
- Mga gamot at supplements
- Thermometer
- Pulse oximeter
- Masks
- Paraan para kumonsulta sa doktor (telepono o internet) at makipag-ugnayan sa iba, para alertuhan sila na kailangan mo ng tulong.
Paano alagaan ang Mild na Sintomas ng COVID sa Bahay
Kung sakaling magkaroon ka ng banayad na sintomas ng COVID tulad ng lagnat, pananakit ng katawan, ubo, pananakit ng lalamunan, at sakit ng ulo, gawin ang sumusunod:
Manatili sa bahay
Huwag pumasok sa trabaho kahit na sa tingin mo ay kaya mo.
Sa bahay, mag-isolate sa isang kwarto sa lahat ng oras. Bagama’t ang shared spaces ay hindi mainam lalo na kung may kasama sa bahay na mahina ang kalusugan. Kung hindi ito maiiwasan, magsuot ng surgical mask kung kailangan mong nasa paligid ng mga tao at panatilihin ang distansya. Huwag magbahagi ng mga kagamitan at ipadala ang iyong pagkain sa iyong silid sa oras ng pagkain. Kung ang iyong bahay ay may dalawang banyo, ilaan ang isa sa iyong sarili. Kapag hindi maiiwasan ang sharing ng banyo, kailangan ang disinfection pagkatapos mong gamitin ito. Gayundin, huwag kalimutan ang regular na paghuhugas ng kamay at disinfection.
Ngayon, kung nag-iisa ka, mag-aarange ng no-contact delivery para sa iyong mga pangangailangan. Sa ilang lugar, tumutulong ang mga opisyal ng barangay.
Magpahinga ng marami
Ang isa sa mga bagay na maaari mong gawin kung paano alagaan ang COVID sa bahay ay ang pagkakaroon ng maraming pahinga. Ang pagpapahinga at pagkakaroon ng sapat na tulog ay nakakatulong sa iyong katawan na labanan ang impeksyon.
Manatiling hydrated
Ang pag-inom ng maraming likido ay nakakatulong na matugunan ang ilan sa mga banayad na sintomas ng COVID sa bahay.
Kung may lagnat ka, pinapalitan ng tubig ang mga likidong nawawala sa iyo sa pamamagitan ng pagpapawis at nakakatulong ito sa pag-aalis ng tubig. Ang maligamgam na tubig ay maaari ring paginhawahin ang tuyong ubo at pagsisikip ng ilong sa pamamagitan ng pagbasag ng mucus.
Gawin ang pagsipsip ng tubig sa buong araw.
Tandaan:
Iwasan ang mga matatamis na inumin at mga inuming may caffeine. Gayunpaman, maaari kang magdagdag ng isang kutsarita ng pulot na may isang tasa ng tsaa o tubig upang mabawasan ang iyong namamagang lalamunan.
Kumain ng masusustansyang pagkain
Kahit na mawala ang iyong panlasa at pang-amoy, napakahalaga na kumain ng masustansyang pagkain.
Kung ikaw ay nag-iisa at may kakayahan, i-consider ang paghahanda ng mga batch ng pagkain, para hindi mo na kailangang magluto. Kung hindi, hilingin sa ibang miyembro ng pamilya na ihanda ang iyong mga pagkain.
I-consider ang mga OTC medicines at supplements
Panghuli, maaari mong isaalang-alang ang mga over-the-counter na gamot at suplemento pagkatapos ng rekomendasyon ng iyong doktor sa pamamagitan ng online na konsultasyon o telemedicine.
- Para sa lagnat, sakit ng ulo, at pananakit ng katawan, maaari kang uminom ng acetaminophen o paracetamol.
- Sa pag-ubo, depende. Maaaring kailanganin ng tuyong ubo ang expectorant o mucolytic (guaifenesin); sa basang ubo, maaaring mangailangan ng cough suppressant (dextromethorphan). Ang ilang brand ay naglalaman ng parehong sangkap.
- Kailangan natin ng higit pang pag-aaral para patunayan ang pagiging epektibo ng mga ito laban sa COVID-19, ngunit ang ilang ulat1,2 ay nagpapahiwatig na ang Vitamin C at D ay maaaring makatulong. Pag-isipang kunin ang mga ito dahil karaniwang nakakatulong sila sa pagpapalakas ng immune system sa panahon ng viral illnesses.
Mahalaga: Maraming gamot sa sipon ang naglalaman ng paracetamol; kapag ganoon, huwag inumin ang paracetamol ng hiwalay. Bukod pa rito, huwag uminom ng anumang antibiotic maliban kung pinapayuhan ka ng doktor mo.
Magsagawa ng self-monitoring
Kung paano alagaan ang COVID sa bahay, kailangan mong masusing i-monitor ang mga signs at symptoms sa pamamagitan ng:
- Pagkuha ng temperature mo at mga pagbabasa ng pulse oximeter isang beses o dalawang beses araw-araw o kung kinakailangan.
- Pagkakaroon ng symptoms diary. Tandaan kung mayroon kang paulit-ulit o patuloy na lagnat sa ika-2 linggo.
- Paglilimita sa paggawa ng light activities dahil sa labis na pagkapagod at hirap ng paghinga. Ito ay para malalaman mo kung nakakaranas ka ng sobrang pagkapagod at pangangapos ng hininga kahit na hindi ka gumagawa ng mga magaan na aktibidad.
Mahalaga ang self-monitoring lalo na sa mga matatanda at mga may comorbidities.
Kailan Dapat Humingi Agad ng Tulong Medikal
Ang mga rekomendasyon sa itaas ay para lamang pamahalaan ang mild symptoms ng COVID. Tumawag kaagad para sa tulong medikal, o hilingin sa kasama sa bahay na gawin ito, kung nararanasan mo ang sumusunod:
- Problema sa paghinga
- Patuloy na pressure o sakit sa dibdib
- Walang kakayahang magising o manatiling gising
- Bagong kalituhan
- Maputla, kulay abo, o bluish na kulay ng mga labi at nailbeds.
Panghuli, huwag alagaan ang COVID sa bahay kung nasa panganib ka ng matinding impeksyon. Ang mga kondisyon na naglalagay sa iyo sa panganib ay kinabibilangan ng advanced age, mga sakit sa puso, obesity, at cancer. Sa mga kasong ito, mahigpit na kailangan ang gabay ng isang doktor.
Pagtatapos ng Quarantine
Sa pagtatapos ng quarantine, kailangan mong sundin ang mga guidelines na itinakda ng iyong municipality. Bagama’t hindi na ginagawa ang muling pagti-test, madalas na hinihiling sa iyo ng mga munisipalidad na kumpletuhin ang 14 na araw na quarantine mo. Maaaring kailanganin na symptoms-free ka ng ilang takdang araw bago ka payagan ng mga health authorities na lumabas muli.