backup og meta

Halamang Ornamental Na Maaaring Gamiting Gamot, Alamin Dito?

Halamang Ornamental Na Maaaring Gamiting Gamot, Alamin Dito?

Marami ang naging plantito at plantita sa panahon ng pandemya. Higit sa pagiging mistulang libangan habang nasa bahay, maraming benepisyong hatid ang paghahalaman sa pisikal at mental na kalusugan. Ngunit, alam mo ba na bukod sa pagpapaganda ng iyong bakuran, maraming mga halamang ornamental ang may hatid na benepisyong pangkalusugan? Ibabahagi ng artikulong ito ang ilan sa mga ito. 

Bagama’t karaniwang ginagamit ang mga halamang gamot sa medisina at pagluluto, maaari rin ituring ang mga ito bilang halamang ornamental. Ang mga ito ay maaaring magbigay ng iba’t ibang mga kulay, texture, amoy, at bulaklak, na siyang nagsisilbing magandang karagdagan sa kabuuang appeal ng iyong tirahan. 

Narito ang mga halamang ornamental na maaari mong idagdag sa iyong lumalaking hardin:

Basil 

Isa sa karaniwang halamang ornamental na madalas nilalagay bilang palamuti sa ibabaw ng pagkain ang basil. Ngunit, maaari rin itong gamitin bilang essential oil o halamang gamot. 

Tradisyunal itong ginagamit bilang gamot sa mga sumusunod:

  • Kagat ng ahas
  • Sipon
  • Pamamaga sa nasal passages

Bukod pa rito, nagtataglay ito ng maraming antioxidants tulad ng anthocyanins and beta carotene. Ayon sa isang pagsusuri, ang phytochemical sa holy basil ay maaaring makatulong sa pag-iwas ng ilang uri ng kanser sa balat, atay, bibig, at baga

Cilantro

Madaling mapalaki ang cilantro, o coriander, sa bahay mula sa pagtatanim lamang ng mga buto nito. Katulad ng basil, ang cilantro ay kadalasan ibinubudbod sa mga Latin at Southeast asian dishes. 

Iminumungkahi ng mga pag-aaral sa hayop na ang mga buto nito ay maaaring nagpapababa ng blood sugar. Ito ay sa pamamagitan ng pagtataguyod ng enzyme activity na siyang  tumutulong tanggalin ang asukal sa dugo. Dagdag pa rito, ilang animal and test-tube studies din ang nagsasabi na mainam ang cilantro upang mapababa ang risk factors para sa sakit sa puso, tulad ng altapresyon at mataas na antas ng bad cholesterol. 

Peppermint

Isa pang halamang ornamental na maaaring kilala mo dahil sa natatanging amoy at lasa nito ang peppermint. 

Ayon sa National Center for Complementary and Integrative Health, ang peppermint ay isinusulong bilang gamot sa mga sumusunod na kondisyon:

  • Irritable bowel syndrome at iba pang digestive problems
  • Sipon 
  • Sinus infections
  • Sakit ng ulo 

Bukod pa rito, kadalasan ginagamit ang peppermint oil bilang essential oil na inilalapat sa balat para sa sakit ng ulo, pananakit ng muscles at mga kasukasuan, at maging pangangati. Sa aromatherapy, ginagamit ito sa mga sumusunod na dahilan:

  • Paggamot sa ubo at sipon
  • Pagbawas ng sakit
  • Pagpapabuti ng mental function
  • Pagbawas ng stress

Chamomile

Maaaring pamilyar ka sa halamang ornamental na ito dahil kadalasan itong inaaalok bilang tsaa.

Ang ilang mga paunang pag-aaral ay nagmumungkahi na ang chamomile bilang dietary supplement ay maaaring makatulong para sa generalized anxiety disorder. Natuklasan din ng ilang mga pag-aaral na ang mga produktong naglalaman ng kombinasyon na mga halamang gamot, kabilang na ang chamomile, ay maaaring maging kapaki-pakinabang para sa sirang tiyan, pagtatae sa mga bata, at para sa may colic na mga sanggol. Ngunit, ang mga nasabing mabuting epekto ng chamomile sa ilang mga partikular na kondisyon ay hindi nakikita sa chamomile lamang.

Lavender

Panghuli sa listahan ng mga halamang ornamental na ito ang lavender na tanyag dahil sa mahalimuyak na amoy nito. Nagtataglay ito ng mga flavonoids at coumarin na parehong may anti-inflammatory at antioxidant properties. 

Ilan sa mga potensyal na benepisyo ng lavender ang mga sumusunod:

  • Nagkakaroon ng mabuting pagtulog
  • Nababawasan ang pananakit at pamamaga
  • Naiibsan ang menstrual pain
  • Nakatutulong sa mood, anxiety, at depression
  • Nakapapatay ng mga nakakapinsalang virus at bacteria
  • Nababawasan ang mga sintomas ng colic
  • Nakatutulong sa paggaling ng sugat

Key Takeaways

Maraming mga halamang ornamental na may iba’t ibang pangkalausugang benepisyong taglay. Mainam kung ikokonsidera ang mga nabanggit bilang mga bagong dagdag sa iyong patuloy na lumalaking hardin.

Alamin ang iba pa tungkol sa Halamang Gamot dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Chamomile, https://www.nccih.nih.gov/health/chamomile, Accessed July 13, 2022

Peppermint Oil, https://www.nccih.nih.gov/health/peppermint-oil, Accessed July 13, 2022

How Lavender Can Improve Your Health, https://health.clevelandclinic.org/health-benefits-of-lavender/, Accessed July 13, 2022

Ornamental Herbs for Iowa, https://hortnews.extension.iastate.edu/1999/6-18-1999/ornherb4ia.html, Accessed July 13, 2022

The benefits of gardening and food growing for health and wellbeing, https://www.researchgate.net/publication/263117318_The_benefits_of_gardening_and_food_growing_for_health_and_wellbeing, Accessed July 13, 2022

Antioxidant and antimicrobial properties of traditional green and purple “Napoletano” basil cultivars (Ocimum basilicum L.) from Campania region (Italy) – Gian Carlo Tenore, Pietro Campiglia, Roberto Ciampaglia, Luana Izzo, Ettore Novellino, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/28025898/, Accessed July 13, 2022

Ocimum sanctum L (Holy Basil or Tulsi) and its phytochemicals in the prevention and treatment of cancer – Manjeshwar Shrinath Baliga, Rosmy Jimmy, Karadka Ramdas Thilakchand, Venkatesh Sunitha, Neeta Raghavendra Bhat, Elroy Saldanha, Suresh Rao, Pratima Rao, Rajesh Arora, Princy L Palatty, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/23682780/, Accessed July 13, 2022

Evaluation of the chemical composition, antioxidant and anti-inflammatory activities of distillate and residue fractions of sweet basil essential oil – Hailong Li, Yanhui Ge, Zhimin Luo, Yulan Zhou, Xuguang Zhang, Junqing Zhang, and Qiang Fu, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5495712/, Accessed July 13, 2022

Coriandrum sativum — mechanism of hypoglycemic action, V. Chithra, S. Leelamma, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0308814699001132, Accessed July 13, 2022

Coriander fruit exhibits gut modulatory, blood pressure lowering and diuretic activities – Qaiser Jabeen, Samra Bashir, Badiaa Lyoussi, Anwar H Gilani, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/19146935/, Accessed July 13, 2022

Indian Spices for Healthy Heart – An Overview, Hannah R Vasanthi and R.P Parameswari, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3083808/, Accessed July 13, 2022

Kasalukuyang Version

04/11/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Gamot sa Sakit ng Ulo na Herbal, Alamin Dito!

Halamang Gamot Para Sa Arthritis: Heto Ang Mga Dapat Mong Subukan


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement