Kilala rin bilang bitter melon o bitter gourd, ang pang-agham na pangalan ng ampalaya ay Momordica charantia. Ang mga tropikal na rehiyon tulad ng Timog-silangang Asya at ang Caribbean ay ang lugar na lumalaki ang halamang ito. Tulad ng pangalan, ang ampalaya ay may mapait na lasa. Sa katunayan, marami ang naniniwala na ito ay isa sa mga pinaka-mapait na gulay sa buong mundo. Gayunpaman, ang dahon ng ampalaya ay ‘nakapagpapagaling at natatabunan ang hindi kanais-nais na lasa nito
Ang ampalaya ay lumalaki sa buong Pilipinas, lalo na sa mga bulubunduking rehiyon. Ang crawling vine na ito ay maaaring lumaki hanggang 5 metro.
Gamit
Ang mga extract ng ampalaya ay epektibong makabawas ng glucose ng dugo dahil naglalaman ito ng polypeptide-P, isang sangkap na tulad ng insulin.
Paano ito ginagamit?
Karaniwan, ang ampalaya ay pinapares sa karne, gulay, at mga pampalasa. Bilang kahalili, maaari itong gawing tsaa sa pamamagitan ng pagluluto ng mga dahon nito at dahil sa mapait ang lasa nito ginagawa itong pulbos at inilalagay sa mga kapsula upang maging kaaya-aya ang pagtingin rito.
Mga pag-iingat at babala
Kapag kumukuha ng mga dahon ng ampalaya, ubusin lamang ang mga ito sa tamang halaga. Ang maximum na dami ng juice mula sa sariwang dahon nito ay isa lamang tasa sa bawat araw.
Gaano kaligtas ang ampalaya?
Kung kinakain bilang bahagi ng isang ulam, kadalasan ito ay ligtas. Gayunpaman, kapag kinuha na ang layunin ay para sa pagpapagaling, kumonsulta sa iyong doktor.
Hypoglycemic Effect
Ang sobrang paggamit ng mga dahon ng ampalaya ay maaaring magresulta sa hypoglycemia. Tandaan na ang ampalaya ay naglalaman ng isang sangkap na tulad ng insulin, kaya’t tingnan ang mga sintomas ng mababang asukal sa dugo tulad ng pagkahilo, pagkamayamutin, at pagkaligalig.
Allergic reaction
Kung nakakaranas ka ng pangangati ng balat o rashes pagkatapos kumain ng ampalaya, kumonsulta sa iyong doktor. Para sa kahirapan sa paghinga, itigil agad ang paggamit ng dahon ng ampalaya at humingi ng medikal na tulong. Maaaring ito ay isang indikasyon ng isang allergic reaction sa alinman sa mga bahagi ng halaman ampalaya.
Mga espesyal na pag-iingat at babala
Ang mga pag-aaral ay nagpapakita na ang mapait na bahagi ng mga dahon ng ampalaya ay maaaring maging sanhi ng kusang pagpapalaglag o pagkakunan ng sanggol. Kung ikaw ay isang umaasang maging ina, huwag ubusin ang herbal na gamot na ito.
Mga epekto
Sa pangkalahatan, ang prutas at dahon ng ampalaya ay ligtas na kainin bilang mga sangkap sa pagluluto. Pagdating sa paggamit ng mga dahon ng ampalaya bilang herbal na gamot, may ilang mga rekomendasyon na dapat susundin. Ang susi dito ay inumin ang halamang gamot na ito sa moderasyon.
Para sa mga taong may diabetes at kasalukuyang umiinom ng mga gamot, huwag palitan ang mga ito ng mga produkto o pagkain ng ampalaya. Ang ampalaya ay may kakayahang babaan ang asukal sa dugo, gayunpaman, hindi ito maaaring pamalit sa mga gamot sa mas advanced na diabetes. Makipag-usap sa iyong doktor bago magdagdag ng ampalaya sa iyong diet o sa iyong mga regimen na gamot.
Ang isang normal na epekto para sa ilang mga gumagamit ay may kasamang kapansin-pansing pagtatae o pagdumi.
Gayunpaman, kahit na hindi ka nakakaranas ng anumang mga epekto, hindi ito nangangahulugan na walang epekto. Ang mga may diabetes ay lubos na hinihikayat na itanong sa kanilang doktor ang paggamit ng dahon ng ampalaya bago ito maging isang alternatibong medikal na paggamot.
Mga Pakikipag-ugnayan
Kung ikaw ay sumasailalim isa gamutan dahil sa diabetes, mga problema sa puso, o hypertension, ang paggamit ng mga dahon ng ampalaya bilang isang kapalit ay maaaring magkaroon ng masamang epekto sa pagiging epektibo ng iyong kasalukuyang gamot. Ang herbal na gamot ay maaaring magpalubha o humadlang sa epekto nito. Kumonsulta sa iyong doktor bago gamitin ang anumang herbal na gamot.
Para sa mga buntis at pagpapasuso ng mga ina, may mga pag-aaral na nagpapahiwatig ng abortive na pagkilos ng mga dahon ng ampalaya, lalo na kapag uminom sa malalaking dosis. Kung ikaw ay buntis, huwag kumuha ng higit sa kung ano ang aktwal mong ubusin bilang pagkain.
Dosis
Ang impormasyong ibinigay ay hindi kapalit ng medikal na payo. Laging kumonsulta sa iyong herbalist o doktor bago gamitin ang gamot na ito.
Ano ang karaniwang dosis para sa mga dahon ng ampalaya?
Bilang isang uri ng herbal tea, maaari mong gamitin ang mga dahon ng ampalaya, buto, at mga bulaklak. Ilagay ito sa 4 tasa ng tubig na kumukulo ng hindi bababa sa 10 minuto. Itabi at i-strain pagkatapos lumanig. Maaari mong inumin ang tsaa na ito sa isang tasa sa isang araw.
Ang ampalaya supplement ay magkahalong prutas, buto at dahon. Ang sunod na hakbang ay pagpapatuyo at pagdurog, maaring dagdagan ng ilan pang mga halamang gamot. Ang mga napulbos na ampalaya ay inilalagay sa kasula o sa mga inumin. Ang mga dahon, buto at bulaklak ay importante, gumamit lamang kalahating dosis kaysa sa mga tsaa.
Bilang kahalili, gumamit ng sariwang dahon ng ampalaya upang gumawa ng juice. Uminom ng isang kutsara bawat araw upang epektibong pamahalaan at mapabuti ang glucose para sa paggamot ng diabetes.
Ano-ano ang mga anyo ng ampalaya?
Ang katas ng ampalaya ay maginhawang magagamit sa mga tabletas, kapsula, o tsaa. Maaari mong mahanap ang mga produktong ito sa mga tindahan ng halamang gamot at mga tindahan ng pagkain na pangkalusugan.
Ang mga sariwang dahon ay maaari ring gawing juice, habang ang tuyo na dahon ay maaaring ilagay sa mainit na tubig at inumin tulad ng tsaa.
Pinakamainam na makipag-usap sa iyong doktor para sa pag-apruba.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.