Ang tanglad o lemongrass ay tumutubo sa maraming parte ng bansa. Ito ay isang halaman na may mataas, manipis na mga dahon at may amoy na lemon o citrus. Hindi lang ito ginagamit sa pagluluto, ngunit marami rin na pinapakuluan ang mga dahon o tangkay nito upang gumawa ng relaxing na tsaa. Narito ang ilang mga potensyal na benepisyo ng tanglad.
1. Maaaring magpagaling ng jaundice
Nabanggit ng isang pag-uulat na ang liquid mula sa pinakuluang tangkay (na walang ugat o tips) ay maaaring gumamot sa jaundice.
Upang ihanda, kailangan mo ng tangkay, pakuluan hanggang sa ang volume ng tubig ay bumaba sa ⅓ ng dami nito. Inumin ito tatlong beses kada araw.
Mahalagang Tandaan
Kung nakararanas ng jaundice, ikaw ay may kondisyon na kailangan ng gamutan. Mainam na magpatingin sa doktor para sa maayos na assessment at lunas.
2. Naglalaman ito ng maraming antioxidants
May naitala mula sa American Chemical Society Publications na nagsasabi na ang infusions at pagpapakulo ng tanglad ay may “free radical scavenging antioxidants.” Ang free radicals ay mga substance na maaaring maging sanhi ng karamdaman.
3. Mayroon itong anti-inflammatory properties
Nabanggit ng The Memorial Sloan Kettering Cancer Center na ang tanglad ay naglalaman ng geraniol at citral compounds na may anti-inflammatory properties.
Tandaan na ang inflammation ay kaugnay ng maraming karamdaman, kabilang na ang stroke, cardiovascular ailments, at arthritis.
4. Maaaring mayroon itong antibacterial properties
Isa sa mga posibleng benepisyo ng tanglad ay ang antibacterial properties
Sa isang pag-uulat na may pamagat na, Antimicrobial activity of commercially available essential oil against Streptococcus mutans, ang mga mananaliksik ay nagsabi na ang oil ng tanglad ay “nagpapakita ng antibacterial property laban sa S. mutans.”
Tandaan na ang S. mutans ay karaniwang may sala para sa nabubulok na ngipin. Para sa rason na ito, ang pag-inom ng tanglad na tsaa ay makatutulong sa oral cavities at infection.
5. Nakapagpapagaan ng gastric ulcers
Sa ulat noong 2021 “nakumpirma” ang tradisyonal na paggamit ng tanglad para sa paggamot ng gastric ulcers. Gayunpaman, tandaan na ang pananaliksik ay mula sa lab study sa rodents, at nakatuon sa essential oil ng tanglad.
Gayunpaman, dahil ang essential oils ay mula sa extract ng halaman, ang baso ng tanglad na tsaa ay maaaring may pakinabang din para sa gastric ulcers.
6. Nakatutulong sa mataas na cholesterol
Isa sa mga potensyal na benepisyo ng tanglad ay ang benepisyo nito sa kalusugan sa puso.
Sinabi ng pag-uulat na ang mataas na lebel ng cholesterol sa mga hayop ay bumaba matapos makatanggap ng lemongrass plant extract. Ang epekto nito ayon sa mga mananaliksik ay dose-dependent.
7. Maaaring magpababa ng blood pressure
Sa isang obserbasyon na pag-aaral na kabilang ang 72 na kalahok ay napag-alaman na ang tanglad ay makatutulong sa hypertension.
Sa pag-aaral, ang mga kalahok ay nakatanggap ng green tea o tanglad na tsaa. Ang mga nakatanggap ng tanglad na tsaa ay nakaranas ng mababang heart rate at systolic pressure (numero sa itaas). Gayunpaman, naranasan din nila ang katamtamang pagtaas sa kanilang diastolic pressure (numero sa ibaba).
Benepisyo ng Tanglad: Mga Dapat Tandaan
Ang tanglad ay tsaa na ligtas kung hindi sosobra. Maaari kang maghanda ng tsaa sa pamamagitan ng pagpapakulo ng 1 hanggang 3 kutsara ng dahon o 1 hanggang 2 piraso ng stalks (1 hanggang 2 pulgada) sa isang bagong tubig. Ibabad sa loob ng 5 minuto, i-strain at i-enjoy.
Bilang alternatibo, maaari kang bumili ng tuyot na dahon ng tanglad o tanglad tea bags.
Bagaman pangkalahatan na ligtas, pakiusap na konsultahin muna ang iyong doktor kung nagpaplano na gamitin ito upang lunasan ang kondisyon. Kailangan din ng konsultasyon kung ikaw ay umiinom ng mga gamot o buntis.
Key Takeaways
Huwag kalimutan na konsultahin muna ang iyong doktor kung nagpaplano na gumamit ng tanglad bilang gamot sa iyong kondisyon.
Matuto pa tungkol sa Halamang Gamot at Alternatibo dito.