Ang Synsepalum dulcificum na kilala sa tawag na miracle fruit o miracle berry ay kilala bilang sweetening agent na nagpapatamis sa mga maasim. Maaaring ito ay sweetening agent, ngunit ang miracle fruit ay walang lasa at ang pampatamis nito ay kapareho ng asukal. Gayunpaman, hindi ito kinokonsiderang additive at natural non-caloric sweetener. Kaya’t ano ang benepisyo ng miracle fruit na ito?
Bakit Ginagamit ng mga Diabetics at Cancer Patients ang Miracle Berry
Nakikinabang ang mga nangangailangan ng low-calorie sa miracle berry. Bilang isang sweetening agent, ito ay nirerekomendang kainin bago kumain ng iba pang pagkain. Halimbawa, ang ilang ginawa na low-calorie cakes para sa commercials ay may citric acid na sangkap. Matapos kumain ng miracle fruit, malalasahan na ang tamis ng cake kahit na walang sugar additive na inihalo.
Ang maaasim na pagkain ay maaaring maging lasang matamis sa miracle fruit dahil sa miraculin extract nito. Ang miraculin ay taste receptor na nagco-coat at contracts sa sweet tongue at taste buds. Sa gayon, lahat ng acidic o maasim na pagkain ay maglalasang matamis sa susunod na isa’t kalahating oras. Ito ay nakatutulong sa cancer patients at diabetics dahil natatakpan nito ang hindi kanais-nais na lasa ng gamot.
Maliban sa miraculin, ang miracle fruit ay mayaman din sa Bitamina C, leucine, at flavonols. Ang ilang pag-aaral ay nagsasabing ang miracle fruit ay hindi lang nagpapabago ng lasa; ito rin ay may antioxidant, antibacterial, at anticancer properties. Kaya’t marami ang benepisyo ng miracle fruit.
Ang halaman na miracle fruit ay karaniwang tumutubo sa West Africa at Florida, ngunit kilala rin na tumutubo rito sa Pilipinas.
Benepisyo Ng Miracle Fruit: Anu-Ano Nga Ba?
Para sa cancer patients
Nakikinabang ang mga cancer patients na sumasailalim sa chemotherapy sa miracle fruit dahil nawawala ang panlasa nila sa gamot na ginagamit upang lunasan ang kanilang kondisyon. Ang side effects na ito ay tumatagal lang ng ilang buwan, ngunit ang iba ay hindi na naibabalik ang kanilang panlasa kinalaunan.
Sa kasong ito, ang miracle fruit ay inirerekomenda upang makatulong na mapabuti ang panlasa ng mga cancer patients. Gayunpaman, ang pagiging matamis nito ay ang kaisa-isang flavor na malalasahan sa kahit na anong pagkain.
Para sa diabetic na pasyente at mga taong nais magbawas ng timbang
Nakita rin ng ilang mananaliksik ang potensyal na gamit ng miracle fruit bilang medical application upang pigilin ang obesity epidemic. Alam natin na isa sa mga sanhi ng obesity ay ang pagkonsumo ng maraming mga matatamis na pagkain. Upang tugunan ang problemang ito, ang miracle fruit ay maaaring gamitin bilang pamalit para sa artificial sweeteners dahil sa pagkakaroon nito ng low-calorie properties. Nakatutulong din ito sa insulin resistance ng mga may diabetes dahil nakapagbibigay ito ng tsansa sa kanila na kumain o kumonsumo ng matamis na pagkain.
Karagdagan, ang pulp ng miracle fruit ay mas may pakinabang kasama ng yogurt. Ayon sa pag-aaral, ang pulp ng prutas na ito ay may mas mataas na anti-diabetic property kaysa sa standard na gamot para sa paglunas ng diabetes na kilala sa tawag na acarbose. Ang mixture ng miracle fruit pulp at yogurt ay nagpapakita ng mas mainam na benepisyo.
Para sa sumasailalim sa chemotherapy
Sa kabilang banda, ang antioxidant property ng miracle fruit ay may benepisyo sa mga gumagamit ng chemotherapeutic drugs. Ito ay nakatutulong upang mapabuti ang epekto ng gamot at nakapagbabawas rin ng side effects ng gamot sa mga pasyente. Kabilang dito ang pagkahilo, pagsusuka, at pagkakaroon ng abdominal o pelvic tumors, at mutagenesis.
Ilang benepisyo ng miracle fruit
Ang ilang pag-uulat ay nakapagsabi na ang miracle fruit ay nagpapababa ng lebel ng alcohol na nakapagbabawas ng hangovers. Maliban sa maaasim na prutas, ang mapapait na inumin, tulad ng mga alak ay maaari ding mapatamis ng miracle fruit coats bago inumin.
Ano Ang Banta Ng Paggamit Ng Miracle Fruit?
Maraming benepisyo ang miracle fruit para sa mga taong may medikal na kondisyon ngunit may mga banta pa rin nito.
Narito ang ilang mga banta:
Karamihan ng mga native na tao ay karaniwang gumagamit ng miracle fruit upang mapatamis ang kanilang pagkain. Gayunpaman, ito rin ay alalahanin dahil ito ay prutas mula sa halaman na may low-calorie. Kaya’t may epekto ito sa konsumo ng calorie ng mga tao na karaniwang ginagamit ang prutas na ito upang lunasan ang kanilang kondisyon sa kalusugan.
Noong 1970s, ang Food and Drug Association ay itinanggi ang gamit ng miracle fruit dahil ito ay kulang sa siyentipikong pag-aaral upang patunayan ang benepisyo. Gayunpaman, iba ang sinabi ng pag-aaral kamakailan, maraming mga positibong resulta na tumutukoy sa benepisyo ng properties ng miracle fruit sa ating kalusugan.
Sa pagkonsumo ng miracle fruit, ang mga tao ay maaaring sumobra sa pag-inom ng acidic o maaasim na inumin. Ang tendensiya na ito ay maaaring mag-agitate sa digestive system at maaaring humantong sa ilang karamdaman at komplikasyon, lalo na kung may kasalukuyang medikal na kondisyon.
Paano Ikokonsumo Ang Miracle Fruit?
May iba’t ibang paraan ng pagkonsumo ng miracle fruit. Ang pinaka-basic ay lagyan ang labi ng katas ng berry, hayaan ito sa bibig bago lunukin upang umepekto.
Isa pang paraan upang ikonsumo ang miracle fruit ay sa paggamit ng foam. Ito ay karaniwang ginagamit bilang garnish ng cocktails o kahit na anong dip. Ang miracle berries ay kailangan na freeze-dried upang makagawa ng foam mula rito. Tulad ng pangunahing gamit nito, kailangan na ito ay ipares sa maaasim na pagkain at inumin.
Key Takeaways
Ang miracle fruit ay tinatawag ding miracle berry, ito ay nakapagbibigay ng maraming benepisyo sa ating kalusugan. Ang miracle fruit ay maaaring may pakinabang sa mga cancer patients, diabetic people, at mga taong nag di-diet. Maliban dito, ang mga taong gustong-gusto na pumupunta sa mga flavor-tripping parties ay maaaring mag-enjoy sa iba’t ibang karanasan sa mga maaasim na pagkain dahil ang miracle fruit ay nakapagpapatamis ng maasim na pagkain.
Kausapin ang iyong doktor sa mga inaalala tungkol sa paggamit ng miracle berry.
Matuto pa tungkol sa Halamang Gamot at Alternatibo rito.