backup og meta

Vitamins Na Pampataba Sa Babae: Heto Ang Dapat Tandaan

Vitamins Na Pampataba Sa Babae: Heto Ang Dapat Tandaan

Madalas na naririnig natin sa mga pagtitipon ang mga tanong na. “Girl, tumataba ka. Anong vitamins mo?” Kapag naman ikaw ay sobrang payat, asahan mong sasabihin sa iyo na uminom ka ng vitamins para tumaba ka naman. Sa kabilang banda naman, mayroon nga ba talagang vitamins na pampataba sa babae? Kung oo, ano-ano ang mga vitamins na ito?

Batay sa mga ulat, ang vitamins ay hindi talaga ang dahilan ng pagtaba ng isang tao. Maaaring mas maiging sabihin na ang mga ito ay nakatutulong na mabigyan ang isang tao ng sapat na nutrisyon upang gumana nang maayos ang ating katawan. Nakaaapekto rin  ito sa iyong metabolism na nagkokontrol sa iyong timbang.

Sanhi ng Pagbaba ng Timbang

Ang pagbaba ng timbang ng isang babae ay maaaring normal lamang dahil sa kanyang paraan ng pamumuhay o hindi kaya ay mas seryosong dahilan.  Ilan sa mga posibleng sanhi ay  ang mga sumusunod:

  • Eating disorder
  • Namana ang timbang sa pamilya
  • Problemang pangkalusugan na nakaaapekto sa metabolism
  • Kawalan ng gana dahil sa stress o sakit
  • Mga gamot na iniinom na nagdudulot ng pagduduwal o kawalan ng gana
  • Sobrang pag-e-ehersisyo
  • Katandaan
  • Problema sa pagnguya
  • Diabetes
  • Hyperthyroidism

Paraan upang Madagdagan ang Timbang

Bagamat nakatutulong ang mga vitamins sa pagbibigay ng sapat na nutrisyon upang maging maayos ang timbang ng isang babae, mahalaga pa rin na maging maaayos din ang paraan ng pamumuhay.

Kumain ng madalas

Kung ikaw ay kulang sa timbang, madalas mong nararamdaman na ikaw ay busog na. Ang mabuting gawin ay imbes na kumakain lamang ng dalawa hanggang tatlo, kumain nang higit dito.

Maaaring magkaroon ng oras para sa meryenda, bago matulog o sa kalagitnaan. Subukan ang mga prutas o tinapay.

Pumili ng Pagkaing Masustansya

Ang pagkain ng mga masusustansyang pagkain ay makatutulong upang maging malusog at maayos ang proses sa iyong katawan. Maaaring kumain ng whole-grain na tinapay, cereal, mga prutas at gulay at iba pang masustansyang pagkain.

Magdagdag sa Kinakain

Ang simpleng pagkain ay maaaring dagdag pa upang magkaroon ng higit pang calorie. Maaring ang pagkaing ito ay tulad ng itlog, keso, mga sabaw at iba pa. Isang halimbawa ay ang pagkain ng sinangag na kanin na mayroong kaunting itlog, sa halip na plain rice lamang.

Mag-ehersisyo

Nakatutulong ang pag-e-ehersisyo upang mapagtibay at mapalakas ang mga kalamnan. Pinapagana rin nito ang iyong pagkain.

Masustansyang Pagkain para sa Mabilis at Ligtas na Pagtaba

Mahalagang tandaan na hindi dapat taba ang idinadagdag upang ikaw ay tumaba dahil ito ay magreresulta sa mas seryosong medikal na kondisyon. Ang pagkain ng mga masustansyang pagkain upang makabuo ng kalamnan ang dapat na isaalang-alang.

Ilan sa sumusunod ang maaari mong idagdag sa iyong diet upang madagdagan ang timbang.

Dark chocolate

Ang palaging tatandaan pagdating sa tsokolate, mas maitim/puro na tsokolate ay mas mabuti sapagkat naglalaman ito ng higit 70% ng cocoa. Makakakuha ng antioxidant, fiber, magnesium at iba pang nutrisyon. Nagbibigay ito ng hindi bababa sa 600 calories, na nangangahulugang makatutulong ito sa pampataba.

Abokado

Mayaman ang prutas na ito sa omega-3 fatty acids na mabuti para sa iyong kalusugan. Makatutulong ito upang makakuha ka ng malusog na taba upang makuha ang layunin na pagpapataba.

Cereal Bars

Bago bumili nito, mahalagang tingnan nang mabuti ang impormasyon tungkol sa nutrisyon nito. Alamin kung ito ay gawa sa whole grains, mani at pinatuyong prutas.

Pinatuyong Prutas

Ang mga pinatuyong prutas ay naglalaman ng mahahalagang mineral, vitamins at antioxidants na may mataas na calories.  Nakatutulong din ito sa pampagana kumain ng isang tao. 

Whole-grain na tinapay

Mayaman ito sa starch na makatutulong sa pagdagdag ng timbang upang ikaw ay tumaba. Pampataba ito sapagkat nakatutulong ito makabuo ng kalamnan.

Kanin

Ang kanin ay hindi mawawala sa hapag ng mga Pilipino na sinasamahan ng iba’t ibang klase ng ulam. Sa isang tasa ng kanin ay mayroong 200 calories.

Tandaan, ang labis na pagkain ng kanin ay maaaring humantong sa iba pang medikal na kondisyon.

Tokwa

Naglalaman ito ng siyam na mahahalagang amino acids. Bukod rito, mayaman din ito sa iron, calcium at iba pang mineral.

Sa kabuoan, maaari kang makahanap ng vitamins na hihiyang sa iyong katawan ngunit palaging tandaan na mahalaga pa rin ang pagkakaroon ng malusog na pamumuhay. Hindi nanganagahulugan na maaari kang hindi kumain ng masustansyang pagkain dahil umiinom ka na ng vitamins. Ang vitamins ay hindi pamalit dito kundi pandagdag lamang.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o panggamot.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What’s a Good Way to Gain Weight if You’re Underweight?

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/expert-answers/underweight/faq-20058429

Accessed July 25, 2022

22 Best Healthy Foods to Gain Weight Fast (and Safely)

https://fcer.org/foods-to-gain-weight/#12_8211_Protein_Supplements

Accessed July 25, 2022

Do Vitamins Cause Weight Gain?

https://www.blackmores.com.au/weight-management/do-vitamins-cause-weight-gain

Accessed July 25, 2022

Underweight

https://www.womenshealth.gov/healthy-weight/underweight

Accessed July 25, 2022

Best Vitamins and Minerals to Gain Weight in 2022

https://www.appetitemax.com/blogs/weight-gain-blog/vitamins-to-gain-weight

Accessed July 25, 2022

Kasalukuyang Version

06/16/2023

Isinulat ni Marenila Bungabong

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Marenila Bungabong · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement