backup og meta

Pagkain na Bawal sa Acidic: Heto Ang mga Dapat Mong Tandaan

Pagkain na Bawal sa Acidic: Heto Ang mga Dapat Mong Tandaan

May nagsabi na ba sa iyong mag-ingat sa pagkain ng dagdag na serving ng pinya at nagsabing masyado silang acidic? O hindi kaya, nakakita ka na ng nagsusuka dahil kumain sila ng mga pagkaing mataas ang acidity. Nakaaapekto ba talaga ang mga pagkain sa pH level ng katawan? At higit sa lahat, dapat ba nating iwasan ang pagkain na bawal sa acidic? Alamin dito.

Acidity, Pinasimple

Tinutukoy ng pH level na may value mula 0 hanggang 14 kung alkaline (basic) ba ang isang bagay, acidic, o neutral. Ibig sabihin hindi ito acidic o basic.

Sinasabi ng pH level na 7 na neutral ang isang pagkain o substance. Tumutukoy naman sa alkalinity ang mas mataas sa 7, at nagpapakita naman ng acidity ang mas mababa sa 7. 

Halimbawa, karaniwang may pH na 8.3 ang baking soda; kaya naman kapag hinalo ito sa tubig (neutral), magkakaroon ng alkaline solution. Ang suka, sa kabilang banda, acidic ito na may pH level na humigit-kumulang 2.5.

Tandaan na may sampung beses na pagkakaiba sa pagitan ng bawat value. Halimbawa: may pH na 5.0 ang corn syrup; may pH naman na 6.0 ang harina. Nangangahulugan na 10x na mas acidic ang corn syrup kaysa sa harina.

Gayundin, tandaan na iba-iba ang pH level ng iba’t ibang bahagi ng katawan. Ang dugo, halimbawa, bahagya itong alkaline, habang sobrang acidic naman ng tiyan.

Listahan ng mga Pagkain na Bawal sa Acidic: Ang Acid-Ash Hypothesis

Bago namin ibigay sa iyo ang listahan ng mga pagkain na bawal sa acidic, subukan muna nating sagutin ang tanong na ito: nakakaapekto ba sa katawan ang acidic na pagkain?

Nagmula sa acid-ash hypothesis ang ideya na masama para sa kalusugan ang mga acidic na pagkain. Ito ang nagsasabing habang tumutunaw ng pagkain ang katawan, nag-iiwan sila ng mga residue (tinatawag na abo o ash) na maaaring bumuo ng acid o base.

Ngayon, maaaring makasira sa buto ang pagkakaroon ng sobrang acid-forming residue (karaniwan sa Western diet). Dahil kapag naging acidic ang katawan, naglalabas ang mga buto ng alkaline minerals, partikular na ng calcium.

Siyempre, hypothesis pa rin ito.

Ang totoo, maraming paraan ang ating katawan para kontrolin ang pH balance (lalo na sa ating mga bato at baga). Higit pa rito, may maliit na ebidensya na nakakaimpluwensya ang diet sa blood pH level. Kung iisipin, hindi pa rin lumalabas na kayang protektahan kahit ng alkaline diet ang ating mga buto mula sa pagkasira.

Bakit Kailangan Mong Iwasan ang Mga Pagkain na Bawal sa Acidic

Kung hindi gaanong nakakaapekto ang diet sa ating blood pH level, may dahilan ba para iwasan ang mga pagkain sa listahan ng mga pagkain na bawal sa acidic?

Maaaring mayroon.

Una, kilalang nagpapalala sa mga sintomas ng gastroesophageal reflux disease (GERD) ang mga acidic na pagkain. Pangalawa, gusto natin iwasan ang diet-induced low-grade metabolic acidosis.

Nangyayari ang low-grade metabolic acidosis sa tuwing tumataas kaunti ang ating blood pH. Karaniwang hindi ito isang malaking alalahanin kung paminsan-minsan lang nangyayari. Ngunit maaaring magresulta ng kidney stones, pagkawala ng muscle mass, at pagbaba ng density ng bone mineral ang low-grade metabolic acidosis; at maaari pa itong humantong sa mga sakit tulad ng type 2 diabetes at hypertension.

Ganito ang nangyayari: isa ang nutrisyon sa mga pangunahing factor kaya ito tinawag na diet-induced.

Listahan ng Pagkain na Bawal sa Acidic

Kung gusto mong iwasan ang pagkain ng mga acidic na pagkain na maaaring mag-trigger ng sintomas ng GERD o mga acid-forming na pagkain na maaaring magpapataas ng panganib mula sa low-grade metabolic acidosis, isaalang-alang ang listahang ito ng mga pagkaing may pH na mas mababa sa 4.

  • Mansanas at mga produktong may mansanas
  • Blueberries
  • Ubas
  • Lemon at lime (at mga produktong naglalaman nito)
  • Orange
  • Pinya
  • Plum
  • Suka

Siyempre, huwag nating kalimutan na maaari ding gumawa ng acid sa katawan ang ilang mga pagkain:

  • Ilang mga dairy product
  • Mga processed food at meat
  • Isda at seafood
  • Mga pagkaing mataas sa protina
  • Carbonated beverages

Key Takeaways

Kung mapapansin, marami sa mga nasa listahan ng mga pagkain na bawal sa acidic ang masustansya dahil mga prutas sila at magandang mapagkukunan ng protina. Dahil dito, maaaring hindi mabuting tuluyang umiwas sa mga ito maliban kung utos ito ng iyong doktor.
Kung sakaling may pinag-aalala tungkol sa sariling acid level, mangyaring humingi ng medical advice. Dahil maaaring nagpapahiwatig ang nararamdamang problema sa acidity sa mga isyu tungkol sa mga organ na kumokontrol dito. Partikular na sa mga baga at bato.

Matuto pa tungkol sa Healthy Eating dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1) pH Values of Common Foods and Ingredients , https://www.clemson.edu/extension/food/food2market/documents/ph_of_common_foods.pdf, Accessed November 3, 2021

2) The acid-ash hypothesis revisited: a reassessment of the impact of dietary acidity on bone, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/24557632/, Accessed November 3, 2021

3) Meta-analysis of the quantity of calcium excretion associated with the net acid excretion of the modern diet under the acid-ash diet hypothesis, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/18842807/, Accessed November 3, 2021

4) The Alkaline Diet: Is There Evidence That an Alkaline pH Diet Benefits Health?, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3195546/, Accessed November 3, 2021

5) Diet-Induced Low-Grade Metabolic Acidosis and Clinical Outcomes: A Review, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5490517/, Accessed November 3, 2021

Kasalukuyang Version

05/25/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Mushroom Coffee? Heto ang 7 na Dapat Mong Malaman

Mindful Eating: Pagiging In-The-Moment Habang Kumakain


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement