Pagdating sa usapang health and fitness, ang madalas na tanong ay “paano magpapayat?” Gayunpaman may mga tao na pinapayuhan ng mga doctor na magpataba, at sa mga ganitong pagkakataon madalas ang pagiging sobra sa timbang o obese ang kanilang inaalala kapag sila ay nagpataba.
Bukod pa rito, hindi rin maiiwasan na magkaroon din ng mga tanong na “paano tumaba?”, dahil ang pagiging kulang sa timbang ay maaari ring maging senyales ng pagiging unhealthy na humahantong sa iba’t ibang mga komplikasyon at sakit. Kaya naman sa artikulong ito, pag-uusapan natin kung paano tumaba nang ligtas at malusog.
Ikaw ba ay underweight?
Ang pinakamainam na timbang para sa iyo ay hindi isang rigid number; sa halip, ito ay range.
Ang pananatili sa labas ng range na ito ang nagiging sanhi ng health problems.
Magandang practice ang regular na pagtitimbang para ma monitor ang sarili. Ang pinakamahusay din ang pagkalkula ng iyong body mass index (BMI), upang malaman kung ikaw ay nasa optimum weight range. Kung saan isinasaalang-alang din ng method na ito ang taas at edad ng isang tao.
Causes at Risk Factors
Maraming dahilan ang nakakaapekto sa iyong timbang, ang ilan sa mga ito ay nagpapahirap sa alinman sa pagbaba ng timbang o paano tumaba nang ligtas.
Genetics
Ayon sa isang pag-aaral ng University of Cambridge noong 2019, nagpakita na ang timbang ng isang tao ay maaaring namamana. Ito ay isang natatanging pag-aaral dahil ang nakaraang pananaliksik sa timbang ng mga tao ay karaniwang nakatuon sa labis na katabaan. Kaya, kung ang pagiging payat ay nasa lahi, malaki ang chance na maging underweight ka. Ang ilang mga tao ay genetically predisposed din sa mababang BMI at maliliit na pangangatawan. Sabi ng mga researcher na ang genetics ay may mahalagang papel sa timbang ng isang tao, idiniin nila na hindi ito ang tanging kadahilanan.
Race o ethnicity
Tulad ng genetics, ang ilang mga pangkat ng lahi at ethnic minority ay umaasa sa matinding pagsukat ng timbang. Ayon sa isang longitudinal study na inilathala noong 2016, ang Pilipinas ay kabilang sa nangungunang 10 bansa sa mundo na may pinakamaraming bilang ng kulang sa timbang na kalalakihan at kababaihan. Ipinakita ng data na ang bilang ng kulang sa timbang na mga lalaki at babae ay halos dumoble mula noong 1975. Mayroong 3.6 milyong kulang sa timbang na lalaki at 4.4 milyong kulang sa timbang na kababaihan. Gayunpaman sa pag-aaral na ito, hindi isinasaalang-alang ang socio-economic factors na maaaring humantong sa nasabing statistics.
Diet at kapaligiran
Ang diet at kapaligiran ay may mahalagang papel sa timbang. Maraming tao ang hindi kayang bumili o kulang sa access sa masustansyang pagkain. Ang ilan ay hindi kumakain ng maayos dahil sa sakit, stress, o kakulangan sa tulog. Ang lifestyle at eating habits ng pamilya at mga kaibigan ay maaari ding makaapekto sa pagpili ng pagkain.
Physical activity
Kung sumasailalim ka sa high-level physical activity, magsusunog ka ng maraming calories. Kung sinamahan mo ito ng hindi magandang diet, maaari itong magpababa ng iyong timbang.
Pagkakaroon ng sakit
Ang ilang partikular na sakit tulad ng hyperthyroidism o diabetes at tulad ng anorexia ay maaaring makaapekto sa iyong timbang. Pinapabilis ng hyperthyroidism ang metabolismo ng iyong katawan na nagdudulot ng mabilis na pagbaba ng timbang. Kung bigla kang pumayat sa kabila ng pagkain ng marami, mas mabuting kumonsulta sa iyong doktor kung paano tumaba nang ligtas.