backup og meta

Natural Na Pampadumi O Laxative: Anu-ano Ang Maaaring Subukan?

Natural Na Pampadumi O Laxative: Anu-ano Ang Maaaring Subukan?

Umiinom ka ba ng pampalambot ng dumi o laxative sa sandaling napagtanto mong hindi ka dumudumi sa loob ng ilang araw? Kung ginagawa mo ito, alam mo na pwede mo lamang ito gamitin paminsan-minsan — at mayroong mga side effects na pwede mangyari tulad ng pagdurugo, cramps, pakiramdam na may sakit, o dehydration. Kaugnay nito, ito ang dahilan ng maraming tao na nakakaranas ng constipation sa pagsubok ng natural na pampadumi — at inumin bago gumamit ng mga over-the-counter medicines.

Listahan ng mga Natural na Pampadumi

Naghahanap ka ba ng natural laxative para maibsan ang constipation? Kung gayon, tandaan ang tatlong alituntuning ito:

  • Mag-hydrate, dahil nakakatulong ang fluid na gawing mas malambot ang dumi.
  • Dagdagan ang iyong fiber intake, dahil ang fiber ay tumutulong sa paglipat ng waste sa katawan. Gawing goal na magkaroon ng 25 hanggang 31 grams ng fiber araw-araw, o makipag-usap sa’yong doktor tungkol sa sapat na dami ng fiber para sa’yo.
  • Isaalang-alang ang probiotics.

Narito ang mga natural laxative na pagkain at inumin na maaari mong subukan kapag mayroon kang constipation:

Natural na pampadumi: Tubig at Sariwang Fruit Juice

Nagkakaroon minsan ng constipation kapag ang mga bituka ay hindi makapagdagdag ng tubig sa dumi.

Dahil dito, napakahalaga na uminom ka ng maraming tubig araw-araw. Maaari mo ring isaalang-alang ang pagkain ng clear soups; may mataas na content ng tubig ang mga ito, at madaling ding matunaw.

Gusto mo ba ng “flavored”drinks? Sa halip na mga inuming matamis (na sa pangkalahatan ay hindi malusog), bakit hindi mo subukan  ang mga fresh fruit juices?

Tandaan: Kung mayroon kang kondisyong pangkalusugan na nangangailangan ng close fluid intake monitoring. Tanungin ang iyong healthcare provider tungkol sa kung gaano karaming liquid ang pwede mong makuha.

Natural na pampadumi: Prunes

Narinig mo na ba ang tungkol sa psyllium husk fiber? Kadalasang nasa anyo ito ng pulbos at ibinebenta bilang isang natural na paraan para mabawasan ang constipation.

Tulad ng psyllium, mataas din sa fiber ang prunes. Mayroon din silang sorbitol, isang uri ng asukal na tumutulong sa pagdaragdag ng tubig sa digestive tract.

Sa katunayan, natuklasan ng isang pag-aaral na mukhang mas epektibo ang prunes kumpara sa psyllium. Partikular na sa pagpapabuti ng dalas at pagkakapare-pareho ng dumi. Napagpasyahan pa ng mga mananaliksik na ang prunes ay “maaaring isang promising intervention para sa management of constipation”. Bagaman sumasang-ayon sila na kailangan pa rin namin ng karagdagang pag-aaral tungkol dito.

Broccoli Sprouts

Ang isa pang natural na laxative na pagkain sa aming listahan ay broccoli sprouts.

Nagkakaroon ng mas mabilis na pagdumi at mas kaunting sintomas ng constipation. Ang mga taong kumakain ng 20 grams ng broccoli sprouts araw-araw sa loob ng apat na linggo,  ayon sa pag-aaral.

Ang promising pa dito, ang broccoli sprouts ay para bang walang side effect.

Natural na pampadumi: Cereal sa na may Wheat Bran

Mayaman din sa fiber ang wheat bran, tulad ng karamihan sa mga pagkain sa aming listahan.

Sa isang ulat, natuklasan ng researchers na ang mga low-fiber consumers na kumakain ng isang mangkok ng breakfast cereal — at naglalaman ng wheat bran araw-araw sa loob ng kalahating buwan ay nag-ulat ng isang makabuluhang pagpapabuti sa paggana ng bituka — at digestive feelings.

Yogurt

Ito ang huli sa aming listahan ng mga natural na laxative na pagkain. Partikular sa mga yogurt na naglalaman ng Bifidobacterium lactis, Lactobacillus acidophilus, at polydextrose.

Natuklasan ng researchers na ang participants na kumain ng 180 ml ng yogurt — na naglalaman ng 3 sangkap ay nakaranas ng “shorter colonic transit” kumpara sa mga kumain lamang ng plain yogurt.

Sa huli, napagpasyahan nila na ang yogurt na naglalaman ng polydextrose, B. lactis, at L. acidophilus ay maaaring isang opsyon para sa treatment ng constipation.

Mga Karagdagang Paalala

Pakitandaan na hindi ito isang kumpletong listahan ng mga natural na laxative na pagkain.

Halimbawa, maraming prutas, gulay, at pulses ang naglalaman ng mataas na amount ng fiber na maaaring makatulong sa pagpawi ng constipations. Ang ilang prutas, tulad ng mansanas, ubas, at peach, ay naglalaman din ng sorbitol.

Higit pa rito, tandaan na ang regular na ehersisyo ay nakakatulong din sa paggamot at pag-iwas sa constipation.

Kung ang pagsasagawa ng home remedies ay hindi nagpapabuti sa iyong constipations. Ang pinakamahusay na paraan ng pagkilos ay ang makipag-ugnayan sa doktor.

Key Takeaways

Naghahanap ng natural na laxative na pagkain? Subukan ang prunes, broccoli sprouts, cereal na may wheat bran, at yogurt. Siyempre, huwag kalimutang uminom ng maraming tubig at kumain ng iba pang prutas at gulay na mataas sa fiber.

Matuto pa tungkol sa Masustansiyang Pagkain dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1) Systematic review: the effect of prunes on gastrointestinal function, https://onlinelibrary.wiley.com/doi/full/10.1111/apt.12913, Accessed November 2, 2021

2) Daily intake of broccoli sprouts normalizes bowel habits in human healthy subjects, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5773831/, Accessed November 2, 2021

3) Short Term (14 Days) Consumption of Insoluble Wheat Bran Fibre-Containing Breakfast Cereals Improves Subjective Digestive Feelings, General Wellbeing and Bowel Function in a Dose Dependent Manner, https://www.mdpi.com/2072-6643/5/4/1436/htm, Accessed November 2, 2021

4) Effect of yogurt containing polydextrose, Lactobacillus acidophilus NCFM and Bifidobacterium lactis HN019: a randomized, double-blind, controlled study in chronic constipation, https://nutritionj.biomedcentral.com/articles/10.1186/1475-2891-13-75, Accessed November 2, 2021

5) Laxatives, https://www.nhs.uk/conditions/laxatives/, Accessed November 2, 2021

6) Eating, Diet, & Nutrition for Constipation, https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/constipation/eating-diet-nutrition, Accessed November 2, 2021

Kasalukuyang Version

08/29/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Dexter Macalintal, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Mushroom Coffee? Heto ang 7 na Dapat Mong Malaman

Mindful Eating: Pagiging In-The-Moment Habang Kumakain


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement