Magastos ba ang masustansyang pagkain? Marahil inaakala ng karamihan na kailangang mas mahal ang pagkain para makakain ng masustansya. Nananatiling malakas ang pananaw na ito sa buong mundo dahil patas man o hindi, madalas na mas mataas ang presyo ng mga diet na nakikita ng mga tao bilang masustansya kaysa sa karaniwang binibili ng mga tao, o “unhealthy” diet.
Bakit magastos ang masustansyang pagkain? Mga maling akala tungkol sa masustansyang pagkain at presyo nito
Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa noong 2012, mas mura ang mga masustansyang pagkain kaysa hindi mas masustansyang pagkain (tinutukoy dito ang mga pagkaing mataas sa saturated fat, added sugar at/o sodium, o nagbibigay ng maliit na kontribusyon sa pagkamit ng inirerekomendang diet).
Samantala, ipinakita naman ng isang pag-aaral noong 2016 na mas mataas ang determinasyon bilang hadlang sa mga tao na kumain ng mas maraming prutas at gulay kaysa sa pagtingin sa presyo ng masustansyang pagkain.
Hindi gaano kahalaga ang pagtingin sa masustansyang pagkain bilang mahal ayon sa regression analysis. Kahit pa pangalawa ito sa pinakamadalas na sinasabing hadlang ng mga babae, at pangatlo naman sa pinakakaraniwang nakikitang hadlang sa masustansyang pagkain para sa mga lalaki.
Magastos ba ang masustansyang pagkain? Mas mahal ba ang mas masustansyang pagkain?
Magastos ba ang masustansyang pagkain? Karaniwang pinaniniwalaan ng mga tao na katumbas ng “masustansya” ang “magastos”, ayon kay Kelly Haws, PhD. Isang associate professor ng marketing sa Vanderbilt University. “Ngunit madalas hindi iyon ang kaso. Isang bahagi ng problema ang pagtingin natin sa “healthy” bilang iba pang mga label na nakakadagdag sa presyo, tulad ng “organic” o “gluten-free.”
Dagdag pa rito, sinasabi ni Haws na madalas iniuugnay ng mga tao ang masustansyang pagkain sa health-food stores, sa kanilang magagandang display at mas mataas na presyo. Ngunit ang totoo, maaaring makabili ng masustansyang whole foods sa kahit saang tindahan. May ilang tao na hindi na mag-aabalang subukang kumain ng masustansya. Sa palagay nila, tanging ang mas mura at hindi masustansiyang pagkain lang ang pagpipilian nila.
Gayunpaman, maaaring sumunod sa nutritious diet ang isang tao nang hindi nag-aalala tungkol sa mga label na iyon maliban kung may nilalabanan na diagnosed medical condition. Ayon sa registered dietitian at spokesperson ng Academy of Nutrition and Dietetics na si Alissa Rumsey, ang pagkain ng mas maraming whole foods at mas kaunting processed foods ang susi dito.
Tips sa pagbawas ng gastos sa pagkain ng masustansya
May ilang mga paraan upang makakain ng masustansyang pagkain nang hindi naaapektuhan ang budget. Narito ang ilang mga tip na maaari naming ibahagi:
-
Manatili sa seasonal produce
Dahil mas sariwa, mas malasa, at mas abot-kaya ang ang mga seasonal produce kaysa sa mga hindi napapanahon na pagkain. Makatutulong din sa iyong wallet ang pag-alam kung alin ang available na malapit sa iyo.
-
Bumili ng generic
Tulad ng gamot, mas makakatipid ng pera nang hindi naisasakripisyo ang kalidad o nutritional value ng pagkain ang pagpili ng mga generic na brand sa halip na branded.
-
Sanayin ang meal planning
Subukang gumawa ng weekly meal plan, maghanda ng listahan ng bibilhin, at pumili ng partikular na oras para maghanda ng pagkain para sa isang linggo.
Makatitipid ito ng parehong oras at pera. Kahit na kailangan mong maghanap ng mga recipe na magkakatulad ang mga sangkap na ginagamit sa loob ng isang linggo. Hindi mo lamang naaayos ang iyong listahan ng bibilhin. Nagdaragdag ka rin ng diversity sa iyong diet sa pagsubok ng mga sangkap sa magkakaibang paraan, hindi tulad ng dati.
-
Magluto sa bahay
Maaaring isa ito sa hindi na kailangang pag-isipan pa ngunit isa sa mga pinakamabisang paraan para makakain ng masustansyang pagkain. Kumain man sa restaurant o may delivery fee, service charge, at tip para sa delivery, hindi mo mamamalayan ang magagastos sa pagkain sa labas.
Sa paghahanda ng sarili mong pagkain, may buo kang kontrol sa kung ano ang inilalagay mo sa iyong plato. Pati na rin kung gaano kasustansya ang mga sangkap.
-
Kumain ng mas maraming plant-based protein
Kabilang dito ang beans, patani, chickpeas, at tokwa. Maaaring mabigla ka na mas mura sila kaysa sa mga animal protein tulad ng karne, isda, at manok. Hindi kailangang maging ganap na vegan ngunit lubos na mayaman sa protein, fiber, at iba pang mahahalagang vitamins at minerals ang mga pagkaing ito.
-
Tingnan ang iyong mga pagpipilian at bigyang pansin ang portion size
Kahit mas mababa ang presyo ng isang supot ng chichirya sa mansanas, isipin kung gaano karami ang maaari mong makain mula dito.
-
Bumili ng frozen
Para sa mga prutas at gulay na wala sa panahon, bilhin ito nang frozen. Maaaring mas marami pa silang sustansya kaysa sa sariwang ani na nagmula pa sa malayo.
Key Takeaways
[embed-health-tool-bmr]