backup og meta

Kailan Dapat Inumin Ang Vitamin C: Tuwing Umaga Nga Ba?

Kailan Dapat Inumin Ang Vitamin C: Tuwing Umaga Nga Ba?

Kailan dapat inumin ang vitamin C? Ang ascorbic acid na karaniwan na tinatawag nating vitamin C ay isang mahalagang nutrisyon na nagsusulong at nagpapanatili ng kalusugan. Hindi lang ito nakatutulong na mapabuti ang katawan, ngunit nagbibigay din ito ng ambag sa formation ng blood vessels, collagen, cartilage, at muscles. Bilang isang potent antioxidant, nagproprotekta ang vitamin C ng cells laban sa epekto ng free radicals.

Dahil hindi nakagagawa ang katawan ng vitamin C, nakukuha natin ito sa mga pagkaing kinakain natin. Upang makasiguro na nakakukuha tayo ng sapat, marami sa atin ang umiinom ng vitamin C supplements. Ano ang pinaka magandang oras para uminom ng vitamin C? Alamin dito.

Pag-inom ng Supplements: Mahalaga ba ang Timing?

Kailan dapat inumin ang vitamin C? Ito ay depende kung mahalaga ba ang timing sa supplements.

Kadalasan, mahalaga ang timing dahil sa koneksyon nito sa ibang uri ng bitamina at pagkain na kinakain natin sa partikular na oras.

Mahalaga ang uri ng bitamina dahil ang ilang mga vitamins tulad ng B12, na nagbibigay enerhiya, kaya’t mainam na inumin ito sa umaga. Ang ibang uri, tulad ng magnesium, ay nakapagpapaantok, kaya’t mainam na inumin tuwing gabi, bago matulog.

Sa kabilang banda, ang uri ng pagkain ay mahalaga dahil ang mga vitamins ay maaaring water-soluble o fat-soluble. Ang mga water-soluble na vitamins, tulad ng vitamin B6, ay mainam na ma-absorb na walang laman ang tiyan na may isang basong tubig. Sa kabaligtaran, ang fat-soluble vitamins, tulad ng vitamins A, D, E at K ay mainam na ma-absorb kung kasabay ng pagkain na naglalaman ng fat.

Kaya’t kung ikaw ay iinom ng fat-soluble na vitamins sa umaga na may fat-less na agahan, hindi mo makukuha ang lahat ng benepisyo nito. Gayundin, ang mga water-soluble na vitamins na kasabay ng pagkain na naglalaman ng fat ay hindi maa-absorb nang maayos.

Kailan dapat Inumin ang Vitamin C?

Ngayon, talakayin natin ang pinaka mainam na oras sa pag-inom ng vitamin C.

Ang vitamin C ay water-soluble, kaya’t inirerekomenda ng mga eksperto na inumin ito kasabay ng isang basong tubig sa umaga bago ang agahan. Maaari mo rin itong inumin sa gabi matapos maghapunan, ngunit kung sa tingin mo makaaabala ito sa pagtulog mo, mas mainam kung sa umaga na lamang inumin.

Ibang mga Bagay na Ikokonsidera

Bagaman ang pinaka mainam na oras upang inumin ang vitamin C ay sa umaga (na walang laman ang tiyan, na may kasamang isang basong tubig), may mga bagay pa ring dapat na ikonsidera.

Nakararamdam ka ba ng Sakit sa Tiyan?

Ang sobrang vitamin C ay maaaring maging sanhi ng nausea, pagsusuka, o pagtatae. Kung ito ay nangyari sa’yo, ikonsidera ang pagbawas ng dose at inumin ang supplement na may kasamang pagkain.

Umiinom ka ba ng Multivitamins?

Maraming mga multivitamins na naglalaman ng parehong water-soluble at fat-soluble na vitamins, kaya’t inirerekomenda ng mga eksperto na inumin ito na may kasamang isang basong tubig o pagkain. Kaya’t kahit na anong fat sa pagkain ay makatutulong sa pag-absorb ng fat-soluble na vitamins. Gayunpaman, tandaan na ang water-soluble na vitamins ay hindi mag a-absorb gayundin ang fat-soluble.

Kumokunsomo ka ba ng Iron?

Ang iron ay mainam na ma-absorb kasama ng vitamin C, kaya’t kung umiinom ng iron supplement, inumin ito nang magkasama kasabay ng ascorbic acid kahit anong oras.

May Iba ka bang Gamot na Iniinom?

Panghuli, ang pinaka mainam na oras upang uminom ng vitamin C ay ang pagkokonsidera ng drug interactions. Halimbawa, maaaring pataasin ng vitamin C ang iyong lebel ng estrogen kung ikaw ay gumagamit ng hormone replacement therapy o oral contraceptives. Sa kabilang banda, maaaring magpabawas ang vitamin C ng response sa anticoagulants tulad ng warfarin.

Upang maging ligtas, talakayin sa iyong doktor ang posibleng drug interactions.

Key Takeaways

Kailan dapat inumin ang vitamin C? Ayon sa mga eksperto, ang vitamin C ay water-soluble. Ang general rule upang inumin ito ay sa umaga kasama ng isang basong tubig bago ang agahan. Kahit ganun, may mga konsiderasyon na kailangan talakayin kasama ng iyong doktor, tulad ng side effects at drug interactions.
Sa huli, huwag kalimutan na ang pinaka mainam na paraan upang makakuha ng sapat na vitamins at minerals. Ito ay sa pamamagitan ng malusog at balanseng diet. Kumain ng maraming prutas at gulay at pumili ng whole grains, lean protein, at healthy fats.

Matuto pa tungkol sa Masustansyang Pagkain dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Vitamin C
https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements-vitamin-c/art-20363932
Accessed July 30, 2021

The Best Time to Take Vitamins
https://health.clevelandclinic.org/the-best-time-to-take-vitamins/
Accessed July 30, 2021

By the way, doctor: What’s the right amount of vitamin C for me?
https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/by-the-way-doctor-whats-the-right-amount-of-vitamin-c-for-me
Accessed July 30, 2021

Vitamin C
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK225480/
Accessed July 30, 2021

Vitamin C in Disease Prevention and Cure: An Overview
https://link.springer.com/article/10.1007/s12291-013-0375-3
Accessed July 30, 2021

Comparison of water-versus fat-soluble vitamins.
https://clinmedjournals.org/articles/cmrcr/cmrcr-4-187-table1.html
Accessed July 30, 2021

Kasalukuyang Version

05/25/2022

Written by Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Mushroom Coffee? Heto ang 7 na Dapat Mong Malaman

Mindful Eating: Pagiging In-The-Moment Habang Kumakain


Written by

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement