Para sa maraming tao, may ilang sitwasyon lamang iniinom ang electrolyte beverage. Kadalasan, Iniinom mo ito pagkatapos mag-work-out (dahil nagpawis ka nang sobra), nagpapagaling mula sa isang sakit, o nakararanas ng pagtatae. Ngunit may benepisyo nga ba ang inumin na may electrolytes? Anong inumin na may electrolyte ang dapat mong ikonsidera? Alamin dito.
Ano ang Electrolytes?
Ang electrolytes ay minerals, tulad ng potassium, magnesium, at sodium na may electricity kapag natutunaw sa tubig. Mayroon nito sa dugo, tissues, at iba pang fluid sa katawan, na mahalaga para sa maraming physiological functions, gaya ng regulasyon ng blood pressure, nerve at kalusugan ng kalamnan, at hydration.
Mahalagang mapanatili natin ang balanse sa level ng ating electrolyte. Maaaring mauwi sa seryosong kalagayan ang sobra-sobra o kulang na electrolyte. Halimbawa, ang sobrang sodium ay puwedeng magpataas ng ating blood pressure. Ang sobrang babang potassium naman ay maaaring magresulta sa panghihina ng mga kalamnan, pulikat, at maging ng abnormal na ritmo ng puso.
Kailan Kapaki-pakinabang ang Inumin na may Electrolytes?
Likas na nababawasan tayo ng electrolytes kapag pinagpapawisan. Ito ang dahilan kung bakit kadalasang gumagamit ang mga kompanya ng larawan ng mga taong nag-wo-workout upang ilako (advertise) ang kanilang produktong sports drinks. Gayunpaman, may iba pang pagkakataon na hindi nagiging balanse ang mahalagang minerals na ito. Kabilang sa mga pagkakataong nangyayari ito ang:
- Pagkakasakit na nagreresulta sa pagsusuka o pagtatae
- May mga problema sa atay o bato
- Pag-inom ng mga gamot, tulad ng laxatives o diuretics
- Mayroong eating disorders
- Hindi umiinom o kumakain nang sapat
Sa mga pagkakataong nababawasan tayo ng electrolytes, kapaki-pakinabang bang uminom ng inumin na may electrolytes?
Oo ang sagot ng mga eksperto. Ngunit kailangan mong maging maingat sa iyong pipiliin. Binigyang diin nilang may ilang vitamin at immunity drinks na maaaring magmukhang kaakit-akit sa mamimili, ngunit kulang sa sapat na minerals upang maibalik ang nawalang electrolytes.
Kung nag-eehersisyo ka nang hindi lalagpas sa isang oras, sapat nang uminom ng tubig. Gayunpaman, ang pagsasagawa ng matinding physical activity sa loob ng 75 minuto o higit pa ay maaaring mangailangan ng inumin na may electrolyte.
Bukod dyan, kung nagpawis ka nang sobra o nais mong maibalik ang iyong electrolytes matapos magkasakit, piliin ang may zero calories.
3 Brands ng Inumin na may Electrolytes na Dapat Ikonsidera
Naghahanap ka ba ng brands ng inumin na may electrolyte na akma sa iyong kailangan? Ikonsidera ang Gatorade, Pocari Sweat, at Pedialyte.
Inumin na may Electrolytes: Gatorade
Kilalang-kilala na ang pangalang Gatorade pagdating sa hydration. Ipinapangako ng produktong ito na “tulungang mapalitan ang anumang nawala dahil sa pagpapawis sa pamamagitan ng inuming ginagamit ng mga propersyonal”.
Nagtataglay ang Gatorade Thirst Quenchers ng sodium at potassium. Ito ay dalawang electrolytes na nawawala sa atin kapag nagpapawis. Dahilan kung bakit tamang-tamang kapares ito ng matinding pag-eehersisyo.
Tandaang may iba’t ibang flavors ang produktong ito at may pagpipilian kang zero-sugar o low-sugar na inumin. Tingnan ang kompletong listahan ng produkto ng Gatorade dito.
Inumin na may Electrolytes: Pocari Sweat
Ang sunod sa listahan ng brand ng inumin na may electrolyte ay ang Pocari Sweat mula sa Japan.
Hindi tulad ng Gatorade na maraming flavors, ang Pocari Sweat ay isang electrolyte-enhanced mildly flavored water. Matamis ang lasa nito para sa mga tao. Mula sa kanilang official website, sinasabi ng Pocari sweat na ang kanilang produkto ay kahawig ng balanseng fluid sa katawan.
Maganda rin itong inumin habang o pagkatapos pagpawisan dahil sa physical activity o paliligo nang mainit. Matuto pa tungkol sa listahan ng produktong Pocari Sweat dito.
Inumin na may Electrolytes: Pedialyte
Ang mga brand ng Pedialyte ay “#1 pharmacist at pediatrician-recommended brand of rehydration drinks.”
Ipinapaliwanag din nila na habang ang nangungunang sports drinks ay may dobleng sugar, ang Pedialyte ay may dobleng electrolyte sodium.
Sa kabila ng pangalan nito, puwede ring inumin ang Pedialyte ng matatanda! Maaari itong inumin para sa pagpapagaling mula sa lagnat, o upang i-rehydrate matapos ng matinding workout.
Mayroon ding iba’t ibang flavor at formulations ang Pedialyte para sa sports at immune support. Tingnan ang listahan ng kanilang produkto dito.
Dagdag na mga Paalala
Sa pangkalahatan, ligtas ang pag-inom ng inumin na may electrolyte. Gayunpaman, kumonsulta sa iyong doktor muna kung mayroon kang iba pang sakit, tulad ng problema sa puso, atay o bato. Dagdag pa, kung nakararanas ka ng karamdamang nagresulta sa pagtatae o pagsusuka, pinakamainam na makipag-ugnayan sa isang doktor muna upang makapagrekomenda ng iba pang paraan upang maibalik ang iyong electrolytes, tulad ng Oral Rehydration Solution.
Matuto pa tungkol sa Masustansyang Pagkain dito.
[embed-health-tool-bmr]