backup og meta

Benepisyo Ng Intermittent Fasting, Anu-ano Ba? Alamin Dito!

Benepisyo Ng Intermittent Fasting, Anu-ano Ba? Alamin Dito!

Tulad ng ketogenic at low-carb regimen, maraming tao ang gumagawa ng intermittent fasting (IF), isang eating plan na palipat-lipat sa fasting at eating sa pagitan ng partikular na oras. May mga patunay na makikita sa online tungkol sa pagiging mabisa ng IF sa pagbabawas ng timbang. Ngunit kawili-wili din dito ang magandang dulot nito sa ating utak. Ano ang mga benepisyo ng intermittent fasting para sa utak? Alamin dito.

Mga benepisyo ng intermittent fasting

Karamihan sa mga diet regimen ang nakatuon lamang sa kung ano ang iyong kinakain. Ngunit ang intermittent fasting, nakatuon lang ito sa tuwing kailan ka kumakain.

Ginagawa ito para kumain ka lamang sa loob ng tiyak na oras o window. Sa ilalim nito, nauubos ang mga reserbang calorie at nagsisimulang tunawin ng iyong katawan ang mga naitagong taba. Nagreresulta ito sa pagbabawas ng iyong timbang.

Isa sa mga benepisyo ng intermittent fasting ang pagkakaroon ng maraming pagpipilian na plan. Halimbawa, maaari mong piliin ang 16/8 method, kung saan maaari kang kumain sa pagitan ng 8 na oras na window at mag-fasting sa loob ng 16 na oras. Pinipili rin ng iba ang 5:2 method. Dito, kumakain ka gaya ng dati ng 5 araw sa isang linggo. At lilimitahan mo naman ang iyong calorie intake sa halos 500 hanggang 600 lamang sa loob ng 2 araw.

Tila ba kahit anong plan ang iyong piliin, maganda pa rin ang benepisyo ng intermittent fasting sa iyong utak.

Mga benepisyo ng intermittent fasting sa utak

Ang pagbabawas ng oxidative stress at pagtaas ng cellular stress resistance ang dalawang rason kung bakit maaaring makabuti ang IF sa utak.

Pagbabawas ng oxidative stress

Tinatawag na free radicals ang mga molecule na naglalaman ng oxygen na lumalabas tuwing metabolism.  Bagaman normal lang na magkaroon ng free radicals, ang pagkakaroon ng sobra nito ang nagdudulot sa pagkasira ng katawan. Mabuting balita naman na maaaring kontrolin ng antioxidants ang mga negatibong epekto ng free radicals. Kung mayroon lamang sapat na antioxidants.

Nangyayari ang oxidative stress kapag hindi balanse ang antioxidants at free radicals, na maaari makapinsala sa mga cell, protein, at DNA. Nauugnay din ng oxidative stress sa mga malalalang sakit gaya ng cancer, diabetes, at neurodegenerative disease, tulad ng Alzheimer disease.

Dahil binabawasan ng intermittent fasting ang pagkonsumo ng pagkain, nababawasan din nito ang bilang ng free radicals sa cells (mas kaunting pagkain ang kailangan ma-metabolize). Nagreresulta ito sa mas mababang oxidative stress.

Natuklasan din sa isa pang pag-aaral na napapataas ng intermittent fasting ang resistance ng neurons mula sa degeneration sa pamamagitan ng paggawa ng neurotrophic factor sa utak. isa itong mahalagang protein na lumalaban sa stress.

Mataas na stress resistance

Isa pa sa mga benepisyo ng intermittent fasting. Sinabi sa isang report na nagbibigay ng mild stress sa brain cells ang intermittent fasting. Nakapagtataka na isa itong magandang bagay dahil lumalaban ang mga brain cells sa pamamagitan ng “pagpapalakas ng kakayahan nilang labanan ang mas matindi pang stress.”

Ipinakita rin ng isang pag-aaral sa hayop kung saan isinagawa sa mga daga ang IF. May laban ang mga ito sa posibilidad na mamatay dahil sa metabolic at oxidative stress.

Maaari namang ihambing ang benepisyo ng intermittent fasting sa pagbubuhat. Kapag mas madalas ito ginagawa, mas makakapagbuhat pa lalo ng mas mabibigat.

Paano mapapagana ang intermittent fasting sa iyo?

Ngayon na mayroon na tayong mas magandang ideya tungkol sa mga benepisyo ng intermittent fasting sa utak, pag-usapan naman natin kung paano ito magagawa. Mayroon bang partikular na plan na dapat mong piliin?

Sa kasalukuyan, mayroon tayong maliit na data upang malaman kung aling plan ang pinakamahusay upang masulit ang mga benepisyo ng intermittent fasting sa utak. Gayunpaman, maaaring magbigay sa atin ng pananaw ang isang pag-aaral na isinagawa sa hayop.

Sa pag-aaral, hinati ng mga mananaliksik ang mga pinag-aaralang daga sa dalawang grupo. Isang grupo para sa mga binawasan ng caloric intake. At isa naman para sa mga pinahihintulutan kumain hanggang sa kanilang kagustuhan sa ilalim ng magkakalaktaw na araw ng fasting.

Nakita sa mga resulta na nagdudulot ng benepisyo sa katawan ang parehong fasting at calorie restriction. Gayunpaman, mas mahusay naman ang intermittent fasting sa pagpoprotekta sa neurons laban sa mga neurotoxin.

Maaaring nangangahulugan na kayang mapalakas ng intermittent fasting, o kahit pagpapahaba ng oras sa pagitan ng bawat kain, ang kalusugan ng ating utak.

Key Takeaways

Tinatawag na intermittent fasting ang isang eating plan na nakatuon lamang sa pagkain sa loob ng partikular na oras o window. Bagaman mas kilala itong tumutulong sa mga tao na makamit ang layuning makabawas ng timbang, ilang report din ang nagsasabi na kabilang sa benepisyo ng intermittent fasting ang pagpapabuti ng kalusugan sa utak sa pamamagitan ng pagbaba ng oxidative stress at pagtaas ng resistance ng mga brain cells sa stress.

Matuto pa tungkol sa Masustansyang Pagkain dito

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1) Intermittent Fasting: What is it, and how does it work? https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/intermittent-fasting-what-is-it-and-how-does-it-work, Accessed September 22, 2021

2) Oxidative Stress: Harms and Benefits for Human Health, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5551541/, Accessed September 22, 2021

3) Gene–Diet Interactions in Brain Aging and Neurodegenerative Disorders, https://www.acpjournals.org/doi/full/10.7326/0003-4819-139-5_Part_2-200309021-00012, Accessed September 22, 2021

4) Beneficial effects of intermittent fasting and caloric restriction on the cardiovascular and cerebrovascular systems, https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S095528630400261X, Accessed September 22, 2021

5) How Intermittent Fasting Changes Your Brain, https://medium.com/illumination/how-intermittent-fasting-changes-your-brain-de2a665d2267, Accessed September 22, 2021

Kasalukuyang Version

06/02/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Mushroom Coffee? Heto ang 7 na Dapat Mong Malaman

Mindful Eating: Pagiging In-The-Moment Habang Kumakain


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement