Sa pag-inom ng kape, nagugustuhan natin ang pagdaan ng inumin na ito sa mga bibig natin. Kahit hindi maipagkakaila ang kasiyahan nito, hindi talaga natin naiisip ang mga coffee grounds na naiiiwan pagtapos magtimpla ng kape. Ngunit ang hindi alam ng karamihan sa mga tao, kapaki-pakinabang pa rin ang mga coffee ground na iyon. Pagkatapos matimpla, marami pang gamit ang coffee ground na hindi alam ng marami. Saan puwede gamitin ang coffee ground?
Naglalaman ang Spent Coffee Ground (SCG) ng maraming organic compound (mga fatty acid, amino acid, polyphenol, mineral, at polysaccharide). Sinubukan ng mga bagong inobasyon ang pagkuha sa mga partikular na component tulad ng oil, flavor, terpenes, at alcohol bilang mga value-added product.
Gayunpaman, maaari ding ituring ang mga byproduct ng coffee fruit at bean processing bilang mga potensyal na functional ingredient sa industriya ng pagkain. Kailangan gamitin ng mga praktikal at makabagong ideya ang low-cost SCG na ito. Hindi pa nagagamit ang lahat ng potensyal nito para pataasin ang kabuuang sustainability ng coffee agro-industry.
6 na Gamit sa Coffee Ground na Hindi Mo Pa Alam
Saan puwede gamitin ang coffee ground? Alam mo bang may mga praktikal na gamit ito sa paligid ng bahay, hanggang sa maging kapaki-pakinabang sila sa hardin, at pati na rin sa pagpapaganda ng tao?
Pampataba ng hardin
Mahusay na pataba sa lupa ito. Marami itong nilalaman na sustansyang kinakailangan para sa paglaki ng halaman. Makatutulong din ang SCG para sa mga bulate, at pababain ang dami ng mga heavy metal sa lupa.
I-compost ito para sa susunod
Malaking tulong sa kalusugan ng iyong halaman ang paglalagay ng compost sa hardin. Makatutulong ito para pataasin ang sustansya ng halaman habang binabawasan ang greenhouse gas emission ng compost.
Pantaboy ng mga insekto at peste
Ilang compound sa SCG ang nakalalason sa maraming insekto. Nakabibiglang malaman na maaari palang gamitin ito na pantaboy ng mga lamok, langaw, salagubang, at iba pang peste.
Pantanggal ng kuto sa mga alagang hayop
Gaya ng unang nabanggit na insekto, hindi rin gusto ng mga kuto ang kape. Panatilihing walang kuto ang alagang hayop sa tulong ng pagpapaligo sa kanila ng mga ginamit na coffee ground.
I-neutralize ang mga amoy
Maaaring hindi nakatutuwa ang amoy na nanggagaling sa refrigerator, ngunit hindi kailangang mag-alala. Makatutulong ang mga coffee ground para sipsipin at tanggalin ang amoy na galing sa refrigerator, gym bag, o kahit sa mabahong sapatos. Natatanggal din nito ang natitirang amoy ng sibuyas at bawang kapag ginagamit ito bilang hand scrub.
Gamitin bilang natural na scrub na panlinis
Maaaring gamitin ang SCG bilang panlinis na hindi masakit. Makatutulong din ito sa pagtanggal ng bakterya at mga namuo sa lababo, panluto, grills, at iba pang mga patungan sa bahay.
Pang-alis ng lead ions sa tubig
Para magamit uli sa kapaki-pakinabang na bagay ang food waste, isang pag-aaral ang nagsiyasat sa kakayahan ng coffee ground bilang pantanggal ng lead ions sa inuming tubig. Pinag-aralan ang lead ion absorption characteristics ng coffee bean at ground sa pamamagitan ng pagsukat ng fat at protein content nito, absorption isotherms para sa lead ion, at absorption rate para sa lead ion. Hindi nakadepende ang bilang ng lead ion na nakuha ng coffee ground sa uri ng coffee bean o sa temperatura kung saan ginawa ang adsorption test.
Pantay ang rate ng lead ion absorption ng coffee ground sa bilang nito na hinalo sa solution. Bumababa ang bilang ng lead ion kapag nababawasan ng langis o pinapakuluan ang mga ito. Pinakita ng eksperimento na nakadepende ang protein nito sa lead ion absorption. Samakatuwid, pinakita ng pag-aaral ang dami ng food waste nito na maaaring magamit para pang-alis ng lead ion sa inuming tubig.
Pag-convert sa biodiesel
Isang pag-aaral din ang isinagawa sa SCG ang nagtangkang kumuha ng oil sa ground, at i-convert ang parehong oil sa biodiesel. Depende sa kung gumamit ito ng Arabica o Robusta coffee, nakakuha ng 10-15% ng oil ang proseso. Nakitang stable ang biodiesel mula dito na loob ng higit sa isang buwan sa ilalim ng partikular na kalagayan.
Inaasahang 340 milyong galon ng biodiesel ang maaaring gawin mula sa mga waste coffee ground sa buong mundo. Dagdag pa rito, maganda ring pataba sa hardin, feedstock para sa ethanol, at fuel pellet ang mga ito pagkatapos ng oil extraction.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa masustansyang recipe at ingredient dito.
[embed-health-tool-bmr]