Mahalagang alam mo kung paano magpalakas ng immune system. Ito ay dahil ang iyong immune system ay ang paraan ng iyong katawan sa pagprotekta sa sarili laban sa sakit, kaya mabuting laging malakas at malusog ang iyong immune system sa lahat ng oras.
At ang isang mahusay na paraan kung paano magpalakas ng immune system ay ang pagkakaroon ng sapat na mga bitamina at mineral.
Ang magandang bagay tungkol sa bitamina at mineral ay madaling itong makuha sa mga prutas, gulay at karne. Ang mahalaga ay ang pagtuunan ng mo ng pansin ang mga pagkaing may ganitong mahahalagang sustansya, upang ang iyong immune system ay manatiling malakas.
Paano magpalakas ng immune system?
Palakasin ang mga panlaban ng iyong katawan sa pamamagitan ng pagtiyak na kumakain ka ng balanseng diet at sa pamamagitan ng pag-inom ng food supplements kung kinakailangan. Palaging kumunsulta sa iyong doktor o sa rehistradong nutritionist dietitian.
Vitamin C
Ang vitamin C ang isa sa mga pinakakilalang bitamina. Kung gusto mong malaman kung paano magpalakas ng immune system, siguraduhing kumain ng mga pagkaing mayaman sa vitamin C.
Nakakatulong ito na magpalakas ng immune system at mahalaga din ito sa pagpapanatili ng malusog na cell processes. Ang vitamin C na nasa mga citrus fruits, at ang mga gulay tulad ng spinach, kale, at bell peppers ay naglalaman din ng mataas na halaga ng vitamin C.
Pagdating sa mga vitamin C supplements, hindi mo kailangan uminom nito kung kasama sa diet mo ang prutas at gulay.
Vitamin A
Ang vitamin A ay kadalasang naiuugnay sa paningin ng isang tao. Totoo na ang vitamin A ay nakakatulong sa paningin, bagaamt hindi lamang ito ang tanging tungkulin nito.
Ang vitamin A tulad ng vitamin E, ay gumagana bilang isang antioxidant at nakakatulong na maiwasan ang pamamaga at impeksyon. Ito ay kadalasang matatagpuan sa mga makukulay na prutas at gulay tulad ng kalabasa, carrots, kamote, at cantaloupe.
Vitamin D
Ang isang paraan kung paano magpalakas ng immune system ay ang pagkunsumo ng mga pagkaing mayaman sa vitamin D. Vitamin D ay may mahalagang papel sa pag-absorb ng calcium para sa malakas na buto.
Gayunpaman, importante din ito sa pag-modulate ng innate at adaptive immune system response. Ibig sabihin mas madali ka na magkasakit kung kulang sa vitamin D ang iyong sistema.
Ang vitamin D ay karaniwang nasa dairy products. Ito rin ay matatagpuan sa mga isda tulad ng tuna, mackerel, at sardinas.
Kung kumakain ka naman ng mga pagkaing ito pero sa tingin mo ay may kakulangan ka sa vitamin D, huwag mag-atubiling makipag-usap sa iyong doktor. Nahihirapan ang ilang tao na iproseso ang vitamin D kaya maaaring kailanganin nilang uminom ng supplement para mapalakas ang paggamit ng katawan nito.
Vitamin B6
Isang mahalagang role ng vitamin B6 ay ang pagsuporta nito sa iba’t-ibang biokemikal na reaksyon sa ating immune system. Ito ay kadalasang matatagpuan sa manok, gayundin sa isda tulad ng salmon at tuna.
Ang mga berdeng gulay at chickpeas ay naglalaman din ng vitamin B6, kaya mabuting isama ang mga ito sa iyong diet.
Protina
Ang protina ay responsable para sa pagbuo at pag-aayos ng ating muscle tissue. Gayunpaman, may mahalagang papel din ito pagdating sa ating immune system. Dagdagan ang pagkunsumo ng mga pagkaing mayaman sa protina para sa mabilis na pagpapalakas ng immune system.
Ang mga taong may kakulangan sa protina ay may mas mahinang immune system, at madaling mahawahan ng sakit. Sa pamamagitan ng pagtiyak na ikaw ay kumakain ng sapat na protina, maaari mong palakasin ang iyong immune system, at maiwasan ang sakit.
Ang mga pagkaing mayaman sa protina ay kinabibilangan ng lean meat tulad ng manok, baka, baboy, at isda. Ang mga gulay na mayaman sa protina ay ang mga mani at beans.
Folic Acid
Pagdating sa kung paano mabilis na palakasin ang immune system, ang folate ay isang mahalagang nutrient. Ang pangunahing role nito ay ang paggawa at pag-aayos ng DNA, kaya kung kulang sa folate, maaaring tumaas ang panganib na ma-impeksyon.
Ang folate ay matatagpuan sa mga pagkain tulad ng mustard greens, chicken liver, asparagus, okra, at broccoli. Bukod dito, ang isang synthetic na uri ng folate, na tinatawag na folic acid, ay maaaring mabili bilang supplement. Karamihan sa mga buntis ay umiinom din ng folic acid dahil nakakatulong ito sa paglaki ng fetus.
Iron
Ang iron ay isa pang sustansya na makakatulong sa pagpapalakas ng immune system ng isang tao. Ang pangunahing tungkulin nito ay nagdadala ng oxygen sa mga cell ng katawan.
Ito ay matatagpuan sa mga pagkain tulad ng atay, lean meat tulad ng manok, isda, baboy, at baka.
Selenium
Ang selenium ay may mahalagang papel sa immune system ng iyong katawan. Sa katunayan, ito ay napatunayan na nagpapabagal sa pagtugon ng katawan sa mas agresibing mga uri ng kanser. Ito ay gumagawa ng isang mahalagang sustansya pagdating sa iyong immune system.
Ang Selenium ay matatagpuan sa bawang, sardinas, brazil nuts, broccoli, at barley.
Zinc
Panghuli, ang zinc ay isang mineral na karaniwang matatagpuan sa mga alimango, lean meat, at manok. Makakatulong ito na pabagalin ang immune response at pamahalaan ang pamamaga sa katawan.
Ang pagkakaroon ng kakulangan sa zinc ay may negatibong epekto sa kalusugan ng isang tao at mas madaling kapitan ng sakit.
Key Takeaways
Paano magpalakas ng immune system? Kailangan mo ng mga bitamina at mineral para masiguro ang tamang paggana ng iyong katawan. Bagamat makukuha ang karamihan sa mga sustansyang ito mula sa balanseng pagkain, maaari mo ring makuha ang mga ito sa pamamagitan ng mga supplement. Palagiang kumunsulta sa iyong doctor tungkol sa paggamit ng mga ito.
Alamin ang tungkol sa Healthy Eating dito.
[embed-health-tool-bmi]