Ang pagkakaroon ng obesity ay isang kondisyon na nakakaapekto sa higit sa 650 milyong adults sa buong mundo. Ito ay pinaka karaniwang kondisyon sa buong mundo, at ang obesity sa Pilipinas ay isang malubhang problema sa kalusugan.
Makatotohanan ito dahil ang obesity ay maaaring humantong sa malubhang problemang pangkalusugan tulad ng sakit sa puso, hypertension, diabetes, at kanser.
Ano ang Kahulugan ng Pagiging Obese?
Kadalasan, iniuugnay ng mga tao ang pagiging obese sa timbang niya. Bagama’t totoo na ang obesity ay tumitimbang ng higit sa karaniwang tao, ngunit hindi lamang ito ang tanging paraan upang matukoy kung ang isang tao ay obese o hindi.
Ang pangkalahatang kahulugan ng obesity ay pagkakaroon ng labis na taba sa katawan. Ang sobrang taba na ito ay magdudulot ng maraming masamang epekto sa kalusugan, at ito ang dahilan kung bakit ang mga obese ay mas madaling magkaroon ng mga problema sa kalusugan kumpara sa iba.
Isang maling palagay sa obesity ay may kaugnayan sa kosmetiko. Gayunpaman, ang obesity ay isang malubhang problema sa kalusugan.
Ito ang dahilan kung bakit ang obese ay inirerekomenda na magbawas ng timbang at sikapin na magkaroon ng wastong timbang hangga’t maaari
Paano ang mga Taong Sobra ang Timbang?
Karaniwang tanong, ay kung ang mga taong sobra sa timbang ay pareho ang panganib sa kalusugan gaya ng mga obese. Ang sagot ay oo, kahit na ang mga taong sobra sa timbang ay maaaring magkaroon ng bahagyang problema kumpara sa mga taong obese.
Dahil ang mga taong sobra sa timbang ay mayroon pa ring labis na taba sa katawan at pinapataas nito ang panganib na magkaroon ng mga problema sa kalusugan.
Kaya mahalaga para sa mga taong sobra sa timbang na subukan at bawasan ang kanilang timbang, at panatilihin itong mababa kung gusto nilang maging mas malusog.
Pagkakaroon ng Obesity sa Pilipinas
Katulad sa ibang bansa, ang obesity sa Pilipinas ay isang seryosong problema sa kalusugan.
Sa kabila nito, mahirap makahanap ng estadistika, pag-aaral, at impormasyon tungkol sa estado ng obesity sa bansa.
Ngunit batay sa isang pag-aaral na isinagawa, sa 9,000 na may sapat na gulang noong 2013, humigit-kumulang 30% sa kanila ay obese.
Napag-alaman din na ang mga taong naninirahan sa urban na lugar ay may posibilidad sa pagkakaroon ng obesity kaysa sa rural.
Ang isa pang kadahilanan upang madagdagan ang pagkakaroon ng obesity ay ang economic status. Ang mga taong sobra sa timbang ay may posibilidad na mas mayaman kumpara sa may malusog na timbang o kulang sa timbang.
Nangangahulugan ito na ang mga salik ng pamumuhay ay malaki ang papel sa paglaganap ng labis na obesity sa bansa.
Paano Malalaman Kung Ikaw ay Obese?
Isang karaniwang tanong, kung paano malalaman kung ikaw ay obese o hindi? Dahil ang obesity ay isang kondisyon, kailangan itong masuri ng isang doktor, at ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan.
Paano masasabing ang tao ay Clinically Obese ?
Ang pagkakaroon ng obesity ay karaniwang sinusukat gamit ang BMI o Body Mass Index ng isang tao. Ito ay isang paraan ng pagkalkula kung gaano karami ang mass na taglay ng isang tao kaugnay ng kaniyang taas.
Ang pormula na ginamit ay hinahati ang timbang (kilo) sa taas (metro kwadrado).
Narito ang ibig sabihin ng mga numero ng BMI ng isang tao
- BMI ay mas mababa sa 18.5, nangangahulugan na kulang sa timbang.
- Pagkakaroon ng BMI na 18.5 hanggang 24.9, nangangahulugan na normal.
- BMI na 25.0- 29.9, nangangahulugan na sobra sa timbang.
- BMI na 30 pataas, nangangahulugan na obese.
May limitasyon ang paraang BMI dahil hindi nito isinasaalang-alang ang muscle mass. Ang muscle mass ay mas siksik kumpara sa taba, kaya ang isang matipuno at maskuladong tao ay maaaring magkaroon ng parehong timbang sa isang obese, ngunit walang nauugnay napanganib sa kalusugan. Ito ang dahilan kung bakit ang timbang ay hindi ang pinakatumpak na paraan ng pagsukat ng kalusugan ng tao.
Ang pinaka epektibo at pinakatumpak na paraan ay ang pagkonsulta sa iyong doktor.
Gayunpaman, ang paraang BMI ay maaaring magbigay ng makatwirang pagkalkula kung obese o hindi. Maaari mong suriin ang iyong BMI dito.