Iba’t-iba ang pamamaraan ng pagproseso ng pagkain ng iba’t-ibang mga tao. Minsan, ang mga taong sumusunod sa mahigpit na diyeta ay halos hindi nababawasan ng timbang habang ang iba ay kumakain ng sitsirya araw-araw at halos hindi nadadagdagan ng timbang. Maraming mga kadahilanan, tulad ng henetika at pamumuhay. Ngunit maaari nga ba na may papel ang mabilis o mabagal na metabolism sa pagpapapayat, gaya ng paniniwala ng marami?
Ano ang metabolismo?
Ang metabolismo ay ang proseso kung saan ginagawang enerhiya ng iyong katawan ang pagkain na iyong kinakain. Kahit na mukhang wala kang ginagawa para gumamit ng enerhiya, ang iyong katawan ay patuloy na nagsusunog ng mga kaloriya para sa hindi sinasadyang mga proseso tulad ng paghinga, sirkulasyon ng dugo, pagsusulsi ng selula, at pagsibol ng tao. Nangangahulugan ito na nagsusunog ka ng mga calories kahit sa labas ng iyong mga sesyon sa gym!
Ang enerhiya na ginagamit ng iyong katawan para sa mga pangunahing, hindi sinasadyang mga proseso na ito ay tinatawag na basal metabolic rate. Maraming salik ang nakakaapekto sa kung gaano kabilis o kabagal ang metabolismo, at kadalasan, ang tinutukoy ng mga tao ay ang basal metabolic rate kapag pinag-uusapan nila ang “mabilis” o “mabagal” na metabolismo. Ang mga salik na ito ay edad, laki at komposisyon ng katawan, henetika, at kasarian.
Ang mabagal na metabolism ba ang dapat sisihin para sa obesity?
Ang metabolismo ay malamang na hindi masisisi para sa labis na katabaan. Ang metabolismo na sapat na mabagal upang magdulot ng anumang malubhang panganib sa kalusugan ay bihira lamang. At kadalasan, ang pagiging sobra sa timbang o obese ay resulta ng ugnayan ng diyeta at pamumuhay.
Mayroon pang ibang mas maaaring mga kadahilanan na nag-aambag sa labis na katabaan kaysa sa mabagal na metabolism. Ang ilan sa mga ito ay kalabisan sa kalorya o caloric surplus, ilang mga gamot, genetics, kakulangan sa pisikal na aktibidad, di sapat na pagtulog at iba pang mga gawain na masama sa katawan. Kahit ang pagsasagawa ng mga crash diet o mabilisang pagdidiyeta na may mahigpit na limitasyon sa kaloriya na sumisira sa masa ng laman ay maaaring maging isang kadahilanan.
Maaari bang pabilisin ang metabolismo?
Ang metabolismo ay kadalasang wala sa kontrol ng isang indibidwal. Ngunit dahil ang komposisyon ng katawan ay isa sa mga bagay na nakakaapekto dito, ang pagbuo ng mas maraming masa ng kalamnan ay dadagdag sa kaloriya na sinusunog mo sa isang araw. Ito talaga ang dahilan kung bakit may “mabilis” na metabolismo ang ilang tao kumpara sa mabagal na metabolism. Ang kanilang mga katawan ay may mas maraming kalamnan kaysa sa taba, hindi alintana kung ito ay mula sa genetika o kanilang pamumuhay. Ang mga taong may mabagal na metabolism ay ang kabaligtaran.
Ang mga kalamnan ay nagsusunog ng mas maraming enerhiya kaysa sa taba, na nagpapataas ng caloric intake o kaloriya na kailangan mo. Ginagawa nitong mas madaling makamit ang isang kakulangan sa kaloriya sa halip na isang kasobrahan.
May isang marupok na patibay na ang pagkain tulad ng kapeng barako, mga inuming pampalakas, berdeng tsaa, at pampalasa ay nagpapabilis ng iyong metabolismo. Gayunpaman, maaaring mas simple na bawasan ang mga kaloriya na iyong kinokonsumo (kumain ng mas kaunti) at dagdagan ang oras na iyong nilalaan sa pagsunog ng mga kaloriya (mag-ehersisyo nang higit pa).
Mahalagang tandaan na bumabagal ang metabolic rate habang tumatanda ka. Kaya kahit na kumakain ka ng parehong dami ng pagkain mula noong bata ka pa, maaaring may punto sa hinaharap na ang iyong metabolic rate ay bumagal nang sapat upang maging sanhi ng pagtaas ng timbang nang hindi kumakain ng anumang karagdagang pagkain.
Mga mabisang paraan ng pagsunog ng mga Kaloriya at pamamahala ng obesity
Maraming mabisang paraan ng pagsunog ng mga kaloriya. Kabilang dito ang rekomendasyon ng mga eksperto na:
- 150 minuto ng aerobic activity o cardiovascular exercise (mga ehersisyo na nakakapagpabilis ng tibok ng puso) sa isang linggo
- Pagsasanay ng lakas ng dalawa o higit pang araw sa isang linggo
- Gawing bahagi ng iyong pang-araw-araw na gawain ang ehersisyo sa pamamagitan ng pagpili sa pagbibisikleta, paglalakad sa mga lugar, at pag-akyat sa hagdan sa halip na ang elevator
Mayroong iba pang mga paraan ng pamamahala ng labis na katabaan, tulad ng pagtukoy ng iyong metabolic rate at ideal na caloric intake sa tulong ng isang propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan tulad ng isang nutritionist.
Magandang ideya din na kunin ang iyong mga kaloriya mula sa masustansyang pagkain at walang taba na protina na tutulong sa iyo na bumuo ng masa ng kalamnan. Kasabay nito, dapat mong iwasan ang saturated fat, simpleng carbohydrates, at pino o naprosesong asukal.
Ihiwa-hiwalay ang iyong mga kaloriya sa tagal ng isang araw sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas maliliit at mas madalas na pagkain sa pagitan ng masustansyang merienda. Sa ganitong paraan ang iyong katawan ay kumonsumo ng mas maraming enerhiya.
Panghuli, siguraduhing hindi magutom o ma-dehydrate ang iyong sarili dahil maaaring maging kontra-produktibo iyon sa iyong paglalakbay sa pagkontrol ng timbang.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa obesity dito.
[embed-health-tool-bmr]