Katulad ng mayroong mga masustansyang carbohydrates at protina, mayroon ding mga good sources ng fats. Ano ang good fats? At nakatutulong ba ito sa obesity? Alamin dito.
Hindi Lahat ng Fats ay Masama
Kung nais mo magkaroon ng mas masustansyang diet, isa sa mga unang instinct ay tanggalin ang lahat ng fatty foods. At habang tama ka sa hindi pagkakaroon ng extra serving ng bacon at pagtanggal ng fatty part ng karne, kailangan mong malaman na hindi lahat ng fat ay masama.
Ang fat ay isa sa mga macronutrients (kasama ng carbs at protina) na kailangan sa ating diet. Mahalaga ang pagkakaroon ng good sources dahil ang mga ito ay:
- Nagbibigay ng enerhiya
- Pumoprotekta sa organs
- Nagre-regulate ng temperatura
- Nakatutulong sa absorption ng nutrisyon
- Nagpo-produce ng hormones
Ang bottom line ay, kung nag-iisip ng masustansya at balanseng diet, kailangan mo ng sapat na dietary fat mula sa good sources. Ngunit, ano ang good fats, at makatutulong ba sila sa obesity?
Ano ang Good Fats?
Ano ang good fats? Ang good fats ay mahalaga sa “unsaturated” na uri na naglalaman ng monounsaturated fat at polyunsaturated fat.
Ang mga uri ng fat na ito ay maaaring:
- Magpababa ng banta ng karamdaman, partikular na ang sakit sa puso at stroke
- Magpababa ng lebel ng triglyceride at bad cholesterol
- Maiwasan ang abnormal heart rhythms
- Maiwasan ang atherosclerosis
- Makatulong na mapabuti ang blood pressure
Ang bad fat sa kabilang banda ay nagpapataas ng banta sa mga sakit kahit na ikonsumo ng kakaunti. Kabilang sa bad fats ang saturated, hydrogenated, at trans-fat.
Nakatutulong ba ang Good Fats sa Obesity?
Ang ilang pag-aaral ay tinalakay ang positibong resulta ng good fat at obesity.
Una, ang walong taon na pag-aaral kabilang ang 42,000 na middle-aged at matatandang babae ay nagpakita ng mataas ng konsumo ng bad fat na naiugnay sa pagdagdag ng timbang, ngunit ang mataas na konsumo ng good fat ay wala.
May isa pang pag-uulat na nabanggit na ang pagkonsumo ng masustansyang fat ay nakapagpapabuti ng lebel ng cholesterol at nakapagpapabawas ng banta ng obesity.
Sa huli, ang mga mananaliksik ay nagsabing wala pa ring konkretong ebidensya na ang pagpapalit sa bad fat ng good fat ay nakatutulong sa pagpapapayat. Gayunpaman, sinabi nila na ang diet na mataas sa good fat at mababa sa bad fat ay maaaring magpababa ng kabuuang lebel ng cholesterol sa isang metabolically na malusog na obese.
Ano ang Good Fat at Pinagmumulan nito?
Ngayong mayroong mas malinaw na pagkakaunawa sa kung gaano kahalaga na pumili ng unsaturated fat, talakayin natin ang pinagmumulan nito.
Sa kabuuan, ang good fats ay liquid sa room temperature. Ilan sa mga karaniwang pinagmumulan ng mono at polyunsaturated fats ay mga:
- Mani at seeds
- Avocados
- Plant oils, kabilang ang canola at olive
- Soybeans
- Seafood, tulad ng mackerel, salmon at herring
Ang bad fats sa kabilang banda ay solid sa room temperature. Makikita ito sa keso, cream, butter, lard, at animal at processed na karne. Maging ang ilang oil tulad ng palm oil ay mataas din sa uri ng bad fat.
Tips sa Pagkonsumo ng Masustansyang Fat
Ang unang mahalagang tip ay palitan ang bad fat ng good fat habang inaalala na kailangan pa rin itong ikonsumo na may moderasyon. Tandaan na ang fats, kahit na anong pinagmulan, naglalaman pa rin ito ng calories, at ang pagkonsumo nang sobra ay hahantong sa pagdagdag ng timbang.
Karagdagang tips:
- Kumain ng seafood (sa halip na karne ng hayop) dalawang beses kada linggo. Ang omega-3 fatty acids sa seafood ay maaaring makatulong na mapababa ang blood pressure.
- Gumamit ng oil sa halip na butter
- Pumili ng lean meat at skinless poultry. Huwag ding kalimutan na tanggalin ang visible fat sa karne.
- Maglimita ng konsumo ng processed at fast food
- Maging maingat sa mga pagkain na may “zero trans fat” na labels. Maaaring may laman itong trans fat, ngunit maaaring makaranas ng fatty acids.
Key Takeaways
Inirerekomenda ng mga eksperto ang pagpapalit ng bad fat papuntang good fat habang kumokonsumo nang may moderasyon.
Matuto pa tungkol sa Obesity dito.
[embed-health-tool-bmr]