Ano ang mga benepisyo ng lemongrass tea? Sa pangkalahatan, ligtas at masustansyang herbal na tsaa ang tanglad. Madali itong patubuin at hanapin sa mga pamilihan. Mayroon itong anti-inflammatory, antimicrobial, at anticancer properties. Makatutulong din itong protektahan ang iyong stomach lining at mapabuti ang lagay ng mga taba sa katawan (e.g. cholesterol, triglycerides). Maraming pag-aaral tungkol sa lemongrass ang naisagawa gamit ang essential oil nito, hindi sa tsaa. Marami pang pag-aaral ang kailangan gamit ang lemongrass tea upang makumpirma ang benepisyo nito sa kalusugan.
Huwag mong gagamutin ang sarili mo gamit ang lemongrass tea o gamitin ito bilang kapalit ng inireseta sayong mga gamot nang walang pahintulot ng iyong doktor.
Mga Benepisyo ng Lemongrass Tea
Ang lemongrass, kilala bilang citronella, ay isang mataas na patusok na halaman na kadalasan ginagamit bilang panlaban sa lamok at bilang sangkap sa pagluluto, partikular na ang Thai food.
Isa sa mga popular na paraan upang ikonsumo ang lemongrass ay sa pamamagitan ng tsaa. Isang baso ng lemongrass tea ang pwedeng panggamot sa masamang tiyan, stomach cramps, at iba pang problema sa panunaw. Ang National Institute of Health ay naglathala ng pag-aaral sa mga daga noong 2012 na nagsasabing maaaring magamit ang lemongrass sa paggamot ng stomach ulcers. Ngunit kulang pa ang pag-aaral dito kung kaya’t nangangailangan pa ng mas maraming data ukol dito.
Ang lemongrass ay ginagamit ding lunas upang makatulog, makabawas ng kirot o sakit, at magpalakas ng resistensya.
1. Anti-inflammatory qualities
May taglay na ilang antioxidants ang lemongrass. Nakatutulong ito upang maalis ang free radicals sa iyong katawan na nagdudulot ng sakit. Ang mga antioxidant na ito ay chloroge at limonene. Ang lemongrass ay may taglay na ilang mineral, kabilang na ang calcium (3 mg), potassium (34 mg), manganese (0.2 mg), magnesium (2.9 mg), at iron (0.4 mg).
2. Antibacterial qualities
Ano ang mga benepisyo ng lemongrass tea? Makatutulong ang lemongrass tea upang gamutin ang mga impeksyon sa bibig at cavities dahil sa antimicrobial properties nito. Ang essential oil nito at bioactive component na citral ay napag-alamang may taglay na mataas na kapasidad para labanan ang bacteria at fungi. May antibacterial activity rin ang lemongrass essential oil laban sa Streptococcus mutans. Ito ang pangunahing bacteria na responsable sa pagkasira ng ngipin.
3. Anti-inflammatory qualities
Malaki ang ginagampanan ng pamamaga o inflammation sa maraming kondisyon, kabilang na ang sakit sa puso at stroke, ayon sa Memorial Sloan Kettering Cancer Center. May taglay ang lemongrass na quercetin, isang flavonoid na may antioxidant at anti-inflammatory properties. Binabawasan ng quercetin ang pamamaga, na pumipigil sa paglaki ng mga cancer cell at nakaiiwas sa pagkakaroon ng sakit sa puso.
4. Maaaring mapababa ang panganib ng cancer
Ano ang mga benepisyo ng lemongrass tea? May ilang component ang lemongrass na lumalaban sa cancer, maaaring direktang pumupuksa sa cell, o sa pamamagitan ng pagpapalakas ng iyong immune system upang mas maging malusog ang iyong katawan. Kapag isinama sa chemotherapy at radiation, maaaring gamitin ang lemongrass tea bilang adjuvant therapy, ngunit kailangang may pagsang-ayon ng isang oncologist.
5. Sumusuporta sa magandang panunaw
Ang isang tasa ng lemongrass tea ay pwedeng maging alternatibong remedyo para sa masamang tiyan, pamumulikat ng tiyan, at iba pang problema sa panunaw. Nakatutulong ito upang guminhawa sa pagduduwal, constipation, bloating, at nagpapakalma ng tiyan upang maging maayos ang iyong digestive system.
6. Diuretic properties
Isang natural diuretic ang lemongrass tea. Dinadagdagan ng diuretic ang kapasidad ng katawan na umihi upang mapalabas ang toxins, extra fluids, at extra sodium sa katawan. Kung may edema o manas ka, liver failure, o heart failure, hindi sapat ang lemongrass tea at maaaring resetahan ka ng doktor ng gamot na diuretic.
7. Nakatutulong makabawas ng timbang
Ginagamit ang lemongrass tea bilang detox tea upang maging maayos ang iyong metabolismo at matulungan kang mabawasan ang timbang. Bagaman ang karamihan sa mga pag-aaral tungkol sa lemongrass tea at pagbaba ng timbang ay kadalasang base sa personal na karanasan at hindi scientific, maaaring makatulong ito upang mabawasan ka timbang (na limitado sa tubig ng katawan).
Sa pangkalahatan, ang pag-inom ng herbal na mga tsaa tulad ng lemongrass bilang kapalit ng soft drinks at iba pang inuming maraming asukal ay makatutulong upang mabawasan ka ng timbang. Gayunpaman, hindi ka dapat iinom ng lemongrass tea lamang dahil mapatataas nito ang panganib mo mula sa mga side effect.
Konklusyon
Ano ang mga benepisyo ng lemongrass tea? Napag-alamang sa mga pag-aaral sa hayop at laboratoryo na may anti-inflammatory, antibacterial, at anticancer properties ang lemongrass. Nakatutulong din itong protektahan ang iyong linya ng tiyan, at nakakatulong magpaganda ng estado ng taba sa katawan. Ligtas at masustansya inumin ang lemongrass tea sa tamang dose o dami.
Marami pang pag-aaral ang kailangan hinggil sa paggamit ng lemongrass tea sa mga tao upang makumpirma ang mga benepisyo nito sa kalusugan. Karamihan kasi sa mga pag-aaral nito ay gumamit ng lemongrass essential oil kaysa sa lemongrass tea.
Kapag walang pahintulot ng doktor, huwag mong gagamutin ang iyong sarili gamit ang lemongrass tea o bilang kapalit sa anumang iniresetang gamot para sa anumang sakit.
Matuto pa tungkol sa Nutrition Facts dito.
[embed-health-tool-bmr]