backup og meta

Bakit Mabuti Para sa Kalusugan ang Pagkain ng Almusal

Bakit Mabuti Para sa Kalusugan ang Pagkain ng Almusal

Ang almusal ay ang pinakamahalagang pagkain sa araw. Madalas nating naririnig ang pahayag na ito, ngunit nakatutulong na malaman kung bakit mabuti para sa kalusugan ang pagkain ng almusal. Narito ang siyensiya sa likod nito.

Bakit Mabuti para sa Kalusugan ang Pagkain ng Almusal?

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga benepisyong suportado ng siyensiya ng pagkain ng masustansyang almusal:

Nakatutulong ang Pagkain ng Almusal sa Pagpababalik ng Iyong Metabolismo

Maaari mong sabihin na ang metabolismo ay mayroong dalawang mode isa ay ang energy-gathering mode, ang pangalawa naman ay ang energy-mobilizing mode. 

  • Ang mode ng pangangalap ng enerhiya (energy-gathering mode) ay nangyayari kapag kumakain tayo ng pagkain.
  • Kinokolekta ang glucose mula sa mga carbohydrates sa diet, ginagamit ang karamihan sa kung ano ang nakuha para sa mga aktibidad ng araw, at itinatago ang natitira para sa mga reserba.
  • Habang nagfa-fasting, tulad ng kapag tayo ay natutulog, ang energy-mobilizing mode ng metabolismo ay nagsisimula.
  • Ang nangyayari ay ginagamit ng ating katawan ang mga reserbang glucose nito upang mapanatili ang mahahalagang mga proseso, tulad ng paghinga at pag-aayos ng mga nasirang tissue.
  • Tinitiyak din nito na ang ating dugo ay may normal na antas ng glucose.
  • Ang energy-mobilizing mode ay lalong mahalaga para sa utak dahil dito halos umaasa ang glucose at wala itong sariling reserba.

Ang pagkain ng almusal ay mabuti para sa kalusugan dahil naibabalik nito ang ating metabolismo.

Dahil ang reserbang glucose (glucose reserves) ay nauubos mula sa gabi ng pag-fafasting, ang pagkain ay nagtutulak sa ating katawan na mag-imbak muli ng glucose.

Iniiwasan nito ang Pagiging Mahina at Matamlay

Isa sa mga benepisyo ng pagkain ng masustansyang almusal ay makatutulong ito sa pagpapalakas ng pagpapagana ng utak.

Gaya ng nabanggit kanina, ang ating utak ay kadalasang nakadepende sa glucose para sa enerhiya.

Ang hindi pagkain ng almusal ay nagpapanipis ng mga reserbang glucose ng katawan, na nagdudulot ng pag-alis sa utak ng enerhiya na kailangan nito.

Ito ay humahantong sa pagkahapo, kawalan ng pokus, at pagkawala ng memorya. Bilang resulta, kahit na ang mga simpleng gawain ay maaaring maging mas mahirap gawin.

Ito ay Mainam para sa Body Mass Index

Ang mga taong gustong pumayat ay madalas na hindi kumakain ng almusal dahil ang kanilang layunin ay bawasan ang bilang ng mga calorie na kanilang kinukunsumo. Bagama’t tila lohikal ito, iba ang ipinapakita ng mga pag-aaral.

Sa isang pag-aaral na kinasasangkutan ng mga lalaki at babae ng Japan, nalaman ng mga mananaliksik na ang paglaktaw ng almusal ay nakatutulong sa taunang pagbabago sa circumference ng baywang ng lalaki at body mass index.

Bukod dito, inihayag din nila na ang pagkain ng almusal nang hindi bababa sa 4 na beses sa isang linggo ay maaaring maiwasan ang labis na pagtaas ng timbang sa katawan.

Napansin ng researchers na ang paglaktaw ng almusal ay may mas malaking impluwensya sa circumference ng baywang at BMI ng isang tao kaysa sa pagkain ng hapunan nang wala pang 3 oras bago matulog.

Para sa kadahilanang ito, ligtas na sabihin na ito ang dahilan kung bakit mabuti para sa kalusugan ang pagkain ng almusal, lalo na sa iyong timbang.

Ito ay Tumutulong Makaiwas sa Nutrient Deficiency

Bakit mabuti para sa kalusugan ang pagkain ng almusal?

Ayon sa mga eksperto, ito ay dahil nagbibigay ito ng mahahalagang sustansya na kailangan mo upang magpatuloy sa araw-araw. Binibigyang-diin ng mga siyentipiko na ang mga taong regular na kumakain ng masustansiya na almusal ay mas malamang na matugunan ang kanilang inirerekumendang dietary intake ng mga nutrients tulad ng iron, fiber, calcium, at B na mga bitamina.

Karamihan sa mga mahahalagang bitamina at mineral ay makukuha lamang sa pamamagitan ng ating diet. Kaya ang hindi pagkain ng almusal ay nangangahulugan ng isang mas kaunting pagkakataon na mag-imbak ng mga nutrients na ito.

Binabawasan nito ang Panganib sa Sakit sa Puso

Bukod sa mga benepisyo ng pagkain ng masustansyang almusal, maaari rin nitong maiwasan ang ilang mga kondisyon sa kalusugan.

Ipinakikita ng isang pag-aaral na ang paglaktaw ng almusal araw-araw ay nauugnay sa mas mataas na panganib sa mga cardiovascular diseases. 

Ang parehong pananaliksik ay hinighlight na ang pagkain ng almusal kahit isang beses lamang sa isang linggo ay maaaring potensyal na maiwasan ang mga sakit sa puso.

Nakatutulong ito sa Pagiwas sa Type 2 Diabetes

At sa huli, isa sa pinakamahalagang dahilan kung bakit mabuti para sa kalusugan ang pagkain ng almusal ay makatutulong upang maiwasan ang Type 2 diabetes.

Natuklasan ng ilang mananaliksik na kapag mas madalas kang lumaktaw ng almusal sa isang linggo, mas mataas ang iyong panganib na magkaroon ng type 2 DM.

Ang malakihang pag-aaral na ito na may higit sa 96,000 kalahok ay nagha-highlight na ang paglaktaw ng almusal kahit isang beses lang sa isang linggo ay nagpapataas ng iyong panganib na magkaroon ng Type 2 DM ng hanggang 6%.

Ito ay kung ikukumpara sa mga kumakain ng almusal araw-araw.

Mga Ideya para sa Masustansiyang Almusal

Inilatag na namin ang mga dahilan kung bakit mabuti para sa kalusugan ang pagkain ng almusal, ngunit narito ang isa pang mahalagang punto: Ang kinakain mo ay mahalaga.

Kung kaya, para matiyak na masustansiya ang iyong almusal, mangyaring isaalang-alang ang mga ideyang ito:

  • Plain variety ng quick oats na may iba’t ibang prutas para magkaroon ng lasa
  • Mga sariwang prutas na may hilaw at walang asin na mani
  • Mga smoothie na gawa sa sariwang prutas, yogurt, o gatas
  • High-fiber toast na may peanut butter spread
  • Pinakuluang itlog na may whole-grain toast
  • Mga isda at gulay
  • Mga protein bar at protein shakes

Ngayon, ang susunod na pagtutuunan ng pansin ay para mas maging inspirado kang kumain ng almusal araw-araw. Maaaring makatulong ang mga tip na ito:

  • Isaalang-alang ang pagpaplano at paghahanda ng pagkain sa gabi o sa katapusan ng linggo.
  • Kung nagmamadali ka, pumili ng mga madaliang mga almusal na maaari mong dalhin habang papunta sa trabaho.
  • Magdala ng mga portable na almusal sa trabaho.
  • Kung gusto mo ng bagong handa na almusal, subukang ugaliing gumising 10 hanggang 15 minuto bago ang iyong oras ng pagkain.
  • Magdagdag ng higit pang pagkakaiba-iba sa mga pagkain sa iyong refrigerator at aparador.

Mahalagang Mensahe

Batay sa mga benepisyong napatunayan ng siyensya na tinalakay namin sa artikulong ito, madaling makita kung bakit mabuti para sa kalusugan ang pagkain ng almusal sa pangaraw-araw.

Pinapabilis nito ang iyong metabolismo, pinapalakas o pinatatalas ang utak, binibigyan ka ng mahahalagang sustansya, at nakatutulong pa na maiwasan ang mga pangmatagalang kondisyon sa kalusugan.

Gayunpaman, bukod sa pagtigil sa fasting, mahalaga rin na maingat na piliin kung ano ang iyong kakainin. Magdagdag ng iba’t ibang prutas, gulay, maging mga whole grain sa iyong plato. At siyempre, magkaroon ng masustansyang inumin tulad ng smoothies at gatas.

Matuto pa tungkol sa Nutrition Facts dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Skipping breakfast and 5‐year changes in body mass index and waist circumference in Japanese men and women

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5478803/

Accessed October 7, 2020

Skipping Breakfast is Correlated with Obesity

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4310153/

Accessed October 7, 2020

Association between Breakfast Frequency and Atherosclerotic Cardiovascular Disease Risk: A Cross-Sectional Study of KNHANES Data, 2014–2016

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6572196/

Accessed October 7, 2020

Breakfast Skipping Is Associated with Increased Risk of Type 2 Diabetes among Adults: A Systematic Review and Meta-Analysis of Prospective Cohort Studies

https://academic.oup.com/jn/article/149/1/106/5167902

Accessed October 7, 2020

Breakfast-Skipping Linked to Type 2 Diabetes

https://newsroom.clevelandclinic.org/2019/04/02/breakfast-skipping-linked-to-type-2-diabetes/

Accessed October 7, 2020

Breakfast

https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/breakfast#:~:text=Breakfast%20is%20often%20called%20’the,nutrients%20required%20for%20good%20health.

Accessed October 7, 2020

The Science Behind Breakfast

https://www.rush.edu/health-wellness/discover-health/why-you-should-eat-breakfast

Accessed October 7, 2020

Kasalukuyang Version

05/31/2022

Isinulat ni Lorraine Bunag, R.N.

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?

Masustansya Ba Talaga Ang Pagkain Ng Isda Araw-Araw? Alamin Dito!


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Lorraine Bunag, R.N. · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement