Ang malnutrisyon ay ang kakulangan at hindi balanseng timbang, kahit na labis ang pag-intake ng enerhiya at nutrients. Karaniwang maiuuganay ang epekto ng malnutrisyon sa mga kondisyon ng sobrang pagiging underweight, labis na katabaan at kakulangan sa micronutrients sa malnutrisyon.
Ang kondisyong ito ay nakaaapekto sa malaking bahagi ng mga tao sa mundo, at 462 milyong matatanda ang kulang sa timbang, at 1.9 bilyong nasa hustong gulang ay sobra naman sa timbang. Habang 51.3 milyong ang mga batang wala pang 5 taong gulang ang may mababang timbang para sa kanilang taas, at nangyayari ito nang mas madalas sa mga low-to-middle-income communities. Kung saan ay mas kaunti lamang ang kanilang access sa masustansyang pagkain.
Mga Uri at Depinisyon
Bago natin pag-usapan ang epekto ng malnutrisyon ay mahalagang malaman natin kung anu-ano ang mga uri nito:
Kakulangan sa nutrisyon o Undernutrition
Ito ang hindi sapat na pag-intake ng enerhiya at nutrients para matugunan ang mga pangangailangan ng isang tao. Ito ang pinakakinokenekta ng karamihan sa malnutrisyon. Nahahati ito sa tatlong karagdagang kategorya:
Stunting. Ito’y tumutukoy sa pagiging maliit para sa’yong edad dahil sa undernutrition. Maaaring dahil ito sa poor socioeconomic condition, na isa sa pinagbabatayan na kondisyong medikal, o limitadong access sa pagkain.
Wasting. Ito’y kapag ang isang tao ay masyadong magaan (weight-wise) para sa kanilang taas dahil sa mga isyu sa nutrisyon. Ang wasting ay kadalasang kasama ng posibleng matinding pagbaba ng timbang. Dahil ito sa biglaang kakulangan sa pagkain o isang nakahahawang sakit.
Kulang sa timbang o underweight. Nangangahulugan ito ng pagiging masyadong magaan para sa edad ng isang tao. Ang pagiging kulang sa timbang ay maaari ring mangahulugan na ang tao ay nakararanas ng pagkabansot at/o wasting.
Micronutrient-Related Malnutrition
Ang pangalawang kondisyon ay ang micronutrient-related malnutrition, na kinabibilangan ng kakulangan sa mga bitamina at mineral. Ang mga pagkukulang na ito ay maaaring humantong sa mga posibleng komplikasyon sa kalusugan.
Obesity o Labis na Katabaan
Ang obesity, pagiging sobra sa timbang, at iba pang mga sakit na nauugnay sa diet-related diseases ay napapailalim sa malnutrisyon dahil madalas itong nagpapahiwatig ng kakulangan sa kalidad ng enerhiya. Ang mga sakit tulad ng kancer, diabetes, sakit sa puso, at stroke ay nasa ilalim din ng kategoryang ito.