Bagama’t kilala ang Bitamin B12 sa pagtulong na mapanatili ang nerve health, mahalaga din ito sa produksyon ng DNA at sa paggana ng utak. Dahil ang mga produktong galing sa hayop ay sagana sa B12, ang mga vegan at vegetarian ay nasa mas mataas na panganib para sa kakulangan sa B12.
Gayunpaman, kahit na ang mga taong kumakain ng karne ay maaaring kulang din ng B12 sa katawan. Kung dumaranas ka ng kakulangan sa B12, maaari kang magkaroon ng mga sintomas tulad ng brain fog, konstipasyon o diarrhea, tingling at pamamanhid, at maputlang balat.
Magnesium
Hindi tulad ng iba pang bitamina at mineral na napag-usapan na natin, ang magnesium ay hindi gaanong kilala. Sa katunayan, sinasabi ng mga eksperto na kahit ang nutritional value ng magnesium ay “underappreciated.”
Gayunpaman, ito ay mahalaga para sa maraming metabolic process, kabilang ang nerve at muscle function.
Isa sa mga dahilan kung bakit karaniwang problema sa nutrisyon ang kakulangan ng magnesium ay may kinalaman sa lupa. Ito ay dahil kung hindi sapat ang magnesium sa lupang tinaniman, kukulangin rin ang magnesium sa gulay.
Bukod pa rito, ang magnesium ay maituturing na “bulky” na sustansya – kaya, may posibilidad na ang tagagawa ng mga supplement ay nagsasama lamang ng kaunting dami nito. Ilan sa sintomas ng kakulangan sa magnesium ang lumalalang sintomas ng PMS, restless leg syndrome, pananakit ng ulo at migraine, at mga cavity.
Zinc
Ang zinc ay lubos na mahalaga upang itaguyod ang isang malakas na immune system. Ang mga taong may sapat na zinc sa kanilang katawan ay may mas malaking pagkakataong lumaban sa mga impeksiyon, gaya ng malaria, at mga nagdudulot ng pulmonya at pagtatae.
Kapag may kakulangan sa zinc ay maaaring magkaroon ng impaired immunity, kawalan ng gana sa pagkain, at para sa mga bata, pagpapahina ng paglaki.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap