Kapag tayo ay kumakain, mas madalas na exposed tayo sa cooking oil. Kung tutuusin, maraming uri ng pagkain na ating kinakain ang pinirito, o niluto sa cooking oil. Sa mga nakalipas na taon, mas maraming tao ang naghahanap ng pinakamasustansyang cooking oil o kahit mantika na may mas kaunting taba o hindi gaanong makakasama para sa pangkalahatang kalusugan ng isang tao.
Sa panahon ngayon, ang mas maraming kaalaman at kamalayan ay nagresulta sa pagpili ng iba pang mas healthy na cooking oil. Ang mga pagpipiliang ito ba ay sulit na mga kapalit? Dapat bang ang ibang mga oil na ito ang pumalit sa ginagamit mong cooking oil?
Ang pinakamasustansyang cooking oil
Ang vegetable oil at olive oil ang pinakamasustansyang cooking oil dahil mataas ang mga ito sa monounsaturated at polyunsaturated fats. Sa paggamit ng mga ganitong uri ng taba sa halip na saturated fats, ang panganib ng sakit sa puso ay mas mababa. Kaya mas pinipili ang mga oil na ito.
Ang pinakamasustansyang cooking oil ay dapat na angkop para sa deep frying. Kasama sa deep frying ang paglubog ng isang uri ng pagkain sa napakainit na mantika. Gaya ng nabanggit kanina, ang deep frying ay isang napaka-karaniwang tradisyunal na paraan ng pagluluto. Kailangan ng maingat na pagpili ng cooking oils sa deep frying. Dahil kung hindi, ang pagluluto mo ay maaaring maging hindi healthy para sa iyong pamilya. Ito ay nakasalalay lamang sa kung anong langis ang ginagamit mo para sa pagluluto ng iyong pagkain.
Ang temperatura ng langis na ginagamit para sa deep frying ay nasa 175-190°C. Samakatuwid, dapat na kayanin ng healthy cooking oil ang temperaturang ito. At ang smoke point ay dapat na mas mataas kaysa dito. Ang langis ay dapat na stable sa high heat at hindi dapat madaling mag-oxidize.
Olive oil ang itinuturing na pinakamahusay na all-around oil ng ilan. Dahil, sa 75%, ito ay may pinakamataas na monounsaturated fats sa lahat ng iba pang langis. Higit pa rito, naglalaman din ito ng maraming uri ng mahahalagang antioxidant na pinaniniwalaang may mahalagang papel sa maraming benepisyong pangkalusugan na nauugnay sa olive oil.
Ang pinakamasustansyang uri ay extra-virgin olive oil (EVOO). Makakatulong ito na mapababa ang iyong blood pressure at labanan ang pamamaga. Pinapababa nito ang risk ng sakit sa puso sa pamamagitan ng pagpapabuti ng kalusugan ng iyong blood vessels at pagpigil sa mga namuong dugo.
Mustard oil
Isa pa sa pinakamasustansyang cooking oil ang mustard oil. Ito ay itinuturing na isa sa healthiest edible oil. Dahil mayroon itong mababang saturated fats at mataas na halaga ng monounsaturated fat at polyunsaturated fatty acid, na mabuti para sa kalusugan.
Ang ganitong uri ng langis ay may mas mababa sa 7% saturated fats, mataas sa monounsaturated fats, at may kapaki-pakinabang na omega-3 fatty acid profile (na may mahusay na mga benepisyo sa kalusugan ng puso). Kinikilala din ito ng maraming health professional organizations.
Avocado oil
Ito ay angkop para sa mas mainit na pagluluto, na may smoke point na 271.11oC. Ang avocado ay medyo walang lasa, kaya mahusay itong gumagana para sa lahat ng iba’t ibang uri ng mga lutuin, pati na rin sa baked goods. Tulad ng olive oil, hanapin ang avocado oil na cold-pressed at nakaimbak sa isang dark-colored, glass container.
Anong mga oil ang dapat iwasan
Kung may healthy oils, ibig sabihin mayroon ding unhealthy oils. Ang mga langis na genetically modified at hindi stable ay nasa listahang ito. Kasama dyan ang peanut oil, corn oil, at soybean oil. Gayunpaman, ito ay talagang nakasalalay din sa kung anong pananaliksik ang makikita mo dahil habang pinupuri ng ilan ang mga benepisyo ng langis ng niyog, ang iba ay nangangatuwiran na ito ay halos saturated fat, na nagpapataas ng LDL cholesterol. Masama yan sa puso mo. Ang langis ng niyog ay halos walang bitamina at mineral.
Ganoon din ang masasabi sa canola oil, na kung saan sa ilang website ay nakalista ito na unhealthy habang ang iba ay sinasabi ito na mababa sa saturated fat pero mataas sa monosaturated na taba (tulad ng olive oil). Ang canola oil ay mayroon ding phytosterols, na maaaring makatulong na mapababa ang dami ng kolesterol na sinisipsip ng iyong katawan.
Ang mga oil na may mababang smoke points, tulad ng flaxseed, pumpkin seed, at walnut, ay pinakamainam gamitin sa salad dressings at dips.