backup og meta

Ano ang kombucha? Heto ang mga dapat mong malaman

Ano ang kombucha? Heto ang mga dapat mong malaman

Ano ang kombucha? Maraming tao ang naniniwala na ang kombucha ay nakatutulong na gamutin ang lahat ng uri ng chronic health problems. Kaya lang, kakaunti ang mga pag-aaral sa mga epekto ng kombucha. Gayundin, limitado ang mga patunay para sa epekto nito sa kalusugan. Sa isang banda, may sapat na katibayan para sa mga benepisyo ng tsaa at probiotics, na parehong makikita sa kombucha. Kung gusto mong subukan ang homemade kombucha, siguraduhing maayos itong  inihanda ito. Ang kontaminadong kombucha ay maaaring makasama kaysa mapabuti. 

Ano ang Kombucha?

May limitadong ebidensya na nagsasabi na ang kombucha tea ay maaaring may mga benepisyo na katulad ng mga probiotic supplement. Kabilang dito  ang pagtataguyod ng malusog na immune system at maiwasan ang constipation. Ang Kombucha ay pinaniniwalaang nagmula sa China o Japan. Ayon sa mga tagapagtaguyod, nakakatulong itong maiwasan at pamahalaan ang mga seryosong kondisyon sa kalusugan, mula sa blood pressure hanggang sa cancer.

Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga partikular na strain ng bacteria, yeast, at asukal sa black o green tea. Dahil sa paraan kung paano binabago ng bacteria at yeast ang likido sa proseso, ang kombucha ay tinatawag din na “mushroom tea.”

Ang blob na ito ay kilala bilang isang scoby. Ito ay symbiotic colony ng mga buhay na bacteria at yeast na maaaring gamitin sa paggawa ng sariwang kombucha. Ang acetic acid, mga bakas ng alkohol, at mga gas na nagiging sanhi ng pagiging carbonated nito ay lahat ay nagagawa sa panahon ng fermentation process.

Narito ang nangungunang mga benepisyo sa kalusugan ng kombucha:

  1. Probiotic source

Bagamat wala pang patunay ng probiotic effect, maraming bacteria din ang lumalago sa mixture. At naglalaman ito ng iba’t ibang uri ng lactic-acid bacteria na maaaring magsilbing probiotic. Ang probiotics ay nagbibigay sa bituka mo ng good bacteria na kailangan nito, at ang mga bakteria na ito ay makakatulong sa panunaw, pamamaga, at maging sa pagbabawas ng timbang.

  1. May pakinabang na tulad sa green tea

Ang green tea-based kombucha ay may maraming katulad na plant chemicals at marahil ay may ilang mga parehong mga pakinabang. May mga bioactive substance ang green tea, kabilang ang polyphenols, na nagsisilbing potent antioxidants sa katawan.

Ipinakita ng mga pag-aaral na ang tuloy-tuloy na pag-inom ng green tea ay makakatulong sa iyo na mabawasan ang timbang. Kasama din ang pag-regulate ang blood sugar levels, mapahusay ang cholesterol levels, at iba pa. Ayon pa sa mga pag-aaral, nagpapakita ng pagbaba ng pagkakaroon ng cancer sa suso at colon sa mga consumer ng green tea.

Ang green tea-based kombucha ay maaaring magbigay ng maraming katulad na health benefits tulad ng green tea, kabilang ang blood sugar regulation at weight loss.

  1. Antioxidants

Ipinakikita ng mga pag-aaral sa kombucha na ito ay may anti-bacterial, antioxidant, at anti-diabetic properties. Kasama rin ang kakayahan nitong magpababa ng cholesterol levels, suportahan ang immune system, at detoxification process ng atay. Ang mga antioxidant ay mga compound na nagpoprotekta sa iyong katawan mula sa free radicals na mga reactive molecules na maaaring makapinsala sa cells mo.

 Ang Kombucha ay tila may antioxidant effect sa atay, lalo na kapag tinimplahan ng green tea.

  1. Maaaring mapababa ang panganib ng sakit sa puso

Nangungunang sanhi ng kamatayan sa mundo ang sakit sa puso. At ang mga pag-aaral sa mga daga ay nagpapakita na ang kombucha ay maaaring makabuluhang mapabuti ang dalawang marker ng sakit sa puso, “bad” LDL at “good” HDL cholesterol, sa 30 araw.

Ang tea, lalo na ang green tea ay nagpoprotekta sa LDL cholesterol particles. Ito ay mula sa oxidation, na inaakalang nag-aambag sa sakit sa puso. Sa katunayan, ang mga umiinom ng green tea ay may hanggang 31% na mas mababang risk na magkaroon ng sakit sa puso. Ito ay isang benepisyo na tulad sa kombucha.

  1. Maaaring makatulong ang Kombucha sa type 2 diabetes management

Nalaman ng isang pag-aaral noong 2018 na ang kombucha ay may potensyal na kapansin-pansing magpababa ng blood sugar at hemoglobin a1c levels pati na rin ang pagtaas ng produksyon ng insulin. Ang type 2 diabetes ay nakakaapekto sa mahigit 300 milyong tao sa buong mundo. Ito ang pagkakaroon ng mataas na blood sugar levels at insulin resistance. Kaya ang pagsasama ng kombucha sa diet mo ay maaaring makatulong na ma-manage ang iyong kondisyon. 

Ang kombucha na gawa mula sa green tea ay malamang na maging mas kapaki-pakinabang. Dahil ang green tea mismo ay nagpapakitang nagpapababa ng blood sugar levels. Sa isang review study ng halos 300,000 katao ay natuklasan na ang mga umiinom ng green tea ay may 18% na mas mababang risk na magkaroon ng diabetes. Bagamat higit na pag-aaral pa ang kinakailangan para siyasatin ang mga natuklasang ito.

Konklusyon

Ano ang kombucha? Ang Kombucha ay isang probiotic-rich tea na may maraming potensyal na benepisyo sa kalusugan. Kabilang dito ang pagpapabuti ng panunaw, pag-alis ng mga lason sa katawan, at pagpapalakas ng enerhiya. Ito ay dapat na magpalakas sa immune system, tumulong sa pagbaba ng timbang, at labanan ang high blood pressure at sakit sa puso.  

Maaari kang bumili o gumawa nito sa bahay. Pero siguraduhin na maging maingat dahil ang marumi o labis na fermented kombucha ay maaaring magkaroon ng nakamamatay na kahihinatnan sa kalusugan.

Kung ihahambing sa maraming pag-aaral sa tsaa at probiotics, na parehong nasa kombucha, kakaunti ang pag-aaral sa mga epekto ng kombucha. At kakaunti din ang ebidensya para sa mga epekto nito sa kalusugan. Kung nais mong subukang gumawa ng sarili mong kombucha, siguraduhing ito ay maayos na inihanda. Dahil ang kontaminadong kombucha ay maaaring magkaroon ng higit na pinsala kaysa sa mabuti.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kombucha tea, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/consumer-health/expert-answers/kombucha-tea/faq-20058126, Accessed October 4, 2022

The Good Side of Bacteria, https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/the-good-side-of-bacteria, Accessed October 4, 2022

Good bacteria for your gut, https://www.mayoclinichealthsystem.org/hometown-health/speaking-of-health/good-bacteria-for-your-gut, Accessed October 4, 2022

Kombucha benefits and risks, https://www.hprc-online.org/nutritional-fitness/performance-nutrition/kombucha-benefits-and-risks, Accessed October 4, 2022

Kombucha, https://www.stclair.org/services/mayo-clinic-health-information/faqs/FAQ-20058126/, Accessed October 4, 2022

What are Kombuchas, https://health.clevelandclinic.org/what-are-kombuchas-health-benefits-and-how-much-can-you-safely-drink/, Accessed October 4, 2022

Kasalukuyang Version

10/17/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement