Kaalaman tungkol sa masustansyang pagkain ay mahalaga kung gusto mong makamit ang malusog na pangangatawan. Kasama dito ang mga impormasyon kung ano ang mga pagkain na dapat ilagay sa iyong plato. Pati na rin kung gaano karami ang dapat mong kainin at gaano kadalas ka dapat kumain.
Ang malusog na pagkain ay nangangahulugan ng pagkonsumo ng iba’t ibang uri ng pagkain mula sa bawat isa sa mga pangunahing grupo ng pagkain. Kasama sa konsiderasyon ang mga inirerekomenda na dami ng pagkain.
Ang iba’t ibang pagkain mula sa mga pangunahing grupo ay mga:
- Nagbibigay ng hanay ng mga sustansya sa katawan
- Nagtataguyod ng mabuting kalusugan
- Maaaring makatulong na mabawasan ang panganib ng sakit
- Pagpapanatiling kawili-wili sa iyong diyeta dahil may iba’t ibang lasa at texture
Kaalaman tungkol sa masustansyang pagkain: Bakit mahalaga?
Mahalagang alam mo kung anu-ano ang mga masustansyang pagkain dahil ang malusog na diyeta ay importante sa kalusugan. Mas madaling matututunan ng mga bata kung ano ang masustansyang pagkain kapag nakita nila sa paaralan ang mga pagkaing ito. Kung kaya, dapat gawing parte ng edukasyong pangkalusugan ang tamang nutrisyon.
Isa sa mahalagang impormasyon na dapat matutunan hindi lamang ng mga bata, kung hindi pati mga nakakatanda, ay ang limang pangkat ng pagkain na kinabibilangan ng sumusunod:
- Prutas
- Gulay
- Butil
- Protina
- Dairy
Kaalaman tungkol sa masustansyang pagkain
Ang mga pagkaing ito ay mga key building blocks ng pangkalahatang malusog na pattern ng pagkain. Kasama rin dito ang mga langis na pangunahing pinagmumulan ng essential fatty acids at ng Vitamin E. Ang ilan sa mga grupo ng pagkain ay hinati-hati pa sa mga subgroup upang bigyang-diin ang mga partikular na pagkain na pinagmulan ng ilang partikular na bitamina at mineral. Halimbawa, hinihikayat ng mga subgroup sa loob ng Grains Group ang buong butil, na nagbibigay ng mas maraming fiber, magnesium, at zinc kaysa sa mga pinong butil.
Kaalaman tungkol sa masustansyang pagkain at junk food
Karamihan sa mga pagkain na madalas na natatampok sa mga modernong diyeta ay hindi bahagi ng limang grupo ng pagkain. Ang mga pagkaing ito ay tinutukoy na junk food, discretionary choices o ‘paminsan-minsang pagkain’. Maaari itong tangkilikin kung minsan, ngunit hindi dapat isama sa regular o malusog na diyeta. Ang mga fats at oils ay mataas sa enerhiya ngunit kinakailangan lamang ang maliit na halaga nito para sa isang malusog na diyeta.
Mahirap man magsisimula, madaling gumawa ng maliliit na pagbabago upang mailapit ang iyong pagkain alinsunod sa masustansyang guidelines sa pagkain. Tumutok lamang sa pagkonsumo ng mga pagkain mula sa limang pangunahing grupo, at bawasan ang pagkain ng mga junk food.
Bakit hindi nirerekomenda ang junk food?
Ang mga junk food ay hindi itinuturing na masustansyang pagkain kung kaya hindi ito mahalaga sa isang malusog na diyeta. Mataas ang taglay nitong enerhiya at ang pagkain ng sobrang enerhiya sa kinakailangan ng iyong katawan ay hahantong sa pagtaas ng timbang. Hindi dapat kinakain ito ng regular dahil sa sumusunod na rason:
- Mataas sila sa saturated fat (fats na may koneksyon sa bad cholesterol)
- May dagdag na asukal, asin at alcohol
- May mababang nutrients tulad ng fiber
Anu-ano ang mga junk food:
- Matamis na biskwit
- Cakes
- Processed meats
- Pizza
- Hamburger
- Maalat na sausages
- Chips
- Ice cream
- Alak
- Gatas kondensada
Key Takeaways
[embed-health-tool-bmi]