Maraming tao ang mahilig sa matatamis na pagkain at meryenda. Hindi rin maiiwasan kung minsan ang pagdaragdag ng maraming asukal sa pagkain para ma-achieve ang tamis na gusto. Pero sa totoo lang, ang sugar ay maaaring magpataas ng panganib sa mga seryosong problema sa kalusugan, gaya ng diabetes at sakit sa puso.
Kaya naman marami ang sumusubok na kumain ng mga sugar substitutes. Ito ang mga pagkain na matamis ngunit hindi naglalaman ng asukal. Mayroon silang mas kaunting mga calorie kumpara sa asukal. Habang ang ilan naman ay walang calories.
Ang mga pagkaing may label na “sugar-free,” “keto,” “low carb” o “diet” ay kadalasang naglalaman ng mga sugar substitutes, na nahahati sa tatlong kategorya:
- artificial sweetener
- novel sweetener
- sugar alcohol
Bagama’t madalas tayong makakita ng sugar free foods sa mga grocery at tindahan ay hindi pa rin alam ng iba kung mas masustansya ba ang sugar free na pagkain. Kaya patuloy na basahin ang artikulong ito para malaman ang kasagutan.
Mas Masustansya Ba Ang Sugar Free Foods?
“A healthy eating plan for diabetes can include some sugar… however foods that are high in added sugars and poor sources of nutrients should be consumed sparingly… foods and drinks that have been sweetened with an alternative sweetener such as… sugar-free lollies etc, are best enjoyed occasionally…” mula sa Sugar Nutrition Resource Centre.
Ang sugar free foods ay maaaring pakinabangan ng mga taong may diabetes. Dahil pwede itong makatulong upang makontrol ang kanilang sugar level.
Gayunpaman kahit ang sugar free foods ay maaaring mag-alok ng mga distinct advantages para maiwasan ang post-prandial na pagtaas ng glucose sa dugo. Tandaan mo na hindi ito inirerekomenda ng diabetes health organization ang sugar-free diet. Sa halip, inirerekumenda nila ang isang malusog na balanseng diyeta na mataas sa fiber at pagkain ng mga food na mayaman sa carbohydrates.
Huwag mo ring kalilimutan na ang sugar free foods ay maaaring magbigay sa iyo ng maling mensahe tungkol sa mga processed food. Dahil ang isang pagkain na may label na mababang asukal o walang asukal ay maaaring hindi ang pinakamasustansyang pagpipilian. Sapagkat ang mga whole foods, tulad ng mga gulay at prutas ang kadalasang may pinakamagandang sustansya para sa ating katawan.
Iba Pang Mga Benepisyo Sa Kalusugan Ng Sugar Free Foods
Madaling malaman ang mga pagkain na sugar free dahil makikita naman ito sa pakete o food label ng isang produkto. Bukod sa nakakatulong ang sugar free foods sa mga diabetic na tao, narito pa ang ilan sa mga kilalang benepisyo:
- maaari nitong mapababa ang iyong panganib na magkaroon ng pagkabulok ng ngipin at mga cavity.
- hindi nito napapataas ang antas ng asukal sa dugo
- nakakatulong ito na i-manage ang timbang dahil ang sugar free foods ay kadalasang mababa sa calories o walang calories
Gayunpaman, ayon sa mga doktor mas mainam pa rin na kumain, magkaroon ng malusog na diyeta, at mag-ehersisyo para mas mapabuti ang kalagayan.
[embed-health-tool-bmi]
Key Takeaways
Ang sugar free foods ay maaaring maging isang panandaliang paraan para matulungan ang ilang tao na bawasan ang kanilang paggamit ng asukal. Subalit sa pangkalahatan ang sugar free foods ay ligtas naman para sa malusog na matatanda at bata.
Gayunpaman, dapat kang maging aware sa kung paano nakakaapekto ang sugar free foods sa’yo dahil maaaring masanay ang iyong tastebuds sa matamis na lasa na humahantong sa hindi madalas na pagkauhaw at pag-inom ng tubig. Kaya naman maganda kung magpapakonsulta ka rin sa isang eksperto o doktor upang mapayuhan ka sa dapat mong kainin at maiwasan ang anumang medikal na komplikasyon. Makatutulong din ang pagkausap sa isang doktor para malaman mo ang angkop na diyeta sa iyong kasalukuyang estado ng kalusugan.
Matuto pa tungkol sa Masustansyang Pagkain dito.