backup og meta

Bakit Maraming Tao Ang Mahilig Sa Matamis? Alamin Dito

Bakit Maraming Tao Ang Mahilig Sa Matamis? Alamin Dito

Para sa maraming tao, hindi kumpleto ang pagkain kung walang dessert — isang slice ng cake, isang scoop ng ice cream, o kahit isang cookie. Nakatutulong ang mga opsyong ito na limitahan ang ating ideya kung ano ang isang meal. Maraming tao ang nagsasabing sila ay may “sweeth tooth,” isang pagkakaugnay at pagmamahal sa anumang klase ng dessert. Sa kasamaang palad, ang pagkonsumo ng masyadong maraming asukal, sa katagalan, ay hindi masustansiya. Bakit nga ba marami ang mahilig sa matamis? At paano mo haharapin ang mga sweet tooth cravings?

Ang Sweet Tooth

Ang asukal ay nagtataglay ng calories. Kung kaya, ito ay isang chemical signal para sa mga sustansya na maaaring makita at madaling gamitin bilang enerhiya ng mga hayop. Ito rin ay isang signal para sa kaligtasan dahil ang mga matatamis na bagay ay bihirang nagiging lason.

Dahil lahat ng tao ay may panlasa, lahat ay may kapasidad na ma-enjoy ang iba’t ibang klase ng pagkain. Sa katunayan, karamihan sa mga tao ay mahilig sa matamis. Ang pang-unawa ng matamis, gayunpaman, ay naiiba sa mga indibidwal at grupo. Ang isang buong hanay ng mga variables ay maaaring makaapekto pati na rin ang pag-uugali at pagiging mahilig sa matamis.

Isinagawa ang mga pag-aaral upang madagdagan ang ating pag-unawa sa mga indibidwal na pagkakaiba. Pinalalawak din ng mga genetic studies ang ating kaalaman tungkol dito. 

Bakit Mahilig Sa Matamis Ang Tao? Paano Mapapamahalaan Ang Sweet Tooth Cravings?

Sa kabilang banda, ang pagiging mahilig sa matamis at iba pang mga desserts ay hindi maganda para sa iyo. Ang obesity, diabetes, at sakit sa puso ay tatlo lamang sa mga sakit na naghihintay sa sinumang kumonsumo ng labis na asukal. Ang pagdami ng added sugar intake at ang patuloy na pagtaas ng obesity at type 2 diabetes ay nagpakita ng isang close parallel. Natuklasan ng mga observational studies ang mga koneksyon sa pagitan ng mga inuming pinatamis ng asukal at pangmatagalang pagtaas ng timbang at type 2 diabetes-related metabolic conditions.

Napag-alaman din sa mga pag-aaral sa hayop na ang asukal ay gumagawa ng higit pang mga sintomas kaysa sa kinakailangan upang ituring na isang nakahuhumaling na sangkap. Ang datos mula rito ay nagpakita ng makabuluhang overlap sa pagitan ng pagkonsumo ng mga added sugar at mga drug-like effects.

Kasama sa mga epektong ito ang bingeing, craving, tolerance, withdrawal, cross-sensitization, cross-tolerance, cross-dependence, reward, at opioid effects.

[embed-health-tool-bmi]

Mahilig Sa Matamis? Paano Bawasan Ang Pagkonsumo?

Inirerekomenda ng World Health Organization (WHO) na mapanatili ng mga matatanda at bata ang kanilang pagkonsumo ng asukal sa mas mababa sa 10% ng daily calories. Sa madaling salita, ang mga tao ay dapat kumonsumo ng hindi hihigit sa 12 kutsarita ng asukal araw-araw. Samakatuwid, mahalagang malaman kung saan matatagpuan ang asukal sa iyong diyeta upang maaari mong bawasan ito.

Narito ang ilang mga tip upang mabawasan ang pagkonsumo ng asukal sa iyong diyeta:

  • Magbasa ng  food labels. Alamin ang iba pang pangalan para sa asukal gaya ng corn syrup, molasses, high-fructose corn syrup, honey, dextrose, at malt sugar. Ang mga prutas, gatas, at plain yogurt ay naglalaman din ng natural sugar. Kadalasan ding mayroong mga asukal ang mga pagkain at inumin tulad ng soda at kape.
  • Alamin ang sugar content ng iyong paboritong pagkain. Kung ikaw ay mahilig sa matamis, mainam na mabawasan ang dami ng added sugar, maging mga sweeteners, sa iyong pagkain.
  • Bumili at kumain ng mas kaunting processed food. Kumonsumo ng mas maraming whole food tulad ng mga prutas, gulay, at whole grains. Mag-eksperimento ng mga bagong recipe.
  • Baguhin ang iyong kapaligiran. Kung mayroon kang madaling access sa mga kendi, ikonsidera ang pagpapalit ng mga ito ng prutas. Palitan ang mga bagay-bagay at iwasan ang mga lugar kung saan maaari kang matukso ng asukal sa pagkain.

Key Takeaways

Ang pagkonsumo at pagiging mahilig sa matamis ay natural na sa mga tao. Sa kalikasan, halos walang anumang matamis ang naipakita na nakalalason o nakapipinsala sa mga tao. Maraming tao ang buong pagmamalaki na nagpapahayag na sila ay may “sweet tooth” at na mahilig sa matamis na pagkain tulad ng mga nakasanayang mga desserts.
Gayunpaman, ang labis na pagkain ng mga matatamis na pagkain ay maaaring humantong sa obesity, type 2 diabetes, at iba pang malubhang kondisyon. Ang kamalayan sa kung gaano karaming asukal ang iyong natutunaw ay maaaring makatulong na mabawasan ang mga pagkakataon ng anumang panganib sa kalusugan.
Magbasa ng mga food labels, alamin ang nilalaman na asukal sa iyong pagkain, kumain ng mas kaunting processed food, at baguhin ang iyong kapaligiran. Ang iyong pangmatagalang kalusugan ay magpapasalamat sa iyo para dito.

Alamin ang iba pa tungkol sa Masustansiyang Pagkain dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Simple steps for cutting sugar from your diethttps://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/in-depth/simple-steps-for-cutting-sugar-from-your-diet/art-20270172, Accessed January 24, 2022

The Human Sweet Tooth, https://bmcoralhealth.biomedcentral.com/articles/10.1186/1472-6831-6-S1-S17#Sec14, Accessed January 24, 2022

Sweet tooth demonstrated: Individual differences in preference for both sweet foods and foods highly sweetened, https://psycnet.apa.org/record/1988-25319-001, Accessed January 24, 2022

Sugar addiction: is it real? A narrative review, https://bjsm.bmj.com/content/52/14/910.abstract, Accessed January 24, 2022

Sweeteners and Risk of Obesity and Type 2 Diabetes: The Role of Sugar-Sweetened Beverages, https://link.springer.com/article/10.1007/s11892-012-0259-6, Accessed January 24, 2022

Kasalukuyang Version

09/28/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Hidden Sugars, At Anu-anong Pagkain Ang Mayroon Nito?

Naghahanap ng Matamis na Pagkain? Heto Ang Healthy na mga Alternatibo!


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement