Ang “hangry” ay pinagsamang mga salitang hungry+angry na ibig sabihin ay galit pag gutom. Ito ay madalas na naririnig at pinag-uusapan. Sa nakalipas na mga taon, parami nang parami ang gumagamit ng salita para ilarawan ang galit kapag hindi sila nakakain. Ang pakiramdam ng hangry ay inilarawan na nagdudulot ng matinding discomfort sa tao. Ang resulta nito ay hindi makapag-concentrate at masamang pakiramdam tulad ng galit. Ngunit mayroon bang physiological na dahilan para sa galit na ito? Ang gutom ba ay talagang negatibong nakakaapekto sa mood? At ano ang maaari nating gawin para hindi makaramdam na galit pag gutom?
Usapang Blood Sugar
Pamilyar tayo sa matinding pananakit ng ulo kasunod ng gutom. Ito ang mga oras na ang tiyan ay umuungol nang napakalakas na naririnig ng mga tao sa paligid, o biglaang nakaramdam ng galit. Ang galit dahil sa gutom at sugar ay nangyayari kapag bumaba ang blood sugar mo. Ang mga tao sa lahat ng edad ay nakakaranas ng hindi kasiya-siyang ito, ngunit may magandang dahilan para dito. Gaya ng sabi ng dietitian at International Food Information Council nutrition communications coordinator na si Alyssa Ardolino, “Gusto ng iyong katawan na panatilihin kang buhay.”
“Ang iyong katawan ay sobrang matalino,” dagdag niya. “Kaya, kung sa ilang kadahilanan, mayroon kang kakulangan ng mga calorie o hindi palagiang kumakain, nakatutok ito sa mga pangunahing bahagi ng katawan na kailangan nitong mapanatili, tulad ng puso, utak, at ilang mahahalagang organs.”
Bakit Galit Pag Gutom?
Mayroong ilang mga posibleng dahilan para makaramdam ng gutom, mula sa sobrang alkohol, hindi nakakakuha ng sapat na protina, hindi sapat na tulog, o kulang sa tubig at fiber sa diyeta. Gayunpaman, natukoy ng mga mananaliksik ang iba pang mga dahilan para sa kumbinasyon ng gutom na nagreresulta sa crankiness o pakiramdam na hangry.
Ang isang pag-aaral na inilathala noong 2019 ay iminungkahi na ang gutom ay hindi sapat upang maging galit pag gutom. Sa halip, ipinalagay nila “na ang mga tao ay nakakaranas ng kagutuman bilang emosyonal kapag naisip nila ang kanilang affective state bilang negatibo, mataas na pagpukaw na emosyon partikular sa isang negatibong konteksto.”
Sa isa pang pag-aaral na inilathala noong 2018 ay binanggit ang magulong 19th century na isang panahon kung saan ang isang bagay na katulad ng pagiging hangry ay “nakialam sa mga debate tungkol sa pagkakaugnay ng gastrointestinal at psychiatric o neurological system.” Mula sa chronic indigestion to dyspeptic hypochondriasis, sinubukan ng mga manunulat na i-pin down ang mechanics of digestive health sa isang paraan sa pamamagitan ng pag-aaral ng karahasan na maaaring lumabas bilang resulta.
Paano Labanan ang Galit Pag gutom
Bukod sa pagkain bago maging sobrang magutom, ipinapayong umiwas sa junk food kapag kakain. Sinabi ng dietitian na nakabase sa New York na si Jessica Cording, “ang blood sugar management ay susi sa anger management.” Ang ilang mga tip upang labanan ito ay kinabibilangan ng:
- Pumili ng whole grain fiber-rich foods, tulad ng isang slice ng whole wheat bread. Makakatulong ito sa iyo na mabusong nang mas matagal.
- Mahusay para sa protina ang turkey at tofu
- Maging matalino sa mga meryenda. Kumain ng nuts. Ang mga ito ay handy kaya pwede mong kainin kahit saan, anumang oras.
- Kumain ng maraming complex carbohydrates dahil gumagawa sila ng pinakamataas na halaga ng asukal sa dugo. Kainin ang mga ito na may protina o taba.
Key Takeaways
Kung minsan ay hindi maiiwasan na hindi makakain kaya nakakaramdam ng gutom bukod pa sa galit. Bagamat ang galit pag gutom ay maaaring humantong sa isang tao na magalit sa mga nasa paligid niya, may ilang napakadaling paraan upang labanan ito at lubos na mabawasan ang galit na dulot nito.
Matuto pa tungkol sa Healthy Eating dito.
[embed-health-tool-bmr]